Charee Pineda gets biggest break in Angelito; denies rumored romance with Matt Evans

Charee Pineda on getting lead role in Angelito: "Sobrang happy talaga. Kasi matagal kong pinag-pray ito, e. Ilang years kong hinintay ito. At finally, napapansin naman pala yung ginagawa namin ni JM. Yung lahat ng efforts namin nagbubunga na. Sobrang proud lang po ako para sa aming dalawa at sobrang happy."


Biggest break hindi lang para kay Charee Pineda kundi pati na rin sa loveteam nila ni JM de Guzman ang pagiging bida nila sa bagong afternoon soap ng ABS-CBN, ang Angelito: Batang Ama.

Mapapanood ito simula sa Lunes, November 14, sa Kapamilya Gold.

Unang nagsama sina Charee at JM sa Precious Hearts Romances Presents Midnight Phantom.

Sumunod ay sa Precious Hearts Romances Presents Alyna.

Nagkasama rin sila sa Mula sa Puso, kung saan naging ka-love triangle si Charee ng tambalan nina JM at Lauren Young.

Balik-tambalan nga sina Charee at JM dito sa Angelito, kung saan ginagampanan nila ang role ng mga kabataang naging mapusok, na nauwi sa pagbubuntis ni Charee at pagiging batang ama ni JM.

BIGGEST BREAK. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Charee sa press conference ng Angelito: Batang Ama kahapon, November 10.

Ibinahagi nga ng aktres ang kanyang kasiyahan sa malaking break na ito.

Aniya, "Sobrang happy talaga. Kasi matagal kong pinag-pray ito, e. Ilang years kong hinintay ito.

"At finally, napapansin naman pala yung ginagawa namin ni JM.

"Yung lahat ng efforts namin nagbubunga na.

"Sobrang proud lang po ako para sa aming dalawa at sobrang happy."

Pero nakakaramdam din daw siya ng pressure.

Aniya, "Pressured ako kasi mas malaki na yung roles na ipinagkakatiwala ng ABS sa akin.

"In return naman, ’binibigay ko talaga yung best ko para maibalik sa kanila yung pagtitiwala nila.

"Alam ko naman sa sarili ko na nakakapag-deliver ako, at proud ako sa lahat ng ginagawa ko."

KISSING SCENE & LOVE SCENE. First time daw gumawa ng matinding kissing scene at love scene ni Charee sa Angelito.

Mabuti na lang daw at si JM ang kasama niyang gumawa ng sensitibong eksenang ito dahil kumportable na siya sa aktor.

Ayon kay Charee, "Buti nga si JM ang kasama ko.

"Nag-undergo po kasi kami ng sensuality workshop para matanggal yung ilang namin ni JM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero iba pa rin talaga pag actual na. Sobrang kabado talaga ako.

"Nakatulong po na si JM ang ka-partner ko kasi kumportable na ako sa kanya.

"Hindi naman po kami nakahubad kasi mga high school students po kami. So, yung lovemaking namin parang may innocence pa rin."

Humingi rin daw ng permiso ang production team ng Angelito sa parents ni Charee tungkol sa kissing scene at love scene nila ni JM.

Kuwento ng young actress, "Kinausap po nila yung mom ko at saka yung dad ko.

"Sinabi nila na hindi naman nila ako pababayaan.

"Alam naman nila Direk Lauren [Dyogi, business unit head of ABS-CBN] kung hanggang saan lang ang kaya ko. I don’t think na pipilitin nila akong gawin ang ayaw ko."

Hanggang saan ba ang kaya niyang gawing pagpapaseksi?

"Basta po as long as hindi bastos ang kalalabasan ng istorya at maganda yung role na io-offer gagawin ko po.

"Alam ko naman po na darating yung mga role na ganito.

"Tutal nasa right age na naman po ako," sabi ng 21-year-old actress.

BEING LINKED TO MATT. Si JM ang katambal ni Charee sa Angelito, pero isa pang member ng cast na si Matt Evans ang nali-link din sa aktres ngayon.

Hindi nga raw alam ni Charee kung paano nagkaroon ng ganitong isyu.

"Hindi ko nga alam, kasi si Matt, friendly lang talaga.

"Isang grupo kami parati... isang group of friends kami, kaya hindi ko alam kung bakit may isyu sa amin ni Matt."

Hindi naman daw nanliligaw si Matt sa kanya.

Diin ni Charee, "Hindi po siya nanliligaw sa akin!

"I don’t know kung nanliligaw siya kasi mahirap mag-assume baka mamaya i-deny ako.

"Pero hindi siya nanliligaw. Hindi talaga.

"Lumalabas kami, pero isang grupo talaga kami at hindi date yun."

Pero ano ang reaksyon niya sa isyung diumano’y sinabihan sila ni Matt ng ABS-CBN at ng production na huwag aamin sa relasyon nila para hindi makaapekto sa loveteam nila ni JM?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman pong ganun," tanggi ng dalaga.

"Una po kasi, ako sa sarili ko, ayaw ko pa po talagang mag-boyfriend.

"Kasi ngayon pa lang ako nabigyan ng chance, ng big break.

"Kaya hindi naman siguro ako kailangang pagbawalan ng production kasi alam ko sa sarili ko kung ano yung goal ko. Nandito ako to work.

"Siguro kung nakaposisyon na ako, o na-achieve ko na yung gusto ko, yun ang time na pwede na akong mag-relax or pwede na akong mag-boyfriend talaga."

FAVORS JM. Halimbawang sabay manligaw sa kanya sina Matt at JM, sino ang mas may pag-asa na sagutin niya?

Sagot ni Charee, "Kasi kami ni Matt, barkada talaga.

"So, siguro JM ako, kasi matagal ko na rin siyang kakilala e. So, mas kay JM."

Ano ba ang qualities na nagustuhan niya kay JM na pasok sa ideal boyfriend niya?

"Si JM, shoulder to cry on ko ’yan.

"Kasi dati po, magkasama kami sa Midnight Phantom.

"Sobra pong magaling magbigay ng advice ’yan. Masarap pong makausap.

"Mabait pa at saka maalaga po siya kahit off-cam."

Dahil dati na silang magkakilala, hindi ba nag-attempt si JM na ligawan siya?

"Hindi ko alam kung nag-attempt. Baka i-deny ako ni JM!

"Pero sinasabi niya naman sa akin na special ako sa kanya. Naniniwala naman ako.

"At pinapa-feel naman niya sa akin na special ako.

"Siguro yun na yun at hindi kailangang sabihin pa yun," saad ni Charee.

Pero hindi na nga raw natuloy sa ligawan ang special na pagtingin sa kanya ni JM dahil nagkaroon daw sila ng kasunduan.

"Basta kami, ang usapan namin, nandito kami para magtrabaho.

"Pero mahirap kasing magsalita nang tapos.

"Pero hindi rin naman mahirap mahalin si JM kasi ideal boyfriend siya, e.

"Siguro kung anuman ang mangyayari, hindi ko pa rin masabi."

NO TO ABORTION. Thankful naman si Charee na hindi pa siya naiintriga na nabuntis o kaya’y may anak na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paano niya ito iha-handle kung sakaling lumabas ang ganitong isyu sa kanya?

"Siguro hindi naman ako mahihirapan kasi alam ko naman ang totoo.

"Siguro maaapektuhan ako ng konti," sagot niya.

Kung sakaling sa kanya mangyari yung magkaanak out of wedlock, itatago niya ba ito?

"Ako po, definitely, hindi magiging option ang abortion.

"Wala na akong magagawa kung mabubuntis na ako.

"Siguro ang magagawa ko lang ay mag-move on at i-admit ang pagkakamali ko.

"Kasi siguro yun lang ang pinakamagandang way para ma-solve ko yung nangyari sa akin."

Mas gagawin niya ba ang ginawa ni Andi Eigenmann na inamin at hinarap ang pagbubuntis, o ang ginawa ni Denise Laurel na dinenay noong una ang pagbubuntis pagkatapos ay umalis at nanganak sa ibang bansa?

Ayon kay Charee, "Siguro po, kung ako, haharapin ko ang nangyari sa akin.

"Pero proud na rin po ako kay Denise. Siguro hindi niya lang po kayang aminin noong una.

"Pero natutuwa ako kasi at least ipinagpatuloy niya ang pagbubuntis niya.

"Siguro mali lang na dinenay niya muna, pero okay na rin na tinuloy niya yung pagbubuntis niya.

"Nakikita ko ngayon na sobra siyang dedicated na mom."

NO TO PRE-MARITAL SEX. Ano ang gagawin niya kung halimbawang yayain siya ng boyfriend na mag-sex para patunayan ang kanyang pagmamahal?

Saad ni Charee, "Ako po kasi, hindi ako open sa pre-marital sex. Hangga’t maaari talaga, hindi.

"Before ako mag-start ng relationship, sinasabi ko agad.

"Pero sobrang mahirap, mahirap i-resist ang temptation.

"Hindi ko na lang binibigyan ng chance yung sarili ko na ma-tempt ako.

"Ginagawa ko yun para protektahan ang sarili ko."

TWO BOYFRIENDS. Nakakadalawang boyfriends na raw si Charee.

Ang unang boyfriend niya ay ang aktor at StarStruck alumnus na si Tyrone Perez. Tumagal ang relasyon nila ng almost three years.

Non-showbiz naman ang sumunod niyang boyfriend at three years din daw ang itinagal nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang maganda lang daw ay naging kaibigan niya afterwards ang kanyang ex-boyfriends.

WORKING WITH SNOOKY & AL. Kumusta naman katrabaho sina Snooky Serna at Al Tantay na gumaganap bilang mga magulang niya sa Angelito?

"Pressured ako, lalo na nung first day," sabi ni Charee.

"Sobrang nagkakamali ako kasi nate-tense po ako kasi ang kaeksena ko si Direk Al Tantay, tapos si Ms. Snooky.

"Siguro hindi po maiiwasan yun pag first day.

"Pero ngayon kasi, mas naka-bond ko na sila, mas nakakakuwentuhan ko na.

"Mas natural na at mas kumportable na ako sa kanila."

Binibigyan ba siya ng advice lalo na sa acting ng dalawang veteran actors?

"Opo, si Ms. Snooky po ang parati kong nakakausap kasi pareho kaming babae.

"Pero minsan nagbibigay din po ng advice si Direk Al."

Bukod kina JM, Snooky, Al at Matt, proud din si Charee sa iba pang magagaling na artista na kasama sa cast ng Angelito.

Sina Elizabeth Oropesa, Kaye Abad, Tom Rodriguez, Ina Feleo, Felix Roco, Sam Concepcion, Devon Seron, at marami pang iba.

Magaling din daw ang baguhang direktor nila na si Theodore Boborol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN