Maria Isabel Lopez admits she joined Survivor Philippines because of daughter Mara, says the experience was "worth it"

Maria Isabel Lopez (left) on joining Survivor Philippines with daughter Mara (right): "Mara knows me very well kaya alam niya na yung pagiging vocal ko ay babagay daw sa show. And she believes na makakaya ko ang show since in real life daw ay isa akong survivor. But all through everything that happened sa show—which I will not reveal para ma-surprise ang mga televiewers—I was also thankful na na-convince ako ng anak ko


Hindi pa man nagsisimula ang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown sa GMA-7, malakas na ang usap-usapan tungkol sa pagiging reklamador daw ng former beauty queen na si Maria Isabel Lopez.

Isa si Maria Isabel sa castaways sa bagong season ng Survivor Philippines na ginawa sa isla ng San Vicente, Palawan.

Ang ka-double o ka-partner ni Maria Isabel sa isla ay ang kanyang anak na si Mara Yokohama.

WHY MARIA ISABEL JOINED. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Maria Isabel sa press launch ng Survivor Philippines sa Studio 6 ng GMA Annex Building last November 8, sinabi niyang wala siya talagang balak na sumali sa naturang reality show na sikat na sikat sa buong mundo.

Sumali lang daw siya dahil sa pangungulit ng kanyang anak.

Ani Maria Isabel, "Sampung beses niya akong kinulit at iniyakan pa niya ako.

"She really wanted to do this, pero ayoko talaga.

"But because this is her dream, I gave in to what she wants.

"Bago nga ako umoo, nagkuwenta ako ng mga kikitain ko sa mga trabahong hindi ko tatanggapin dahil pinilit niya akong sumali sa Survivor Philippines.

"Sa totoo lang," patuloy niya, "malaki ang mawawala sa akin, but because I love my daughter, sige, pumayag na ako."

May dalawang indie films at isang drama series na pinalampas si Maria Isabel.

Bukod dito, bibiyahe rin dapat sana siya para sa dalawang international film festivals.

Pero mas pinili ng aktres na makasama ang kanyang anak sa reality show ng Kapuso network.

WORTH IT. Lagi nga raw litanya ni Maria Isabel sa kanyang anak na dapat worth it ang lahat ng mga ipinagpalit niya.

Kuwento ng dating Bb. Pilipinas-Universe winner, "Naku, papunta pa lang kami sa location, panay na ang reklamo ko talaga!

"Iniisip ko kung ano ba ang tulugan doon, paano kami kakain, paano kami iinom, matutuwa ba ako or maiinis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang mga kinaka-praning ko habang papunta pa lang kami.

"Kasi, napapanood ko rin ang show na ito and nakikita ko ang hirap ng makibagay ka sa iba’t ibang kasama mo sa show.

"Lahat kami, magkakaiba ang ugali.

"Ako pa naman, very vocal ako.

"Sinasabi ko ang mga nararamdaman ko—kesyo galit ako, masaya, or malungkot.

"Mara knows me very well kaya alam niya na yung pagiging vocal ko ay babagay daw sa show.

"And she believes na makakaya ko ang show since in real life daw ay isa akong survivor.

"But all through everything that happened sa show—which I will not reveal para ma-surprise ang mga televiewers—I was also thankful na na-convince ako ng anak kong sumali.

"It was all worth it.

"Just imagine, I am the oldest castaway in the show and Mara is the youngest castaway, kaya tamang match lang.

"What I experienced and witnessed during this game is so unforgettable.

"Heto at buhay pa kami at itong anak ko, ayaw pang umuwi kahit tapos na ang show!" tawa pa niya.

SURVIVOR IN REAL LIFE. Isa raw survivor sa tunay na buhay si Maria Isabel Lopez simula nang manalo siya bilang Bb. Pilipinas-Universe in 1982.

Marami nang sinuong na pagsubok si Maria Isabel noong pinasok niya ang mundo ng showbiz.

Ipinakilala siya sa pelikulang Sana Bukas Pa Ang Kahapon (1983).

Nasundan pa ito ng mga pelikulang Dugong Buhay (1982), Working Girls (1984), Batuigas II: Pasukuin Si Waway (1984), at ang ang first solo starrer niya na Isla (1984).

Naging in demand si Maria Isabel noong kasagsagan ng bold era nung ’80s.

Kabilang sa mga ginawa niyang bold films ay Silip, Hubo Sa Dilim, Hayok, Escort Girls, Red Roses For A Call Girl, Mga Nakaw Na Sandali, at Dingding Lang Ang Pagitan.

Dahil sa mga pelikulang ito kaya hindi na inimbitahan si Maria Isabel sa anumang events ng Bb. Pilipinas Charities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May insidente pa ngang pinalabas siya sa Araneta Coliseum during one pageant night kunsaan nag-reunion ang mga nanalo sa Binibining Pilipinas.

Hindi naman daw siya imbitado, pero ipinaglaban ni Maria Isabel ang kanyang karapatan bilang past winner ng Binibining Pilipinas.

Aniya, "Kapag sinabi nga ang pangalang Maria Isabel Lopez, naiisip kaagad nila na palaban, hindi nagpapatalo, may paninindigan.

"Totoo naman iyon, e. I have always fought my own battles and I always win.

"Hindi naman ako ang nagsisimula ng mga naging issues ko sa buhay. Sila lang naman ang may problema sa akin.

"I have always been fair at sino ba ang may gusto na may hindi ka kasundo, di ba?

"Kaya bumagay sa akin itong Survivor Philippines.

"Maraming mga eksena dito na I never thought would happen in real life.

"Parang mga eksena sa pelikula na biglang nangyari sa totoong buhay.

"Kaya they shouldn’t miss this season.

"Makikilala nila nang husto kung sino ako. They can either love me or hate me!"

NOT FOR THE MONEY. Ayon kay Maria Isabel, hindi ang tatlong milyong piso premyo ng Survivor Philippines ang habol niya.

Para na lang daw iyon sa anak niya kung suwertihin silang manalo.

"Sa totoo lang, matagal na akong may three million pesos and more pa!" sabay tawa niya.

"If ever na manalo kami ni Mara, the prize would be for her.

"Dahil siya naman ang may pakana nito and she deserves to win.

"Not only because she’s my daughter but she did what she could sa mga ginawa naming challenges.

"But if ever manalo kami, sisingilin ko si Mara sa mga utang niya sa akin!

"Magastos ang anak ko kaya bago niya maubos ang prize money, kukuwentahin ko na ang mga utang niya para mabayaran ako!

"Sabi ko nga kay Mara, kung mananalo siya, siya na ang magbayad sa suweldo ng maids namin, siya na magpagasolina ng kotse, at pati na sa groceries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tuturuan ko siyang mag-budget at maging responsible sa mga gastusin sa bahay namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN