Manny Pacquiao on majority-decision win against Juan Manuel Marquez: "Alam ko na very close fight, but I believe I won the fight."; expected to get roughly $25M paycheck

Manny Pacquiao on beeing booed after announcement of his win: "Alam mo, maraming mga Mexicano, maraming mga Pilipino. Ang daming mga Mexicano. Siyempre yung mga Pilipino, natuwa. At yung mga Mexicano, siyempre masama ang loob nila dahil natalo sila. So, kasama sa laro iyan."


Live na nakausap ng mga host ng Showbiz Central kahapon, November 13, ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ilang oras lamang matapos ang laban nito kay Juan Manuel Marquez sa Las Vegas, Nevada.

Nagwagi si Manny sa ikatlong paghaharap nila ni Marquez sa pamamagitan ng "majority decision." (CLICK HERE to read related story.)

Una muna ay kinumusta ni Pia Guanio si Manny pagkatapos ng laban.

Sagot ni Manny, "Okay naman, ayos naman, maganda ang pagkakatahi at tsaka iyon lang naman ang ano natin [injury]..."

Nagtamo ng sugat si Manny sa itaas na bahagi ng kanyang kanang kilay.

CONTROVERSIAL WIN. Tanong naman ni Raymond Gutierrez: "Marami ang nagsasabing this is your most controversial fight.

"Ikaw, how do you feel about itong kakatapos mo lang na laban against Marquez?"

Sabi ng Pambansang Kamao, "Okay naman, maganda naman ang pakiramdam natin, at pasalamat tayo sa Panginoon na nanalo tayo sa fight.

"At siyempre, yung expectation ng mga tao ay hindi naman palaging one-sided yung panalo natin, at dumarating talaga yung panahon na manalo tayo by decision."

Malimit kasi sa mga panalo ni Manny, malinaw na dominante siyang boxer, kaya parang one-sided ang laban at walang kuwestiyon sa resulta. Ngayon ay nakuha sa majority decision ng tatlong judges ang pagkapanalo niya.

Pagkatapos ng 12 rounds, ano talaga ang naramdaman ni Manny? Sa puso at pakiramdam ba niya ay siya talaga ang karapat-dapat na manalo?

Sabi ni Manny, "Alam ko talaga na panalo ako, pero hindi talaga yung unanimous decision.

"Alam ko na very close fight, but I believe I won the fight."

Masasabi ba niyang nahirapan siya this time kay Marquez?

"Yes!" pag-amin ni Pacquiao.

"Yung expectation natin na ganun na lang natin tatalunin si Marquez, e, hindi nangyari yun.

"Dahil si Marquez ay ang laki niya at magaling na boksingero, magaling na counter-puncher.

"So, dumarating talaga sa ano yun, sa boxing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos i-announce ang kanyang pagkapanalo, imbes na "Pacquiao!" o "Manny!" ang isigaw ng mga naroon sa MGM Grand Arena, karamihan ay nag-"boo!" sa kanya.

Ano ang naramdaman niya nung mga oras na yun?

Sagot ng kongresista, "Alam mo, maraming mga Mexicano, maraming mga Pilipino. Ang daming mga Mexicano.

"Siyempre yung mga Pilipino, natuwa.

"At yung mga Mexicano, siyempre masama ang loob nila dahil natalo sila.

"So, kasama sa laro iyan."

CELEBRATION. Tinanong naman ni John "Sweet" Lapus kung ano ang magiging celebration ng Team Pacquiao sa bago niyang tagumpay na ito.

Sabi ni Manny, "Okay naman, dito ako sa kuwarto ko, nagpapahinga at may concert dun.

"Pero yung banda ko na lang ang kakanta at hindi muna ako bababa dun."

Tanong naman ni Rufa Mae Quinto kung nag-usap sina Manny at Marquez pagkatapos ng kanilang laban.

Ani Manny, "Binati ko naman siya pagkatapos ng... sa ring, sa ring pa lang.

"Okay naman, maganda naman yung approach ko, mabait naman yung team niya."

JINKEE PACQUIAO. Nakausap na rin ba ni Manny ang asawa niyang si Jinkee Pacquiao?

Nang i-close up kasi ang mukha ni Jinkee sa TV ay kitang-kitang worried ito at naluluha.

Sabi naman ni Manny tungkol dito, "Siyempre, kakabahan din yun dahil very close fight nga, at ang lakas nga niya sumigaw.

"At saka siyempre, yung laban na yun is talagang mate-tense ka, talagang hindi ka mapalagay."

PART 4? Base sa pahayag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions, tila may napipintong pang-apat na bout sina Manny at Marquez.

Ano ang nararamdaman ni Manny tungkol sa posibilidad na ito?

"May posibilidad naman at depende naman kay Bob Arum. Siya ang promoter ko.

"Ang trabaho ko is mag-ensayo at lumaban sa taas ng ring," sagot niya.

RETURN OF A CHAMPION. Tinanong naman ni Jennylyn Mercado kung kailan ang balik ni Mannny sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa 16, andiyan na ako ng 18," sabi niya, na ang tinutukoy ay nito ring Nobyembre.

Nagbigay rin ng mensahe ni Manny sa mga Pinoy na sumuporta sa kanya, lalo na ang mga nanood sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

"Maraming salamat sa lahat ng mga kababayan natin na pumunta dito at nanood.

"Lalo na yung mga kasamahan natin sa Congress, lahat ng mga politician na pumunta dito, at sa buong sambayanang Pilipino na nanood din diyan sa Pilipinas—milyun-milyon.

"Salamat sa walang-sawang pagsuporta, at alay ko sa inyo ang tagumpay na ito, ang karangalang ito."

Tinanong naman si Manny kung totoong sa katatapos lang niyang laban ay makakapag-uwi siya ng pinakamalaking premyo niya sa larangan ng kanyang boxing career.

"Secret!" ang tanging sagot ng Pambansang Kamao.

Tinatayang kikita si Pacquiao ng 25 million dollars sa labang ito.

Ngunit hindi pa nababawas diyan ang mga taxes niya sa Amerika at sa Pilipinas at ang mga babayaran niya sa kanyang mga coach, trainor, at iba pang binabayaran sa entourage.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN