Martin Escudero reveals another dream role—to play a psycho killer

In an interview, PEP.ph asked Martin Escudero if he doesn’t mind doing torrid love scenes in his next film.

"Depende kung hihingin mismo nung pelikula, nung istorya. Kung mapapaganda niya yung pelikula. Depende kung maganda yung pelikula. Trabaho yan, e," he says.


Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin Escudero, tinanong namin ang aktor kung ano na ang susunod na pelukula sa matagumpay niyang Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington.

"Yung mga pelikula, early next year pa namin gagawin. Wala pa akong masyadong detalye pero siguradong mag-e-enjoy sila ulit dun," pahayag ni Martin.

Bading ba ulit ang papel niya sa susunod niyang pelikula?

"Hindi ko pa masabi kung bading ulit."

But he doesn’t mind playing another gay role?

"Oo naman."

At kung sakali man na mas grabe at matitinding mga love scenes or torrid kissing scenes ang ipapagawa sa kanya sa susunod niyang pelikula...

"Depende kung hihingin mismo nung pelikula, nung istorya.

"Kung mapapaganda niya yung pelikula.

"Depende kung maganda yung pelikula. Trabaho yan, e."

What about frontal nudity?

"Hindi ko masasabing gagawa ako ng ganyang [eksena], na may frontal, lalo na sa edad ko pero sa tingin ko lahat naman ng artista nagdadaan sa... na nagpapaseksi, may age na pinagdadaanan nila yun.

"Siguro malay natin, depende kung open na rin ang mga tao sa ganung eksena.

"Kasi hindi naman lahat, di ba, open sila sa mga ganung ka-bold na eksena?"

DREAM ROLE. Does he have a dream role?

"Oo naman. Yung ngayon, yung hindi ko na lang nagagawa yung psycho killer.

"Iyon ang isa sa mga gusto kong gawin.

"Dalawa lang naman ang gusto ko, yung isa, yung role ng bading, nagawa ko na."

Ang kapareha niya sa Zombadings na si Kerbie Zamora, dumami ang indecent proposals matapos mapanood sa pelikula; si Martin kaya?

"Sa akin wala! Kasi gay ako dun sa movie e," at tumawa ang aming kausap.

Sa husay ni Martin sa Zombadings, marami ang nagsasabing tiyak na papansinin siya ng iba’t-ibang award-giving bodies sa susunod na taon, na bukod sa nomination, may pagkakataon rin na parangalan ang kanyang pag-arte sa naturang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magdilang-anghel sana kayo."

Is he expecting to win an award or awards?

"Hindi, hindi. Hindi ako nag-e-expect ng kahit na anong kapalit. "Sa totoo lang para sa akin, lulang-lula na ako dun sa mga natanggap kong [papuri sa movie]. Doon pa lang kuntento na ako.

"Mas higit pa yun sa trophy na panghahawakan ko."

Sa ngayon, kasama si Martin sa cast ng Glamorosa na bagong drama series ng TV5.

Isang taon na si Martin sa TV5 at tatlong taon ang kabuuang kontrata niya sa Kapatid network.

At ang pinakamalaking pagbabago sa buhay niya bilang artista?

"Malaki, malaki. Siyempre dito, isa ako sa mga priorities.

"Talagang magagandang characters at roles ang ibinibigay sa akin, napagtutuunan nila talaga ako ng pansin."

NO REGRETS. So wala siyang pagsisisi na lumipat siya?

"Wala. Kahit saan naman ako magpunta kahit ano’ng gawin ko hindi ako nagsisisi kasi alam kong kailangang mangyari iyon."

Sino ang nami-miss ni Martin sa GMA?

"Yung mga kaibigan siyempre.

"Sila Dennis [Trillo], si Ehra [Madrigal], si Ynna [Asistio], sila Sarah Lahbati. Konti lang din kasi ang kaibigan ko dun."

Sa Glamorosa...

"Ako si Calvin Rustico na ampon na anak ni Tonton [Gutierrez] na magiging kaibigan ni Giselle, si Ritz Azul. Ako yung magtatanggol sa kanya, ako yung tutulong sa kanya."

Napanood si Martin sa Babaeng Hampaslupa bago ang Glamorosa.

Matindi ang cast ng teleserye; bida dito sina Lorna Tolentino as Natalia Herrera at Alice Dixson as Paulina Valdez; sina Zoren Legaspi as Karl; Meg Imperial, Ritz Azul as Giselle; at sina Lotlot de Leon, Tonton Gutierrez, Jenny Miller, Noni Buencamino, Ronaldo Valdez, Celeste Legaspi and Ms. Gloria Diaz.

Tatlo ang direktor ng Glamorosa; sina Eric Quizon, Argel Joseph at Bb. Joyce Bernal.

Dahil malapit na ang Pasko at Bagong Taon, tinanong namin si Martin kung ano ang hiling niya...

"Sa totoo lang wala naman akong masyadong hinihingi o kailangaang gawin, basta ang gusto ko lang tuwing Pasko or New Year e, basta gusto ko lang na magkakasama kami, buo kaming pamilya na magse-celebrate, may handa o wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon lang talaga ang gusto ko, na nangyayari tuwing Bagong Taon at Pasko, at lagi namang nangyayari yun.

"Na walang may sakit sa pamilya ko, masaya na ako dun."

His New Year’s resolution?

"Yung mga gawain, alam ko naman kung ano yung mga dapat at hindi dapat kaya ora mismo nababago ko naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN