PBA players Alex Cabagnot, Arwind Santos, and Japeth Aguilar try their luck in showbiz

San Miguel players Alex Cabagnot (left) and Arwind Santos (center), as well as Talk ’N Text player Japeth Aguilar (right) sign managerial contract with Viva Entertainment, Inc.

Inspired by other basketball players who tried showbiz, Arwind said, "Itong pag-sign namin sa Viva, gusto lang namin i-enjoy, masubukan, mapakita sa ibang tao na kung ano ’yong aming kakayahan talaga, hindi lang para sa basketball, di ba?"


Susubukang pasukin ng Philippine Basketball Association (PBA) players na sina Alex Cabagnot, Arwind Santos, at Japeth Aguilar ang mundo ng showbiz.

Sina Alex at Arwind ay kapwa players ng San Miguel, samantalang si Japeth naman ay miyembro ng Talk ’N text.

Pumirma ang tatlo ng two-year contract sa Viva Entertainment, Inc. noong Huwebes, Nobyembre 10, sa opisina ng Viva Entertainment sa Tektite Building, Ortigas Center, Mandaluyong City.

Endorsements ang karamihan ng kanilang projects, na kalaunan ay maaari nang mapasukan ng iba pang proyekto tulad ng pag-arte.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang piling press ang tatlong basketbolista.

Sinabi nila ang dahilan kung bakit sila pumasok sa showbiz.

Ayon kay Arwind, "Gusto lang naming subukan ’yong ano, ’yong bagong buhay ng... hindi naman pagiging showbiz, even more of commercial, endorsement ng mga brands.

"Hindi naman kami pumasok sa Viva para maging artista totally.

"’Yon lang, masubukan lang talaga ’yong buhay artista."

SPORTS PROMOTION? Hindi ito ang unang pagkakataon na ang sports players ay pumirma ng kontrata para gumawa ng endorsements.

Ang football team na Azkals at rugby team na Philippine Volcanoes ang dalawa sa sports team na gumagawa ng iba’t ibang endorsements.

Pero ayon kay Alex, hindi ganoon ang intensyon nila sa pagpirma ng endorsement contracts.

Paliwanag niya, "We just want to widen our horizon."

"I think Arwind, Japeth, and myself can do a lot more thing for that kind of genre.

"But you know, people have a different type of audience, and hopefully we could make them laugh, or make them our fans— that’ll be both in basketball and here [showbiz]."

Hindi rin sila ang unang basketball players na sumubok pumasok sa showbiz. Ilan sa kanila ay sina Benjie Paras at Alvin Patrimonio.

Tulad ng mga nabanggit na basketbolista, gusto lang din daw mapakita nina Arwind, Alex, at Japeth ang ibang kakayahan na mayroon sila bukod sa pagba-basketball.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Arwind, "Kasi naisip nga namin na sila sinubukan nila, so wala naman bawal siguro kung subukan din namin.

"Pero, sa akin ’no, para sa akin, siguro itong part na ’to, itong pag-sign namin sa Viva, gusto lang namin i-enjoy, masubukan, mapakita sa ibang tao na kung ano ’yong aming kakayahan talaga, hindi lang para sa basketball, di ba?

"Titingnan din namin ’yong kakayahan namin sa pag-sign namin dito sa Viva, at sana hopefully magkaroon kami ng projects."

FUTURE COMEDIENNES. Nabanggit na rin lang ang pag-arte, inalam ng PEP sa tatlo kung ano ang dream roles nila kung sakaling mabigyan na ng acting projects.

Nagkasundo ang tatlo sa paggawa ng comedy "para hindi masyadong seryoso."

Gayunman, aminado silang hindi pa sila handa sa paggawa ng malalaking acting projects.

Dagdag pa ni Arwind, "Okey lang, singing dancing siguro, kayang-kaya namin, konting acting.

"Hindi naman whole-day acting, hindi naman namin kaya siguro ’yon.

"Pero, gusto namin subukan talaga."

At nang dumako naman ang usapan sa leading ladies, nagkasundo sila sa mga pangalang Cristine Reyes at Anne Curtis.

Bukod sa roles na gusto nilang gawin, napag-alaman din naming may background na sa pag-arte si Arwind.

Naging extra na siya sa dalawang pelikula—ang Jeannie, Bakit Ngayon Ka Lang? na pinagbidahan nina Robin Padilla at Judy Ann Santos, at First Day High kasama sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Para kay Arwind, malaking tulong iyon para magkaroon siya ng confidence sa pagharap sa camera.

Aniya, "So, parang doon nakakuha ako ng confidence na wala naman sigurong masama na subukan.

"Tsaka, pag nakikita ng tao na nasa camera ka, mahihiya ka, mas panget ka tingnan.

"Ilabas mo ’yong tunay na, normal lang, wala naman masama do’n, ’no.

"Kung may mamimintas, normal sa tao ’yon.

"Kung may matutuwa, mas maganda."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN