Franco Laurel recommends indie film to PNoy; hopes to enlighten Filipino moviegoers about corruption

Franco Laurel: "’Wag natin suportahan ang korupsyon, ’wag natin bigyan ng leeway ’yong mga taong para lang maka-angat, para lang mapabilis ang mga papeles ’yong mga gano’n. We have to go, to do the right way."


Masasabing isang panibagong pagsubok para sa award-winning stage actor na si Franco Laurel ang pagkakasama niya sa indie film na Anatomiya ng Korupsyon.

Sa katagalan kasi ng kanyang showbiz career, mas nalinya siya sa mga stage plays, musicals at iba pang may kinalaman sa teatro.

Sa Anatomiya ng Korupsyon, gagampanan ni Franco ang papel ng isang mayamang engineer na susubukang bilhin ang katarungan.

Ang nasabing indie film ay isa sa mga kalahok sa 7th Cinema One Originals Film Festival, na nagsimula noong Miyerkules, Nobyembre 9, at tatagal hanggang sa Nobyembre 12, Sabado.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Franco, sa opening ng filmfest na ginanap noong Miyerkules, Nobyembre 9, sa Cinema 4 ng Edsa Shangri-La Mall, Mandaluyong City.

Para sa kanya, isang "eye opener" sa mga mamamayang Pilipino ang pelikulang kinabibilangan niya.

"I think mamumulat ’yong mga tao talaga sa mga pangyayari hanggang ngayon," paliwanag ng actor-singer.

"Kasi, ang film setting nga is in the ’80s and kung ano man nangyayari noon, hanggang ngayon nangyayari pa rin.

"Ang masama do’n parang naging normal na sa sistema natin sa gobyerno, sa sistema natin sa mga bagay-bagay dito sa ating bansa."

STOP CORRUPTION. Maraming na-realize si Franco matapos nilang gawin ang indie film na ito.

Isa na rito ay ang hindi pa din nagbabagong sistema ng pamamalakad sa ating pamahalaan.

"You know, like what I said, what is happening in the ’80s is still happening now in the new millennium, and 2011 na hanggang ngayon gano’n pa din.

"Ang mapupulot nilang lesson dito is sana magbago tayo, sana magbago na ’yong pamamalakad, maging seryoso na tayo sa pamumuhay natin.

"’Wag natin suportahan ang korupsyon, ’wag natin bigyan ng leeway ’yong mga taong para lang maka-angat, para lang mapabilis ang mga papeles ’yong mga gano’n.

"We have to go, to do the right way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PNOY SHOULD WATCH. Samantala, dahil na rin patungkol sa korupsyon ang tema ng pelikula, tinanong namin kung irerekomenda ba niya ang pelikulang ito kay Presidente Benigno "Noynoy" Aquino III.

"Yes, I am because I know he can relate to this," mabilis na sagot ni Franco.

Aniya, "This was the time when his father was still alive, and I’m sure that’s the same thing that he’s fighting for right now— it’s to get rid of corruption.

"Hoping, PNoy would be able to change, ’di ba, the system.

"But, it doesn’t take one person to act; it takes the whole village to make it work.

"So, sana magtulung-tulungan tayo para maayos ’yong sistema natin."

Ang Anatomiya ng Korupsyon ay isinulat para sa entablado at unang isinadula ni Malou Jacob, at isinalin para sa pelikula ng scriptwriter at direktor na si Dennis Marasigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN