JM de Guzman denies rumors he has a child out of wedlock: "O talaga? Gusto kong makilala, nasaan na siya?"

Bida si JM de Guzman sa bagong serye ng ABS-CBN, Angelito: Batang Ama. May ilang kumukuwestiyon na hindi naman daw pang-leading man si JM.

Ang reaskyon ng aktor: "Siguro may puso lang ako, may drive. Marami akong gustong patunayan na hindi lang looks ang importante dahil hindi naman fashion show ang pinasukan ko kundi pag-arte."


Pagkatapos ng 13 taon, nabigyan na rin ng big break si JM de Guzman, patunay na bawat artista ay may kani-kaniyang panahon ng pagsikat basta may talino at determinasyon.

Una siyang pinakilala sa programang Kaybol, pero napansin ang husay niya sa pag-arte nang ire-launch ang Kristine series, "Mula sa Puso."

Ngayon ay bida na siya sa Angelito: Batang Ama, na ipapalabas November 14.

Sa panayam ng PEP.ph kay JM sa presscon ng bagong teleserye, aminado ang aktor na kinakabahan siya, hindi siya makapaniwala, pero natutuwa sa malaking proyektong pinagkatiwala sa kanya ng Kapamilya network.

"May pressure talaga, nagulat ako but I’m excited na mas mabigat ang project na binigay sa akin.

"Siyempre honored ako kasi malaking project itong pinagkatiwala sa akin ng ABS."

"We really prepared for this show. Nag-attend kami ng workshops kay Direk Laurice [Guillen] at saka immersion with teenage fathers."

May ilang kumukuwestiyon na hindi naman daw pang-leading man si JM pero ito ang pinu-push ngayon ng ABS-CBN.

Agad naming hiningan ng reaksyon tungkol dito ang aktor.

"Siguro may puso lang ako, may drive.

"Marami akong gustong patunayan na hindi lang looks ang importante dahil hindi naman fashion show ang pinasukan ko kundi pag-arte."



ATTITUDE PROBLEM? Isa sa isyung nabalita noon kay JM ay may attitude problem daw siya.

Naisulat din na medyo may katamaran daw ito sa mga taping at madalas ay hindi namamansin ng mga kakilala niya. Ipinaliwanag ito sa amin ni JM.

"Malaking adjustment ang ginawa ko, na-pressure ako sa Mula sa Puso tapos ngayon super effort ako sa Angelito.

"As in ang layo sa performance ko noon. Hindi siya katamaran e, yung adjustment ko from theater to TV.

"Hindi rin kasi biro, parang na-lost ako, di ko alam kung ano ang ibibigay ko, yung timpla.

"Siguro yung mga ganung instances, baka na-misunderstand lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako kasi talaga, medyo may pagkalutang, minsan pag naglalakad ako, ang dami kong iniiisp.

"Hindi naman may mabigat na problema, iniisip ko yung trabaho ko. Gusto ko mas paghusayan, nakikita ko ang mga weaknesses ko.

"Habang tumatagal, marami akong nagagawang mali tulad ng mga binaggit ninyo.

"Tapos na ko dun, naapektuhan ako pero di na lang ako nagsasalita about it."

FATHER ISSUES. Pinaklaro din namin kay JM ang lumabas na balita na may anak na raw siya sa pagkabinata sa totoong buhay.

"O talaga? Gusto kong makilala, nasaan na siya?

"Wala talaga, pag mayroon pananagutan ko... pero wala talaga.

"Mabait akong bata. Mayroon akong mga naging girlfriends, tatlo ang naging girlfriends ko pero mga hindi nagtagal.

"Dalawa nung college tapos isa nung high school pero mabait akong bata."

Hanggang ngayon ay di mamatay-matay ang issue na sila raw talaga ni Jessy Mendiola pero tinatago lang nila ito sa publiko.

"Ay hindi totoo yun, isa lang akong tagahanga pero hindi naging kami.

"May communication pa rin pero friends lang talaga.

"Mahirap magkarelasyon tapos kasabay ng trabaho. Mas maganda kung sa work muna ako mag-focus.

"Hindi ko kaya kasi ngayon pa lang, busy na talaga. Masyadong mabigat kung pagsasabayin ko pa."



FREQUENT VISITOR. Nabalita na madalas daw nakikita si Nadia Montenegro na dumadalaw sa condo unit ni JM.

Agad naman itong nabigyan ng ibang kulay ng ibang tao.

"Dalawang beses siyang nakapunta sa condo pero hindi lang naman siya.

"Kasama niya ang dalawang anak niya, yung iba naming guy friends, si Alwyn, pinagluluto niya kami ng pagkain.

"May mga kaibigan kasi ako na kilala si Tita Nadia tapos napakilala siya sa akin, kabarkada niya.

Kabarkada din ng mga barkada ko, in short, through common friends.

"Grabe yung mga issues, parang nanay-nanayan na naman siya, wala naman siyang masamang intensyon sa akin, wala naman siyang masamang ginawa sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakitaan ako ng magandang asal, binalik ko lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN