Sylvia Sanchez says she gave this advice to Claudine Barretto: "Kung kayang i-save, i-save... Kung wala ng respect, communication, huwag na."

Nalungkot ba si Sylvia Sanchez nang matapos agad ang Iglot, ang seryeng kinabibilangan niya?

"Hindi. Okay lang. Nalungkot ako para sa mga staff. Para sa mga crew. Kasi siyempre, inasahan nila dahil Christmas. Dapat kasi 13 weeks, na-cut short ng 10, 11," she says.


May bagong pinagkakaabalahan ang aktres na si Sylvia Sanchez bukod sa kanyang showbiz career.

Ito ay ang bagong sangay ng TJ’s restaurant and bar sa may Sgt. Esguerra corner Sct. Bayoran Streets sa Quezon City.

Si Sylvia at ang partner niyang si Bobby Casuela ang nagma-manage nito.

Biyernes, November 11, 2011 (11.11.11), ang grand opening ng naturang resto/bar kunsaan si Senator Jinggoy Estrada ang nag-ribbon cutting noong gabi.

Umaga pa lang ay nakausap na si Sylvia ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Ayon kay Sylvia, sa Greenhills ang unang branch ng TJ’s.

"Hindi siya sa Promenade, so tagó. Pero meron akong kausap doon.

"Bibigyan daw kami ng puwesto na katabi ng Promenade sa 2013.

"Lumipat kami rito sa QC. Ang daming tao, gimikan, tapos malapit sa ABS, GMA. May mga condo.

"Tapos, magde-deliver rin kami. At the same time, may bagnet [chicharon baboy] kami to go."

Bukod daw sa QC, plano rin nila mag-open ng sangay sa Makati.

SHE GOES TO MARKET. Ang nakakatuwa kay Sylvia, personal talaga siyang namamalengke para sa mga ilulutong pagkain sa restaurant nila.

Tulad na lang noong opening, maaga pa lang daw nasa palengke na siya.

May suki raw siya ng karne.

Pero pagdating sa isda, pinipili niya ang sariwa.

Siya rin ang personal na nagluluto ng ibang putahe sa menu, tulad ng kare-kare at laing.

Secret recipe raw kasi kaya hindi niya ipinagkakatiwala kahit sa chef.

Nag-aral si Sylvia ng culinary arts sa AICA [Academy for International Culinary Arts].

"Nag-e-enjoy talaga ako. Bukod pa sa mahilig akong magluto, mahilig din akong kumain.

"Pero, siyempre, meron naman kaming chef dito.

"Si Inay naman [Bobby] ini-introduce yung lemon pepper chicken."

Bukas ang TJ’s mula 10 a.m. hanggang 3 a.m., at may ’80s music din sila tuwing Sabado ng gabi.

BACK TO SHOWBIZ. Bukod sa pagiging businesswoman, tuloy-tuloy pa rin ang showbiz career ni Sylvia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fact, kakatapos lang niyang gawin ang Iglot sa GMA-7.

Magsisimula na siya ng bagong serye, ang Magunaw Man Ang Mundo, sa Kapamilya network.

"After ng three series ko sa GMA, ang ABS naman ang may offer.

"Ako naman, kung sino ang unang nag-offer, dun ako."

Tinanong namin kay Sylvia kung nalungkot ba siya na natapos agad ang Iglot.

"Hindi. Okay lang.

"Nalungkot ako para sa mga staff. Para sa mga crew. Kasi siyempre inasahan nila, dahil Christmas.

"Dapat kasi 13 weeks, na-cut short ng 10, 11.

"Sa akin, okay lang. Handa naman ako sa mga ganoon.

"Meron talagang mga nangyayaring ganyan. Inaasahan ko naman yun.

Nang mabalita ngang natapos agad ang Iglot, kasabay nito halos ang balitang diumano’y may problema sa pamilya si Claudine Barretto, na isang bida sa serye.

Dito lumabas yung sinasabing nawawalang limang milyong piso sa joint bank account nina Claudine at Raymart.

Kaya may mga balitang diumano’y si Claudine ang dahilan kaya tinapos na lang ang serye.

Ayon kay Sylvia, "Actually, hindi ko talaga alam ang reason. Kasi, tinatanong ko sila.

"Ang sabi nila, management, management. Desisyon ng management."

ON CLAUDINE BARRETTO. Silang dalawa ni Claudine ang madalas na magka-eksena sa Iglot.

May mga napansin ba siyang may pinagdadaanan itong problema?

"In fairness kay Claudine, hindi talaga siya nagbibigay ng problema.

"Wala talaga.

"Ang ano lang naman kay Claudine, yung problema na pasaway si Claudine. Hindi talaga.

"Ang kay Claudine lang kasi—yung every scene, papasok sa kuwarto.

"Normal naman yun.

"Yun lang naman. Hintayin naming lumabas siya."

Open ba sa kanya ang aktres?

"Oo, nag-o-open sa akin si Claudine. Alam ko lahat ang nangyari.

"Pero, hindi ko puwedeng sabihin sa inyo.

"Parang, siyempre, namomroblema na si Claudine, apektado na siya.

"Nararamdaman namin sa taping yun, pero hindi siya yung unang naging pasaway, hindi naman.

"Dumarating naman siya, hindi naman siya yung hindi sumisipot sa taping."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RELATIONSHIP ADVICE. Minsan nag-o-open up daw si Claudine sa kanya. Nakakapagbigay naman daw siya ng advice.

Lalo pa nga’t siya ay masasabing mahigit na dalawang dekada na raw na happily married.

"Actually, sinabihan ko lang si Claudine na—’Sana, mag-ayos kayo ni Raymart.

"’Ayusin niyo. Kung kaya pang i-save, i-save n’yo ang relationship.’

"Kasi, sabi ko kay Claudine, naranasan ko na ’yan lahat.

"Dinaanan ko na ’yan lahat, at laging kawawa, ang mga bata.

"Pero sinabi ko rin naman sa kanya na kung hindi na talaga kayang i-save, wala na siyang magagawa ro’n.

"Bahala siya, di ba?

"Pero sinabi ko naman, kung kayang i-save, i-save.

"Kung hindi na, huwag na. Kung wala ng respect, communication, huwag na."

Dugtong pa niya, "Never naman naghiwalay sina Claudine at Raymart.

"Sinasabi nila, nagkakaproblema, pero inaayos nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN