Ramona Bautista’s whereabouts discovered by media through Internet and social networking sites

Ang Internet ang naging susi para malaman ang activities ni Ramona Bautista sa Turkey mula nang manirahan sila dito ng kanyang Turkish husband na si Engin Tuna Bülbüloğlu, tatlong taon na ang nakararaan.


Malaking tulong ang Internet at ang social networking sites na Faceook at Twitter kaya natunton ng media ang kinaroroonan ni Ramona Bautista.

Si Ramona ay kasalukuyang nasa Pinartepe, Naallesi, Istanbul, Turkey.

Isa si Ramona sa mga suspek sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Ramgen Revilla noong October 28.

Lalong nadiin ang pangalan ni Ramona sa kaso dahil sa kanyang mga statement na pabago-bago tungkol sa naganap na krimen, at sa kanyang biglang pag-alis ng bansa sa kalagitnaan ng imbestigasyon noong November 4.

Dahil sa Internet at mga social networking site, mabilis na nakarating sa Turkey ang balita na naroroon ang Pilipina na sangkot sa isang murder case at laman ito ng mga Turkish na peryodiko.

Sa Turkish newspaper na Hurriyet Daily News, "Filipino suspect Flees to Turkey" ang headline noong November 8. (CLICK HERE to read related story.)

Pero may pagkakamali sa balita nila dahil "step brother" ang nakalagay na pinatay sa kaso na kinasasangkutan ni Ramona.

Ang Internet din ang naging susi para malaman ang activities ni Ramona sa Turkey mula nang manirahan sila dito ng kanyang Turkish husband na si Engin Tuna Bülbüloğlu, tatlong taon na ang nakararaan.

Nagtatrabaho si Ramona bilang construction sales agent o buyer sa Eskom Yapi, isang building construction company na may opisina sa Yeni Çamlıca Mh. Baraj Yolu Cad. Olgun Sk. Kuğu Sitesi No: 8 A3 Bl. Ümraniye, Istanbul, Turkey.

Nakalagay sa agent ID ni Ramona na konektado siya sa Eskom Yapi mula pa noong July 2009.

Ang kanyang Export ID member number ay 24033.

Nakasulat din sa profile ni Ramona ang kanyang cell phone number sa Turkey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN