Supermodel winner Danica Flores Magpantay proud of Pinays who won in international beauty pageants

"Filipino beauty always stands out and you really have to believe that you’re beautiful and then project it. Because when you believe you are, you can be," says supermodel Danica Flores Magpantay.


Sadyang nakakataba ng pusong Pinoy ang sunud-sunod na karangalan na inaani ng ating naggagandahang dalagang Pilipina sa iba’t ibang tanyag na beauty contest sa buong mundo.

Isa na rito ang pagkapanalo ni Danica Flores Magpantay sa 2011 Ford Supermodel of The World na ginanap noong January 22, 2011 sa New York.

Tinalo ni Danica ang halos limampung modelo mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Siya ang kauna-unahang Pinay na nakapag-uwi ng titulo bilang Ford Supermodel of the World. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 kay Danica na ipinalabas kahapon, November 13, masaya niyang ibinahagi ang kanyang pagkapanalo sa aspiring models na gusto ring makilala hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin makapaniwala si Danica na nanalo siya bilang Supermodel of the World.

Saad niya, "Actually, hindi pa po siya nag-sink in sa akin, hanggang ngayon po.

"Kasi, hindi ko ini-expect na mararating ko agad yung ganun in such a short period of time.

"I’m really happy and thankful that God gave me this opportunity na maging Supermodel winner.

"Kasi without that, I won’t be able to experience all of these."

NOT HER DREAM. Eigtheen years old pa lang si Danica.

Anak siya ng modelong si Lala Flores, na nanalong Supermodel of the World-Philippines noong 1990.

Ayon pa sa dalaga, hindi niya talaga pinangarap na maging tanyag sa murang edad.

Ang gusto lang niya ay maging winner sa nasabing patimpalak kahit sa Pilipinas lang.

Pero, itinadhana na yata para sa kanya ang mapagwagian din ang international recognition ng prestigious supermodel competition.

Sabi ni Danica, "Hindi ko naisip na magiging ganito.

"Hindi ko nga naisip na sasali ako sa Ford Supermodel of the Philippines, kahit sa Philippines lang.

"It all just happened, like hindi ko siya pinlano mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then, lo and behold, ’andito ako ngayon!

"So, God really gave this to me and I couldn’t ask for anything more."

FILIPINO BEAUTY. Ayon pa kay Danica, gusto niyang i-model ang mga kasuotang likha ng local designers dahil bilib siya sa kakayahan at galing ng mga Pinoy.

Gusto raw niyang ipagmalaki sa buong mundo ang pagiging Pilipina.

Proud din si Danica sa mga narating ng mga beauty queen na Pinay na talaga namang namayagpag sa international pageants—gaya nina Venus Raj at Shamcey Supsup na naging 4th at 3rd runners-up sa Miss Universe, at Gwendoline Ruais na naging 1st runner-up sa Miss World.

Magagaling daw talaga at may ipagmamalaki tayong mga Pinoy kaya naman hindi tayo nahuhuli sa usapin ng kagandahan at kakayahan.

Dagdag pa ni Danica, "Iba’t ibang klase po ang beauty, and with Filipino beauty, what’s good about it, hindi po tayo...we can’t be generalized as one thing.

"Kasi, puwede tayong maging chinita, Hispanic, and all that Filipinas.

"If you look at Venus [Raj], Shamcey, Ate Gwen, and me, iba-iba po talaga yung mga beauty namin.

"Filipino beauty always stands out and you really have to believe that you’re beautiful and then project it.

"Because when you believe you are, you can be."

Sa ngayon ay ini-enjoy raw ni Danica ang kanyang narating.

Hindi pa raw niya alam kung anu-ano pa ang kanyang magiging international projects.

Pero pagbalik daw niya sa New York ay ibabahagi niya agad sa kanyang mga kababayan ang kanyang magiging mga proyekto.

ENTERING SHOWBIZ. Hindi rin maiwasang maitanong kay Danica ang tungkol sa pagpasok sa showbiz.

Karaniwan na kasing showbiz ang nagiging puntirya ng mga modelo o beauty queens pagkatapos nilang magwagi o sumali sa international beauty contests.

Si Danica kaya ay may balak ding pumasok ng showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Ang dami pong nagtatanong... Right now, wala po, but if doors open, why not?

"If God wants this for me, it will happen.

"But for now, I’m focusing on my modeling."

Kung sakali man daw na may may mag-alok sa kanyang mag-showbiz, hosting ang gustuhin niyang linyang tatahakin.

Paliwanag niya, "Hosting definitely. I don’t think I can act.

"Super iba po yung modeling sa acting."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN