Georgina Wilson set to appear on America’s Next Top Model Cycle 17; Michael Cinco appears too

Georgina Wilson expressed excitement over her upcoming stint on America’s Next Top Model. She serves as a guest stylist on the show. She represents the team of local retail mogul Ben Chan who sponsored the clothes for the semi-final challenge.


Naging trending topic sa Twitter kahapon, November 9, ang pangalan ng model-TV host na si Georgina Wilson.

Ito ay dahil sa sunud-sunod na posts ni Georgina sa kanyang personal Twitter account noong umaga tungkol sa isang magandang balita:

"SO EXCITED to announce something that I’ve been keeping for so long now! I will be in this season of AMERICA’S NEXT TOP MODEL!!!! season 17!

"It makes me so proud to represent the Philippines in a show that I love. I went with Bench who was the clothing sponsor for semi finals of the current season of ANTM (the all star season). We shot it in Greece and I cant wait for it to come out! Airing 9th in US!

"ahhhh I cant wait for it to air!!!! i loved Tyra and Ms Jay they are AMAZING!"

Sumunod nito ay ni-retweet o ni-repost ni Georgina ang isa namang mensahe galing sa official Twitter account ng sikat na retail brand:

"Watch out for [Georgina] on America’s Next Top Model! Nov. 9, 2011 US airing & Nov. 14, 2011 at 8-9pm with replays on Thurs at 9-10pm, Fri at 3-4pm & Sun at 7pm via ETC Philippines."

At press time ay mayroong 411,293 followers si Georgina Wilson sa naturang social networking site.

Kaya naman hindi malayong kumalat agad ang balita sa kanyang mga fans, maging sa kanyang celebrity friends na mayroon ding libu-libong followers.

Isa sa mga kaibigan ni Georgina ay si Vice Ganda na may 1,044,552 followers at press time.

Sa isang tweet ni Vice kahapon ng umaga, ipinaabot niya ang kanyang galak sa natamong achievement ni Georgina:

"Congrats sissy [Georgina]! Nakaka proud ka ng severe! Ur unkabogable!"

PINOY PRIDE. Marami rin ang natuwa sa balitang ito, at halos positibo ang naging komento ng mga tao tungkol sa paglabas ni Georgina sa isang internationally beamed show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang inakala ng mga nakaalam sa balita, kasama si Georgina sa mga contestants ng sikat na reality model search produced and hosted by supermodel Tyra Banks.

Subalit agad itong nilinaw ng British-Filipina model:

"No, I didn’t join as one of the models—I joined as a guest model/stylist. I told the girls what to do for their semi finals challenge! :)

"I had to get a bit bitchy.. one girl didnt want to wear underwear. conservative chuchu daw."

ANOTHER FILIPINO. Kasama rin sa naturang season ng America’s Next Top Model ang Dubai-based Filipino designer na si Michael Cinco.

Si Michael naman ang siya nagdisensyo ng gowns para sa final episode.

Nauna nang na-feature si Michael sa programa noong Season 16, kung saan nag-pictorial ang mga modelo sa isang dumpsite suot ang kanyang koleksyon ng itim na couture gowns. (CLICK HERE to read related story.)

Ang America’s Next Top Model Cycle 17 ay ang tinatawag na all-star season, dahil ang mga kalahok ay naging contestants na ng previous seasons.

Umaasa si Georgina na hindi rito magtatapos ang pagsabak ng Pinoy talents sa international fashion scene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN