PEP EXCLUSIVE Derek Ramsay on back-to-back success of No Other Woman and Praybeyt Benjamin: "Grabe, I never imagined that both movies would be this successful!"

Derek Ramsay on prediction that he will be the Box-Office King next year: "I am flattered, but hindi ko pa puwedeng tanggapin. I have to do more."


Inulan man ng samu’t saring intriga ngayong taon ang hunk actor na si Derek Ramsay, kapalit naman nito ang pag-ulan ng suwerte sa kanyang career.

Magkasunod na naging blockbuster sa takilya ang dalawang pelikula na siya ang leading man—ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin ng Star Cinema at Viva Films.

Parehong kumita ng mahigit sa 200 million pesos ang mga naturang pelikula. At kasalukuyan pang palabas sa mga sinehan ang Praybeyt Benjamin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa telepono kahapon, November 9.

Tinanong namin siya kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng dalawang blockbuster movies na magkasunod pang ipinalabas.

Ayon kay Derek, "Grabe, I never imagined that both movies would be this successful!

"Alam ko naman na we would do well, but I never thought na mega blockbuster.

"Masarap ang feeling especially dahil pinaghirapan namin.

"I’m very proud of what we all accomplished."

BOX-OFFICE KING TITLE. Nararamdaman na ba niya na posibleng siya ang hiranging Box-Office King next year dahil sa tagumpay ng kanyang dalawang pelikula?

Sagot ni Derek, "I am flattered, but hindi ko pa puwedeng tanggapin. I have to do more."

Hindi rin daw iniisip ni Derek na pressure on his part na pagkatapos ng back-to-back success ng mga pelikula niya, ang mga susunod niyang gagawin ay dapat na mahigitan ang mga nauna niyang nagawa.

Aniya, "Hindi naman. I’m always very positive when I do any project.

"Ayokong bigyan ang sarili ko ng extra pressure para magawa ko ng mabuti ag mga role ko."

After his two successful movies, hindi pa masabi ni Derek kung ano ang susunod niyang pelikulang gagawin.

When asked about his next project, ito ang naging tugon ng Kapamilya actor:

"Malapit na ang Pasko, so time with my family muna before anything."

OFFERS FROM OTHER NETWORK. Hindi naman itinatanggi ni Derek na nakakatanggap siya ng offers mula sa ibang TV networks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman ito nakapagtataka, lalo pa nga ngayon sa estado ng career niya bilang isa sa most bankable leading men sa bansa.

Napag-alaman din namin mula kay Derek na hanggang February 2012 na lang pala ang kontrata niya sa ABS-CBN.

Pero ayon kay Derek, "Yes, it’s true, but tatapusin ko ang contract ko with ABS.

"I still have to weigh my options."

ANGELICA’S BIRTHDAY. Last November 4 naman ay nag-celebrate ng kanyang 25th birthday ang girlfriend ni Derek na si Angelica Panganiban.

Sa Boracay sila nag-celebrate kasama ang ilan sa mga kaibigan at pamilya nila.

Pero sa mismong birthday ni Angel ay may sakit naman si Derek.

Hindi naman daw ito naging hadlang para hindi maging memorable at special ang birthday ni Angel.

Kuwento ni Derek, "I was very sick on Angel’s birthday, but we were able to make it special because her family from the States flew in."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN