Veteran horror movie extra Lilia Cuntapay wins big in Cinema One Originals Digital Film Festival 2011 awards

Movie extra Lilia Cuntapay bagged her biggest role to date in Cinema One Originals Digital Film Festival 2011 entry Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay. Her performance in the film won for her her first acting trophy.


Kagabi, November 13, ay ginanap ang awards night ng Cinema One Originals Digital Film Festival 2011 sa RCBC Plaza, Makati City.

Ang pelikulang Ka Oryang ang nag-uwi ng awards for Best Picture, at Best Director para sa direktor nitong si Sari Lluch Dalena.

Ang Ka Oryang ay tungkol sa paghihirap ng mga babaeng na-torture noong Martial Law.

Ngunit ang big winner sa gabing iyon ay si Lilia Cuntapay, ang beteranang extra sa mga pelikulang horror.

Ang pelikula niyang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay ay nanalo ng pinakamaraming awards: anim, kasama na ang Audience Choice Award, Best Screenplay, at Best Actress award para kay Lilia Cuntapay.

Ang Cinema One Originals Digital Film Festival ay ang taunang festival para sa mga independent films, na sponsored ng Cinema One, isa sa cable channels na pagmamay-ari ng ABS-CBN.

Noong 2005 nagsimula ang film festival na ito, at mula noon ay nakapag-produce na ito ng ilan sa mga itinuturing na pinakamagagandang indie films.

Kasama sa mga ito ang Sa North Diversion Road (2005), Huling Balyan ng Buhi (2006), Confessional (2007), Imburnal (2008), Yanggaw (2008), Wanted: Border (2009), Ang Damgo ni Eleuteria (2010), Dagim (2010), at Ishmael (2010).

Ngayong taon, sampung pelikula ang kasali sa Cinema One Originals Digital Film Festival.

Ito ay ang mga sumusunod:

Anatomiya ng Korupsiyon,

Big Boy,

Cartas de Soledad,

Di Ingon Nato,

Ka Oryang,

Mga Anino sa Tanghaling Tapat,

My Paranormal Romance,

Sa Kanto ng Ulap at Lupa,

Sa Ilalim ng Tulay,

at Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay.

Ang lahat ng pelikula ay binuo ng mga baguhang direktor, na binigyan ng Cinema One ng grants na tig-iisang milyong piso para mabuo ang kanilang mga obra.

Sinimulan ang screening ng sampung pelikula noon pang November 9 sa Cinema 4 ng Shangri-La Plaza Mall, at kagabi nga ginanap ang awards night.

Ang mga parangal ay pinagdesisyunan ng isang jury na binubuo ng ilan sa mga mabibigat na pangalan sa larangan ng cinema, dito sa Pilipinas at sa abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STAR-STUDDED. Sa awards night ay dumalo ang ilan sa mga cast ng pelikula, tulad nina Lilia Cuntapay, Emilio Garcia, Mon Confiado, at Emilio Garcia.

Ang ilan naman sa stars ay nagsilbi bilang award presenters, tulad nina Dominic Ochoa, Angel Aquino, Maja Salvador, Yul Servo, Jon Avila, Jewel Mische, Kean Cipriano, at Bangs Garcia.

Hosts sina John "Sweet" Lapus, Venus Raj, at Alex Gonzaga.

Nag-perform naman si Nina at ang Pilipinas Got Talent finalists na sina Muriel Lomadilla at Khalil Ramos.

Dumalo rin ang batikang direktor na si Mario O’Hara, at ang Superstar na si Nora Aunor upang tanggapin ang kanilang award for their outstanding contributions to Filipino independent film. (CLICK HERE to read related article).

LILIA WINS. Mataas ang excitement sa loob ng Carlos Romulo auditorium sa RCBC Plaza bago pa man magsimula ang awards program.

Napuno kasi ang venue ng mga baguhang filmmaker na hindi maitago ang kaba at kasiyahan, at bulto-bultong mga tagahanga ni Nora Aunor, na dumayo pa para suportahan ang kanilang idolo.

Bukod pa rito ay excited din ang lahat kung makukuha nga ni Lilia Cuntapay ang Best Actress award para sa kanyang pelikulang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay.

Directed by Antoinette Jadaone, ang narrative film na ito ay tila isang documentary tungkol sa pagkaka-nominate ni Lilia sa isang acting award for the first time in her long showbiz career.

Matatandaang staple na si Lilia sa mga horror film sa Pilipinas, at na-typecast na siya sa mga role na white lady, multo, o mambabarang.

Gayunpaman, itinuturing pa ring bit player o extra si Lilia, kahit na halos 20 years na siyang nakikita sa pelikula at telebisyong Pilipino.

Kaya naman hindi mapigil ang palakpakan at hiyawan ng mga manonood nang tawagin ang pangalan ni Lilia bilang winner ng Best Actress award.

Standing ovation pa ang ibinigay ng ilan para kay Lilia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ka-tie ni Lilia sa award si Maricar Reyes para sa pelikulang Anatomiya ng Korupsiyon.

Hindi nakadalo si Maricar dahil sa taping, kaya naman tila inangkin na talaga ni Lilia ang pagbibigay ng speech sa entablado.

Sa panayam ng PEP matapos ang awards program ay inamin ni Lilia na hindi niya inaakalang siya nga ang mananalo ng award.

Ngunit natutuwa raw siya dahil marami na rin naman ang kanyang pinaghirapan sa showbiz.

Aniya, "Siyempre nagulat ako kasi alam ko naman na hindi ako deserve doon. Pero, masaya ako nung tinawag yung pangalan ko.

"Hindi ko nga maeksplika, e, dahil hindi ko naman ine-expect ito.

"Ito na, nagbunga na rin yung paghihirap ko."

KA ORYANG. Samantala, hindi rin daw in-expect ni Sari Dalena na mananalo siya ng Best Director award para sa pelikula niyang Ka Oryang, na pinarangalan ding Best Picture.

Pahayag niya sa PEP, "Hindi ko ine-expect dahil, napakagaling nung mga kasama ko.

"Sobrang brilliant sila, excellent, at saka ang gaganda ng mga stories nila, tungkol sa regions nila.

"Hindi ko na inasahan dahil napakahusay nila."

Ayon kay Sari, na kilala na sa paggawa ng mga short films, nabuo ang kanyang konsepto sa pakikipag-usap niya sa ilang political detainees.

"Bale, it’s a process. Naka-interview ako ng mga political detainees na kung anu-anong karahasan ang pinagdaanan nila sa martial law," saad niya.

Pagpapatuloy niya, naka-relate din siya kanyang mga subject dahil nagkaanak siya noong isang taon.

"Saka mga buntis sila nung time na hinarass sila.

"E, nagkataon, last year, nabuntis ako at nanganak ako, so parang nakaka-relate ako sa pinagdaanan nila."

Malaki rin ang pasasalamat niya sa kanyang mga artista, kasama sina Alessandra de Rossi, Joem Bascon, Emilio Garcia, Angeli Bayani, Marife Necessito, at Kalila Aguilos.

"One-hundred percent sila. Wala silang bawal, o ano, binigay nila lahat."

WINNERS LIST. Narito ang buong listahan ng mga nanalo sa Cinema One Originals Digital Film Festival 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Picture: Ka Oryang

Best Director: Sari Lluch Dalena for Ka Oryang

Best Screenplay: Antoinette Jadaone for Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay

Best Actor: Bong Cabrera for Sa Ilalim ng Tulay

Best Actress: Maricar Reyes for Anatomiya ng Korupsiyon AND Lilia Cuntapay for Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay

Best Supporting Actor: Michael Bonapos for Sa Ilalim ng Tulay ang Jojit Lorenzo for Anatomiya ng Korupsiyon

Best Supporting Actress: Geraldine Villamil for Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay

Best Cinematography: Neil Daza and Kiri Dalena for Ka Oryang

Best Production Design: Kaloy Uypuanco for My Paranormal Romance

Best Editing: Leo Valencia and Glenn Ituriaga for Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay AND Reuben Aquino for My Paranormal Romance

Best Musical Score: Teresa Barrozo for Ka Oryang AND Ronald de Asis for Sa Ilalim ng Tulay

Best Sound: No award given.

Special Citation: For the acting of the four kids cast in Sa Kanto ng Ulap at Lupa, AND for the director of My Paranormal Romance, Victor Villanueva, for his "imaginative innovation and enrichment of the genre of comedy"

Jury Prize: Mga Anino sa Tanghaling Tapat AND Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay

Audience Choice Award: Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN