Arthur Solinap amused by rumored rift between girlfriend Rochelle Pangilinan and friend Sheena Halili

Arthur Solinap on being a castaway of Survivor Philippines: "Paano makaka-survive ang isang taong OC [obsessive-compulsive disorder] sa isang isla na wala yung mga kailangan niya para maging malinis ang paligid niya? Mahirap para sa akin noong una. Nawala ako sa naging comfort zone ko for so many years. But I was glad na nandiyan si Carlos who really helped me in what I was going through during our stay on the island."


Natatawa na lang si Arthur Solinap sa balitang may problema raw sa pagitan ng kanyang girlfriend na si Rochelle Pangilinan at sa Amaya co-star nito na si Sheena Halili. (CLICK HERE to read related story.)

Nasa isla ng San Vicente, Palawan si Arthur nang mabalitaan ang dedmahan issue kina Rochelle at Sheena.

Nasa Palawan noon si Arthur dahil isa nga siya sa castaways ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Ang ka-double o kakampi ni Arthur dito ay ang pinsan niyang si Carlos Gonzalez.

Nagulat daw si Arthur nang pag-uwi niya mula sa isla ay ang issue nina Rochelle at Sheena ang sumalubong sa kanya. Na-amuse lang daw siya sa naturang issue.

Aniya, "Yung issue na nagdededmahan sina Rochelle at Sheena, walang katotohanan kasi magkasama naman sila sa show na Amaya.

"Kahit na hindi sila madalas na magkasama sa eksena, kapag breaktime nila, nagkakasama sila sa isang lugar ng taping.

"Nagkakausap naman sila."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arthur sa press launch ng Survivor Philippines noong Martes, November 8, sa Studio 6 ng GMA Annex Building.

Dagdag pa ni Arthur, "Hindi naman super-close ang dalawa, pero hindi sila nagdededmahan.

"Noong tanungin ko si Rochelle about it, wala siyang alam na may gano’ng nangyari sa kanila ni Sheena.

"Hindi ko pa naman kasi nakakausap si Sheena tungkol dito. Pero magkakausap din naman kami."

HOW IT STARTED. Nagsimula raw ang balita tungkol kina Rochelle at Sheena dahil sa pagiging taklesa raw masyado ni Sheena.

Inamin ni Arthur na sinabihan siya ni Sheena na "mukha na siyang tatay."

Ayon sa reports, doon na-offend si Rochelle dahil para raw nitong iniinsulto ang boyfriend niya.

Pero alam ni Arthur na nagbibiro lang si Sheena sa kanya kaya wala raw dapat na ika-offend si Rochelle.

Saad niya, "Matagal ko nang kilala si Sheena at palabiro talaga ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’ve worked with her sa Marimar, Ako Si Kim Samsoon, at sa iba pang projects sa GMA-7.

"Parati niya akong binibiro at okey lang sa akin ’yon. I know that she doesn’t mean it.

"Like what I said, magkaibigan kami niyan.

"Si Rochelle, hindi naman ’yan basta maniniwala or ma-o-offend. Palabiro rin naman siya.

"And sa tingin ko, pagtatawanan lang niya ang mga biro ni Sheena sa akin.

"Kaya sana, matapos na ang intriga na ’yan.

"There’s no problem sa kanila talaga," diin niya.

OBSESSIVE-COMPULSIVE. Inamin ni Arthur sa PEP na naging hesitant siya nang yayain siya ng kanyang pinsan na si Carlos na sumali sila sa bagong season ng Survivor Philippines.

Hindi kasi trip ni Arthur ang mga ganitong reality shows.

Pero dahil once-in-a-lifetime opportunity nga ito, napilitan na rin siyang sumali.

Hindi raw siya nagsisisi na napa-oo siya ng kanyang pinsan.

Ani Arthur, "Kilala ako ng pinsan ko. Hindi ko trip ang mga ganyang reality shows.

"Kasi nga, masyado akong OC [obsessive-compulsive]. I have that kind of disorder sa katawan ko.

"Hindi ako sanay sa magulong environment, lalo na kung sa isang lugar pa na alam mong magiging independent ka sa lahat ng gagawin mo.

"E, ang mga OC, dependent sa ilang mga bagay, di ba? Kaya mahirap para sa akin.

"But because it’s an opportunity na baka hindi na dumating ulit, I was willing to sacrifice.

"Hindi naman ako pinabayaan ni Carlos. He was there for me all the way."

Ayon sa familydoctor.org, ang obsessive-compulsive disorder "is an illness that causes people to have unwanted thoughts (obsessions) and to repeat certain behaviors (compulsions) over and over again."

Dagdag pa rito, "Most people with OCD know that their obsessions and compulsions make no sense, but they can’t ignore or stop them."

Sabi pa ni Arthur tungkol sa kanyang pagiging OC, "Hindi ako mabubuhay na walang rubbing alcohol sa tabi ko. Alam ni Carlos ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Panay ang pahid ko ng alcohol kapag may nahahawakan akong marumi.

"Or, panay ang hugas ko ng kamay.

"Basta pakiramdam ko na marumi, alcohol or hugas agad ng kamay.

"Kaya yun ang matinding problema ko.

"Paano makaka-survive ang isang taong OC sa isang isla na wala yung mga kailangan niya para maging malinis ang paligid niya?

"Mahirap para sa akin noong una. Nawala ako sa naging comfort zone ko for so many years.

"But I was glad na nandiyan si Carlos who really helped me in what I was going through during our stay on the island.

"Kung paano ko nakayanan ang lahat, ’yan ang panoorin nila sa Survivor Philippines."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN