Matt Evans denies romance rumors with Charee Pineda

May tsismis na kaya raw pumayag si Matt Evans na makasama sa seryeng Angelito: Batang Ama ay dahil nandito si Charee Pineda na girlfriend na raw niya.

"Walang ganoon. Mga ano lang yun... chika-chika lang yun. Magkaibigan lang kami ni Charee," ang sabi ni Matt na gumaganap sa papel ni Roland, isang supporting role.



Kasama ang young actor na si Matt Evans sa bagong serye ng ABS-CBN 2, Angelito:Batang Ama, na pinagbibidahan ni JM de Guzman.

Gumaganap si Matt sa serye bilang si Roland, nakakatandang kapatid ni Charee Pineda, na siyang leading lady ni JM.

Barkada sina Matt at JM sa istorya pero nagkasamaan sila ng loob dahil naging girlfriend ni JM si Charee at nabuntis niya ito.

"Me usapan kami, kumbaga meron kaming pangako na walang talo-talo.

"Dun na nagsimula yung gulo namin nung mabuntis niya yung kapatid ko," sabi ni Matt.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matt Sabado, November 12, after ng guesting niya sa Happy Yipee Yehey! para sa promo ng Angelito: Batang Ama.

Kung halimbawang sa totoong buhay ay nangyari sa kanya na nabuntis ng kabarkada niya ang kapatid niyang babae, magagalit din ba siya?

"Wala naman akong kapatid na babae, e.

"Pero sa akin naman, okey lang basta’t magpapaalam ng maayos.

"Hindi yung malalaman ko na lang bigla.

"Pangit yung ganoon. Maganda may basbas."

Nagbida na si Matt sa pantaseryeng Pedro Penduko at ilang beses na rin namang naging leading man siya sa mga serye kapareha si Melissa Ricks.

Pero sa Angelito, ay support lang siya ni JM.

May paliwanag si Matt kung bakit pumayag siyang maging support lang ni JM sa serye.

"Wala namang masama doon sa [support] e.

"Para sa akin, wala namang maliit o malaking role. Basta ang mahalaga may trabaho ka."

May tsismis na kaya raw siya pumayag na makasama sa serye ay dahil nandito raw si Charee na girlfriend na raw niya?

"Walang ganoon. Mga ano lang yun... chika-chika lang yun.

"Magkaibigan lang kami ni Charee.

"Matagal na kaming magkaibigan. Lumalabas kami kasama sina Helga, si Meliissa, marami kami.

"Pero hanggang ganoon lang.

Pero posible ba siyang ma-in love kay Charee?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon hindi ko pa masabi," sagot niya

"Pero siyempre hindi naman mahirap ma-in love kay Charee kasi napakaganda, napakabait niya di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN