Aifha Medina offended by Ervic Vijandre’s false revelation about their ’breakup’: "Walang break na nangyari dahil hindi naman naging kami."

Aifha Medina on Ervic Vijandre’s revelation about their supposed breakup: "Kung nao-offend ako? Oo! Kasi mukha siyang bakla! Kasi, hindi ko alam kung gusto niya ng exposure... Parang sa akin kasi, kung personal ninyong problema o sa aming dalawa, kung totoo kang lalake, hindi mo io-open up yun sa public.


Ang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ang sinasabing simula ng tuluyang pagkalas ni Aifha Medina sa dati niyang grupo na SexBomb Dancers.

Si Aifha ang ka-double o ka-partner ni Alyssa Alano sa reality show na ito ng GMA-7 na magsisimula na ngayong gabi, November 14.

Bukod kasi sa pagkakaroon niya ng bagong manager, gusto ni Aifha na makilala ngayon bilang isang aktres.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aifha sa presscon ng Survivor Philippines last week, inamin nitong maliit na ang tsansang mabuo silang muli ng kanyang mga kasama noon sa SexBomb.

Ilan sa mga kasamahan niya noon ay sina Rochelle Pangilinan, Mia Pangyarihan, Jopay Paguia, Sunshine Garcia, at Aira Bermudez.

Paliwanag niya, "Wala na kasi akong balita sa kanila.

"Actually, ang nakakasama ko na lang palagi, si Ate Aira, si Ate Mia, si Ate Sunshine.

"Si Ate Rochelle, minsan lang.

"Hindi ko alam kung may chance na mabuo pa, kasi yung iba, nag-asawa na, nagkapamilya na, nag-business.

"Siguro may darating pang bago para dumami pa sila.

"Mas maraming bago ngayon sa SexBomb, actually."

STILL A DANCER. Bagamat tinatahak na niya ang pag-arte, hindi pa rin naman daw iniiwan ni Aifha ang pagsasayaw.

"Nagsasayaw ako. Noong isang araw, nagsayaw ako," sambit niya.

Pero may tsansa kayang makasama siya ulit sa shows ng dating mga kagrupo?

"Puwede naman, pero depende kung papayagan ako ng manager ko. Kasi minsan may mga concert sila.

"E, close naman ako sa kanila. Minsan niyaya nila akong sumama kahit isang sayaw lang...madalas nanonood ako ng sayaw nila."

Ang pagiging magkaibigan nila ng mga dati niyang kagrupo ang hindi kinakalimutan ni Aifha. Nagba-bonding pa rin daw sila ng mga ito paminsan-minsan.

Kuwento pa niya, "Ang mga nakakasama kong gumigimik, sina Ate Aira, Ate Sunshine, Mia, Louise [Bolton], Ate Rochelle...

"Yung mga nakikita ninyong mga kasama ko, yun pa rin naman yung mga kasama ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DRAMATIC ACTRESS. Excited si Aifha sa naiisip niyang pasukin ngayong magpu-full time na siya sa pagiging aktres—ang pagiging dramatic actress.

Aniya pa, "Yun ang sinabi ko sa manager ko.

"Since nag-i-stage play ako, magpu-four years na, gusto ko namang ipakita sa TV kung ano yung kaya ko sa drama.

"Gusto ko, heavy drama. Kahit ano, kahit support lang.

"Kahit anong meron na puwede sa akin."

Umaasa si Aifha na pagkatapos ng Survivor Philippines ay magsunud-sunod na ang projects niya sa GMA-7.

ERVIC VIJANDRE. Nang dumako naman ang usapan sa dating Survivor Philippines celebrity castaway na si Ervic Vijandre, umasim ang mukha ni Aifha.

Si Ervic ay dating boyfriend ni Marian Rivera na-link din kay Aifha earlier this year.

Nakilala ni Aifha si Ervic dahil kay Aira. Nagkasama sina Ervic at Aira sa Survivor Philippines last season.

Nakakaramdam nga ng pagka-imbiyerna si Aifha tuwing mapapaalala sa kanya ang mga naging pahayag ni Ervic sa isang interview na nakipag-break ito sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

"Napanood ko yun e," sabi ni Aifha tungkol sa nabanggit na interview ni Ervic.

"Noong una, ayokong magsalita.

"Ilang interview na kasi. Gusto kong mag-shut up na siya kaya nagpa-interview na rin ako.

"After no’n, nagsara na siya kasi sinabi na niya ang totoo.

"Binawi na niya yung iba niyang mga sinabi."

Hindi itinanggi ni Aifha na nasaktan siya sa "false revelations" ni Erivc tungkol sa kanilang dalawa.

"Kung nao-offend ako? Oo! Kasi mukha siyang bakla!

"Kasi, hindi ko alam kung gusto niya ng exposure..." iiling-iling niyang bulalas.

Dagdag pa ni Aifha, "Parang sa akin kasi, kung personal ninyong problema o sa aming dalawa, kung totoo kang lalake, hindi mo io-open up yun sa public.

"O, sige, sabihin natin na nasa showbiz ka. Pero kailangan limitado lang.

"Ako, tahimik lang ako.

"Maraming nagsasabi sa aking ‘Magsalita ka, sabihin mo sa akin ang totoo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya yun, nagsalita na ako."

"HINDI NAGING KAMI." Diretsahan ding sinabi ni Aifha hindi kailanman sila nagkaroon ng relasyon ni Ervic.

Diin niya, "Walang break na nangyari dahil hindi naman naging kami.

"Pero hindi na lang kami nag-usap. Hindi kami magkasundo, e."

Bakit hindi umabot sa isang lehitimong relasyon ang sa kanila ni Ervic?

Paliwanag ni Aifha, "Ilang months lang kasi yun. Ang bilis naman kung magiging kami agad.

"Basta, nag-enjoy lang kami sa company ng isa’t isa.

"Ilang beses naming trinay, pero hindi talaga, e."

Nagkita na raw sila ni Ervic sa Party Pilipinas at bumeso na ito sa kanya.

Wala nga lang daw naramdamang kahit ano si Aifha para sa dating kaibigan.

"Wala na, tapos na kasi yun.

"Nong March pa yun, eight months na. Move on na tayo.

"Saka may boyfriend na ako," banggit pa ni Aifha.

POSSESSIVE. Ngayon daw ay naiintindihan ni Aifha kung bakit hindi na muling nagkabalikan sina Ervic at Marian Rivera matapos ang ilang taon nilang pagiging magkasintahan.

Base sa karanasan ni Aifha sa pagiging malapit nila ni Ervic, marami raw itong ipinagbabawal sa kanya.

Aniya, "Parang gusto niyang umiikot lang ang mundo mo sa kanya.

"Let’s say, sabihin natin na kapag lalabas kayo together, gusto niya, ikaw, sa kanya ka lang.

"Gusto niya, ganun din ka sa kanya. Gusto niya pareho kayo ng ginagawa.

"Siyempre, marami akong friends.

"Parang siya, ‘Dito ka lang. Hindi ka puwedeng sumama sa iba.’

"Gumagawa siya ng way para hindi ka sumama sa mga kaibigan ko na parang hindi tama."

Sinasabi ba niyang may pagka-"possessive" si Ervic?

"Sobra!" bulalas ni Aifha.

"Tapos, seloso na wala sa lugar.

"So, paano mong iisipin na makipagrelasyon sa isang tao na yun pa lang, yun na ang nangyari?

"Pero mabait naman, maalaga naman kahit paano.

"Pero mas lamang pa rin yung pagiging possessive niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JC DE VERA. Hindi raw maikukumpara ni Aifha si Ervic sa dati niyang boyfriend na si JC de Vera.

Ayon sa dancer, "Yung kay JC, relasyon talaga.

"May mga ups and down. Naghiwalay kami, nagkabalikan, nagkahiwalay.

"Yung kay Ervic, wala lang. Parang wala lang.

"Hindi ko siya matawag na... Kasi pag tinanong ako kung sino ang ex ko, hindi ko talaga siya sinasabi.

"Si JC, mabait. Saka pang-relasyon talaga.

"I mean, aalagaan ka niya talaga. Pati pamilya mo.

"Kumbaga, hindi mo mararamdaman sa kanya na selfish.

"Iba siya talaga," nakangiting pag-alala ni Aifha sa mga katangian ng dating boyfriend.

Pero bukas naman daw sa ideya si Aifha na makasama sa isang project si Ervic dahil bilang matagal na raw sa showbiz, alam daw niya ang salitang "professionalism."

Samantala, bukas din ang PEP kung may nais sabihin si Ervic sa mga naging pahayag ni Aifha tungkol sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN