Erich Gonzales squashes rumors saying she went out on a date with Mikael Daez: "Sino yun? Sorry..."

At sa mga nagpipilit at nagtataka kung bakit hindi magkatuluyan ang love team na Erich Gonzales (above) at Enchong Dee, sinabi ng aktres na magkaibigan lang talaga sila.



Tigas sa pagtanggi si Erich Gonzales na hindi niya kilala si Mikael Daez nang makapanayam ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Maria La del Barrio sa White House, Quezon City.



"Sino yun? Sorry..." giit ni Erich nang tanungin ng PEP kung totoong magkasama sila ni Mikael sa isang mall na magka-date, ayon na rin sa inilabas na litrato ng fashionpulis.com.

Sa retrato’y magkahawak kamay ang babae’t lalaki habang paakyat ng escalator.



"Hindi ko pa siya nami-meet in person. Hindi ko siya talaga kilala," muling nasabi ni Erich nang muling tanungin namin kung talagang hindi niya kilala ang aktor na napapanood sa GMA-7.

At nang tanungin muli ng PEP kung hindi ba niya ito nakikita sa TV, aniya, "Hindi po e."



Iginiit pa ni Erich na hindi siya nagpupunta ng mall na may kasamang lalaki.



Pero sinabi ng batang aktres na handa naman siyang ma-in love nang kumustahin ang kanyang love life.

"I’m ready to fall in love, pero it doesn’t mean naman na kailangang magmadali, ine-enjoy ko naman po ang buhay ko," saad niya.

"May napupusuan na po ako o may nanliligaw pero non-showbiz. Kung sino po iyon, wag na lang po kasi hindi naman po siya showbiz."



LOVE TEAM. At sa mga nagpipilit at nagtataka kung bakit hindi sila magkatuluyan ng kanyang ka-love team na si Enchong Dee, sinabi ni Erich na magkaibigan lang talaga sila.



"Hindi naman po kailangan na maging kami.

"Kasi po yung mga supporters namin, sinusuportahan yung love team namin, kahit alam nila na hindi kami o wala kaming relasyon sa tunay na buhay o may individual partners kami.

"Kahit hindi kami in real life, more important is yung suporta nila sa amin, na susuklian namin yung kabutihan nila to make them happy.



"Ang sa amin po ni Enchong trabaho lang talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In the future, does she have plans to leave her love team with Enchong and go solo?

"Hindi ganoon kadaling umalis sa love team namin. Hindi ganoon basta-basta [kadali] bumitaw sa kung anuman ang nabuo namin.

"Kasi ayaw kong makasakit sa fans namin.

"Isa sa dahilan kung bakit kami nandito, dahil sa kanila at gusto kong suklian iyon. They’re also very supportive naman sa individual projects namin."

EXTENDED. Samantala, masayang-masaya sina Erich at Enchong dahil extended ang kanilang Maria La del Barrio.

Nagsimula ang MLDB noong Agosto at dapat sana’y magtatapos ngayong Nobyembre.

Pero dahil sa magandang ratings nito, na-extend ito ng hanggang Pebrero 2012.

Ayon kasi sa nationwide ratings nito mula sa Kantar Media/TNS, nakakuha ng 21.2 percent ang MLDB laban sa kasabay nitong Daldalita ng GMA-7.

Sa pag-e-extend ng serye, hindi naman nangangahulugan na may matatanggal o mababalewalang character?

"Hindi naman po ma-a-outshadow yung mga character na nasa Book 1.

"Lahat naman kami equal or fair ang exposure. Nasa bawat character naman kung magagampanan iyon nang maayos.

"Bale may madadagdag na isang character, babae po iyon, kung sino po yun hindi pa namin masabi," saad pa ni Erich.

Ayon din sa pamunuan ng Maria La del Barrio, nagpa-audition sila para sa bagong character na papasok sa serye.

Sinabi pa ni Erich na hindi naman talaga sumunod sa orihinal na kwento ang Pinoy version ng serye.

"Ever since naman hindi po kami sumunod sa original story, the skeleton is there pero yung Book 2, siguro mas maraming naidagdag.

"Maraming pagbabago kumbaga kung ano yung nakasanayang makita, maiiba po talaga. May mga character na madadagdag po."

DREAM ROLE. Tungkol naman sa paggawa nila ng pelikula ng Thai actor na si Mario Maurer, sinabi ni Erich na sa Abril o Mayo sa susunod na taon magsisimula ang kanilang shooting.

"Bale tungkol po iyon sa two people badly hurt with their past realtionships.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"[They] fall in love na hindi nila ine-expect at yung love na yun ang magiging hadlang sa pangarap nila.

"So, ano ba ang pipiliin nila—yung pangarap nila o yung love?"

Malayo na rin ang narating ni Erich kaya natanong sa batang aktres kung may dream role pa ba siya o kung bibigyan siya ng more challenging roles, kaya kaya niyang gawin iyon?

"Opo, ever since naman, sinasabi ko na gusto kong maging versatile actress.

"Kumbaga, open ako sa kahit anong role na kaya ko basta maganda yung story at maganda yung project. Challenging of course, gagawin ko.

"Wala naman akong dream role in particular basta kahit anong challenging role."

E yung role na tibo?

"Nagawa ko na po ’yan dati sa Kung Fu Kids. Kahit ano po okey sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN