Director-choreographer Lito Calzado succumbs to liver cancer

Lito Calzado (in photo), father of actress Iza Calzado, died on November 11 due to liver cancer. He was 65.


Pumanaw na ang direktor, aktor, at dance choreographer na si Lito Calzado.

Sumakabilang buhay si Lito kaninang 12:30 ng tanghali, Nobyembre 11, dahil sa liver cancer. Siya ay 65.

Si Lito ang ama ng aktres na si Iza Calzado.

Ang malungkot na balitang ito ay kinumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng manager ni Iza na si Noel Ferrer.

Ayon sa Medicinenet.com, ang liver cancer daw ang "third most common cancer in the world."

Ito raw ang kundisyon kung saan ang cancer cells ay maaaring nagsimula sa iba pang organs tulad ng "colon, stomach, pancreas, breast, at lungs" bago tumama sa atay.

DANCING WITH LIFE. Si Lito ay isinilang noong Enero 20, 1946.

Noon pa man ay mahilig na sa pagsasayaw si Lito, kaya naman sumali siya sa dance troupe ng University of the East noong nasa kolehiyo siya.

Hindi nagtagal ay dumami pa ang oportunidad para kay Lito.

Taong 1961 nang sumali siya sa Bayanihan Philippine Dance Company at sa Ballet Folkloric Filipino, na tumagal hanggang 1969.

Bilang patunay pa sa kanyang husay sa pagsasayaw, naatasan siyang maging dance choreographer para sa ilang pelikula mula noong late ’60s hanggang ’80s.

Nakalista sa website na IMDb ang ilan sa mga pelikulang ito, tulad ng: Nora: Single Girl (1969), Halina Neneng Ko (1969), Young Love (1970), Leron-Leron Sinta (1971), The Sensations (1971), Mahal Mo, Mahal Ko (1978), at Stariray (1981).

Naging bahagi rin siya ng Miss World Philippines 2011 bilang blocking director for TV.

Bukod dito, nagpakita rin ng angking talento si Lito bilang aktor, at nakasali rin ito sa ilang pelikula.

Ilan sa mga ito ay Dyesebel na bersyon ni Vilma Santos noong 1973, 7 Crazy Uragons (1974), Mana-mana Tiba-tiba (2000), at ang huli ay S2pid Luv (2002).

A SUPPORTIVE DAD. Si Lito ay ikinasal sa Irish-Spanish-Filipina beauty na si Mary Ann Ussher.

Dalawa ang kanilang naging anak—sina Iza at Dash.

Si Dash, ang nakababatang lalaking kapatid ni Iza, ay miyembro ng Pinoy rap group na Legit Misfitz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang ama, supportive si Lito sa mga napiling propesyon ng kanyang mga anak.

Sa panayam nga ng PEP contributor na si Rommel Gonzales kay Lito noong Mayo 2010, sinabi niya kung gaano siya kabilib sa kakayahan ng kanyang panganay na anak. (CLICK HERE for related article)

Nagkaroon kasi ng problema noon sa paggawa ng ikalawang kabanata sana ng GMA-7 show na Encantadia, na dapat ay pagbibidahan ni Iza.

Hindi naitago ni Lito ang kanyang pagkadismaya at sinabing, "Basta ang sinasabi ko lang, hindi naman ako puwedeng tumagal ng isang taon, hindi talaga.

"Ako nagbitaw ng salita. Pag in one year walang nangyayari sa career ng anak ko... it’s like me, I can go anywhere, any station, because my credibility is good, 100 percent!

"Wala akong inapi, wala akong niyurakan, wala akong niyapakan, serbisyong totoo ang ipinakita ko sa kanila.

"May talent ako! Yes, I believe I have talent.

"I don’t have to wait for somebody to tell me ’Uy, may talent ka!’

"No, I know that, may talent ako. Since childhood alam kong may talent ako.

"At si Iza ganun din."

Ang mga labi ni Lito ay ibuburol sa Our Lady of Mount Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City, ngayong gabi.

Sa Lunes, Nobyembre 14, ay nakatakdang i-cremate ang kanyang mga labi.

Ipinararating ng PEP ang taus-pusong pakikiramay sa pamilya Calzado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN