Paw Diaz marries non-showbiz guy in private ceremony

by Jimi Escala
Nov 11, 2011
Star Magic talent Paw Diaz tied the knot on November 11 at the Iglesia Ni Cristo church in San Francisco del Monte, Quezon City. Paw's groom is businessman Fabian Sandoval.

Ikinasal na kaninang umaga, November 11, ang Star Magic talent na si Paw Diaz.

Ang napangasawa ni Paw—Amparo Posadas sa tunay na buhay—ay si Fabian Sandoval, isang Information Technology expert at businessman na naka-base sa Singapore.

Sina Paw at Fabian Sandoval ay ikinasal sa simbahan ng Iglesia Ni Cristo sa San Francisco del Monte, Quezon City.

Ang reception naman ay ginanap sa Grand Terrace sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ang kasalan ay dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan nina Paw at Fabian.

Mahigit apat na taon naging magkasintahan sina Paw at Fabian Sandoval.

Tatlong taon naman converted na sa Iglesia Ni Cristo ang 24-year-old actress.

Si Paw ay produkto ng talent search noon ng ABS-CBN na Star Circle Quest.

Kasalukuyan siyang napapanood sa early primetime series ng Kapamilya network na Maria La Del Barrio.

Read Next
Read More Stories About
Paw Diaz, Fabian Sandoval
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Magic talent Paw Diaz tied the knot on November 11 at the Iglesia Ni Cristo church in San Francisco del Monte, Quezon City. Paw's groom is businessman Fabian Sandoval.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results