Lovely Embuscado shares an important advice from her mentor Jaya: "Maging proud po sa sarili... Kailangan ko raw pong galingan kasi ito raw po ang pangarap ko."

Tinanong ng PEP.ph si Lovely Embuscado kung ano ang meron siya na wala ang ibang Protégé contestants. Ito ang naging sagot ng 13-taong-gulang na dalaga:

"Actually, parang sila po ang meron, ako ang wala. Kasi po, parang maginhawa po ang buhay nila. Nakakakain po sila nang maayos habang lumalaki po sila. Ako po, hindi. Tapos yun lang po ang alam ko po. May Papa po sila. Ako po, wala. Buo po ang pamilya nila. May bahay



Ang protégé ni Jaya na si Lovely Rose Embuscado na siguro ang may pinaka-pang-teleseryeng kuwento ng buhay, bago pa man siya makita at mapili noong nag-audition siya sa Davao.

Lovely just turned 13 last October 25.

Kailan lang din nakita ni Lovely ang kanyang ama. Masasabing hindi naging madali ang buhay ng dalaga na lumaki sa ina.

Nasa Grade 5 pa lamang siya dahil nahuli raw siya ng isang taon, bukod pa sa kinakailangan niyang maglakad para lamang makapasok sa eskuwelahan.

Dahil sa pagsali niya sa Protégé, kinailangan na niyang tumigil ng pag-aaral pangsamantala.

Katwiran naman ni Lovely sa bagay na ito, "Ayos lang naman po kasi, minsan lang din naman po mangyari ’to.

"At saka, kailangang-kailangan ko rin po. At saka, minsan din po, nag-absent din po kasi ako sa school kasi siyempre po, wala pong bigas sa bahay, ganito... [at] naglalakad lang po ako," ang kwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang ina ni Lovely ay isang balut vendor.

REUNION WITH FATHER. Masaya raw siya nang magkita sila ng ama.

"Pinapangarap ko nga po na makita ko po siya. Tapos, bigla po siyang lumitaw.

"Kaya umiyak po ako. Kasi, unang-una ko po siyang nakita.

"Tapos ngayon ko lang po siya nakita kaya masaya po ako."

Hindi pa raw sila nagkausap muli ng ama. Hindi raw niya alam kung ano na ang ginagawa nito ngayon.

"Ang importante naman sa akin, nagkita kami.

"Kasi, kahit naman po baligtarin ko ang mundo, siya pa rin naman ang Papa ko kaya hindi ko na lang din po masyadong tinatanong.

"Pero sa isipan ko po, nandoon pa rin po siya."

May gusto ba siyang hilingin sa ama?

"Gusto ko lang po sana hindi lang ngayon kami magkita.

"Gusto ko lang po sana, kahit ganoon po, kilalanin niya po ako nang buong puso na anak niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JAYA’S ADVICE. Kamusta naman si Jaya bilang mentor?

Nakangiting sagot ni Lovely, "Okay po siya. Maalagain naman po siya. Palagi naman po siyang nandiyan."

Ano ang mga payo o nagawa para sa kanya ni Jaya na hindi niya makakalimutan?

"Sinasabi po niya na maligo raw po araw-araw. Tapos, kumain nang maayos.

"Maging proud po sa sarili... Kailangan ko raw pong galingan kasi ito raw po ang pangarap ko."

Nang tanungin namin ang ibang mga protégé, karamihan ay sinabing sa tingin nila ay si Lovely ang puwedeng manalo.

Nagulat si Lovely nang malaman.

Aniya, "Lahat po kasi magagaling. Wala po akong alam na natatakot pala sila sa akin.

"Ang alam ko lang po talaga, kapag ginalingan ko lang po, siguro po, yun na po."

Ano kaya ang meron siya na wala ang ibang mga protégé?

"Actually, parang sila po ang meron, ako ang wala.

"Kasi po, parang maginhawa po ang buhay nila. Nakakakain po sila nang maayos habang lumalaki po sila.

"Ako po, hindi. Tapos yun lang po ang alam ko po.

"May Papa po sila. Ako po, wala.

"Buo po ang pamilya nila. May bahay po silang matitirhan, kami po, wala."

Hindi raw iniisip ni Lovely kung sino ang mga mahigpit niyang makakalaban. Ang focus raw talaga niya, galingan ang ginagawa.

"Nagko-concentrate po kasi ako sa pagkanta ko. Kasi, kinakatakutan ko po, parang mawawala.

"Pero siguro po, lahat po talaga sila, hindi ko po masabi kasi naiisip ko, lahat po kami magagaling."

Sa naturang interview, hindi rin itinanggi ni Lovely at kapwa niyang mga protégé sa bahay, na sama-sama raw talaga silang tinuturuan ng tamang pag-alaga sa katawan at gayundin sa pagkain dahil ilan sa mga ito ay naging salat sa buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN