Anne Curtis "not allowed" by GMA-7 staff to perform at kick-off party of USTv Awards

ABS-CBN star Anne Curtis was supposed to perform "Someone Like You" at the kick-off party of the USTv Awards earlier tonight, November 10. But according to her, she was not allowed by GMA-7 staff to even go onstage.


May nangyaring kaunting kaguluhan sa kick-off party ng USTv Awards ngayong gabi, November 10.

Ang USTv Awards ay ang taunang parangal ng mga estudyante ng University of Sto. Tomas para sa pinakamahuhusay sa larangan ng telebisyon.

Sa kick-off party ay nagdala ng kanilang mga artista ang tatlong major networks ng bansa—ABS-CBN, TV5, at GMA-7—upang maghatid ng kasiyahan sa mga estudyante at guro ng pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas.

Isa sa Kapamilya stars na dumalo sa kick-off party ay si Anne Curtis.

Nang dumating si Anne sa UST ay nag-tweet agad ito sa kanyang personal Twitter account.

Excited na sinabi nitong magpe-perform siya nang "live" sa harap ng Thomasians.

Ito ang dalawang magkasunod na tweets ni Anne:

"Text by Madlang Thomasians!!! I’m heeeerrre! Will be performing for you guys LIVE at the USTV Kickoff party!!"

"Maloloka kayo as kakantihin ko. Dream ko ma-complete ang song na to LIVE and finally I’ll do it tonight! Super nervous!!!!"

Pero makalipas lamang ang ilang minuto, sinabi ni Anne sa kanyang Twitter account na aalis na siya.

Hindi raw kasi siya pinayagan na umakyat ng stage ng "GMA staff."

Sabi ni Anne, "Thomasians, I’m sorry I had to leave na. I tried to at least get up on stage and say hi kahit 2 minutes lang but GMA staff didn’t want.

"Thomasians, I was there on the left side of the stage & told them kahit d na ako kumanta babati Lang ng Hi and Hello but GMA Staff said no

"I really had to leave na kasi... Hope you all still appreciate the effort I made to go to the campus and I even prepared a song."

Ang "Someone Like You" ng British singer na si Adele raw sana ang kakantahin ni Anne.

Aniya sa kanyang tweet, "First time to sing it live and full song dapat! Haha. Oh well, maybe next year! It was nice seeing you guys kahit saglit!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Anyway moving on. Off to rest my voice for my special guesting at Side A and Martin Nievera’s concert at the Smart Araneta! Nervous!!!!"

Dahil sa tweets na ito ni Anne, maraming mga tagahanga niya ang nag-post din ng kanilang tweets. Karamihan sa kanila ay binatikos ang GMA-7 dahil sa nangyari sa kanilang idolo.

Pero mabilis namang nagpaliwanag si Anne sa kanya pa ring Twitter account, na sa kasakuluyan ay mayroong 1,866,679 followers.

Sinabi ng aktres na pabayaan na lamang ang insidente at sinabihan ang kanyang fans na huwag na silang magalit sa GMA-7.

Sabi ni Anne sa kanyang tweet, "Hayaan nyo na guys. GMA staff probably had their own reasons. Just wanted to let you know why I disappeared all of a sudden. :)

"Wag na kayo magalit sa GMA peeps.. And just to clear it."

At dito niya dinagdag: "They didn’t said bawal ako kumanta ever.. They just didn’t want na mauuna ako sa Artists nila..

"I tried to negotiate and say Hindi na Lang ako kakanta, Hi Lang.. But I guess Lang din sila cguro. Kaya deadma na. :)"

Dagdag ni Anne sa kanyang tweet, "think I explained it the best way that I can. Sorry again Thomasians! Hope you all know I really wanted to get up on stage & SING! Hahaha!

"It’s just sad that i was already about to get on stage, as in by the stairs na. Kasi nauna ako dun before the GMA Artists were there tapos pinigilan nila..

"I guess what I learned from tonight is to humbly take a deep breath, give way and say BYE :)"

Bago naging contract star ng ABS-CBN si Anne ay gumawa muna siya ng ilang proyekto sa GMA-7.

Bukod sa pagiging aktres ay isa na ring recording artist ngayon si Anne, pagkatapos i-release ng Viva Records ang debut album niyang Annebisyosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OTHER SIDE OF THE STORY. Kaugnay ng isyung ito, may nakausap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naroon sa venue na binabanggit ni Anne.

Ayon sa source, hindi raw totoo ang sinabi ni Anne na nauna siyang dumating sa lugar.

Karamihan sa mga Kapuso artists daw ay alas-singko pa ng hapon, nandoon na sa venue.

Ayon pa sa source, alas-otso ng gabi dumating si Anne.

Hindi lang daw naisalang kaagad ang mga Kapuso artists dahil may ibang artists na naisingit.

Kaya naurong nang naurong daw ang pag-akyat sa stage ng ilang Kapuso stars.

Karaniwan na sa mga ganitong event ang pagsisingit ng mga artista dahil sa ilang kadahilanan—may kasabay na commitment o di kaya ay kailangang bumalik agad ng taping o shooting.

Nagmamadali raw si Anne dahil may rehearsal pa siya para sa concert ni Martin Nievera at ng Side A na gaganapin sa Araneta Coliseum bukas ng gabi, November 11.

Ayon sa source, totoo ang sinabi ni Anne na nakiusap siya sa staff ng GMA-7 na paakyatin na siya ng stage, kahit para bumati na lang at hindi na siya kakanta.

Pero ipinaliwanag naman daw ng GMA-7 staff kay Anne na marami nang Kapuso stars na nauna sa kanya ang naghihintay na umakyat sa stage.

Pero dahil nagmamadali nga, nagdesisyon si Anne mismo na umalis na para makaabot sa kanyang rehearsal.

Ayon sa source, kung meron mang dapat managot sa insidenteng ito ay walang iba kundi ang organizers ng USTv Awards.

Ito raw kasi ang namamahala sa programa at nakakaalam kung sino na ang dapat sumalang sa stage upang bumati o mag-perform.

Ngunit dahil sa kaguluhan ng organizers ay hindi nasunod ang orihinal na plano na may nakatakdang oras para sa bawat TV network.

Ganunpaman, mananatiling bukas ang PEP sa lahat ng may kinalaman sa usaping ito kung may nais silang linawin o ipahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN