No reconciliation for Geneva Cruz and KC Montero even after partnering in Survivor Philippines

KC Montero and Geneva Cruz are one of the couples participating in the fourth season of GMA-7 reality show Survivor Philippines.

Geneva reveals, "I really don’t wanna do this, alam n’yo namang ayaw ko na ng controversy... Kaya lang, talagang gustung-gusto niya [KC]. Hindi naman niya ako pinilit or whatever. I just said that, ’You know, if this is something that you wanted,’ sa lahat ng


Ang ex-couple na sina Geneva Cruz at KC Montero ang dalawa sa castaways ng bagong season ng reality show ng GMA-7 na Survivor Philippines—ang Celebrity Doubles Showdown.

Sa grand launch ng fourth season ng reality show, sa Studio 6 ng GMA Network, kagabi, November 8, ikinuwento nina Geneva at KC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano sila napasali sa programa.

"He really asked me," sabi ni Geneva habang tinatapik ang katabing si KC.

Dagdag ng singer-actress: "GMA-7 wants us to join talaga.

"And sabi niya [KC], we’re a couple. Without me, hindi siya puwedeng sumali.

"I really don’t wanna do this, alam n’yo namang ayaw ko na ng controversy.

"Punung-puno na ako ng ganito. So, umiiwas talaga ako.

"Kaya lang, talagang gustung-gusto niya.

"Hindi naman niya ako pinilit or whatever.

"I just said that, ’You know, if this is something that you wanted,’ sa lahat ng kabutihang ginawa niya sa akin, so sabi ko, ’Sige na nga.’"

NO RECONCILIATION. Ikinasal sina Geneva at KC noong January 4, 2004 sa Seattle, Washington.

Pero naghiwalay sila pagkatapos ng anim na taong pagsasama.

Dahil hiwalay na sila nang sumali sa Survivor, marami ang interesadong malaman kung may balikang nangyari sa kanila.

"Wala," mabilis na tugon ni Geneva.

"Ano ba ’yan? Parang manggang hilaw at bagoong?" sambit pa ni Geneva.

Singit naman ni KC, "Abangan!"

Sinang-ayunan din ni KC ang pahayag ni Geneva na walang "romantic moments" na nangyari sa kanilang dalawa sa mala-paraisong isla ng San Vicente sa Palawan.

Ayon kay KC, "It’s really hard to have romantic moments sa Survivor. Lahat kami, bantot!"

"Mabaho" ang ibig sabihin ni KC dahil hindi nga sila nakakapaligo habang nasa isla.

Dugtong naman ni Geneva, "Gusto mong sabunutan ang sarili mo."

Pahayag pa ni KC, "It’s scary... You’re really stressed out sa Survivor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And it’s difficult to have fun if you’re trying to survive."

Dagdag naman ni Geneva, "And lagi ka ring sinusundan ng mga camera. You’re aware.

"Kahit paano, alam mo nang kung meron mang pagbabago kung anuman, dapat hindi sa harap ng kamera."

DIVORCE IS AN OPTION. Wala na ba talagang chance na magkabalikan sila?

"Divorce is an option," bitaw na salita ni Geneva.

May "divorce option" na pala sa pagitan nila, pero magkasama pa rin sila?

"Still, we’re gonna be a family," sagot ng singer-actress.

Sabi naman ni KC, "No matter what happens, me and Gen will always have a relationship."

Bakit ang tagal bago maaprubahan ang kanilang divorce?

Sagot ni Geneva, "I don’t know...we became very busy.

"It’s not like I’m marrying someone already and he’s marrying someone else.

"Tingnan na lang natin kung saan dadaloy ang agos ng tubig."

Sa kanilang dalawa, tila mas desidido si Geneva na i-legalize na ang hiwalayan nila, kumpara kay KC na walang masyadong reaksiyon sa divorce option.

Paliwanag ni KC sa bagay na ito, "I’ll cross the bridge when I get there.

"We never really sat down and really talk about it.

"It’s hasn’t really been something that we’ve really thought that much."

Sabi naman ni Geneva, "We just wanna work, earn money, save money for our future, and most especially Heaven."

Si Heaven ang anak ni Geneva kay Paco Arespacochaga, dating drummer ng bandang Introvoys. Pero si KC na ang nagpalaki kay Heaven.

Nabanggit na raw ni Geneva ang tungkol sa divorce sa kanyang anak, na ngayo’y 15 years old na.

"Parang kuya yun e. He’s like a kuya. He’s very mature," sabi ni Geneva tungkol kay Heaven.

FOR P3 MILLION. Gaya ng ibang participants sa Survivor Philippines, umaasa rin sina Geneva at KC sa P3 million cash prize na mapapanalunan ng tatanghaling Sole Survivor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani KC, "We’re both in here for the same reason, that was to, of course, to give Heaven a future.

"And if ever either one of us wins, that’s what we will do.

"Of course, most of that will go to Heaven.

"And then who ever needs, we might be able to split it.

"The important thing is Heaven."

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Geneva nang tanungin tungkol sa ipinalabas na trailer ng Survivor Philippines kunsaan tinabig niya ang kamera.

Pero inamin niyang kahit naging emotional siya sa Survivor, naging masaya pa rin siya sa pagsali rito.

Ayon kay Geneva, "I don’t wanna be in it. Pero I’m just happy that I became part of it.

"And at the end of the day, [it] is to protect my family and my son."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN