Sheryl Cruz would rather teach than enter politics

Sheryl Cruz on politics: "Actually, there are people who are encouraging me to try politics, but for me, showbiz is complicated enough."


Bilang isang artista at public figure, aminado si Sheryl Cruz na mayroon ding mga humihikayat sa kanya na pasukin ang mundo ng pulitika.

Ngunit sa ngayon ay wala pa raw siyang balak na sumabak sa alam niyang kumplikadong buhay.

"Actually, there are people who are encouraging me to try politics, but for me, showbiz is complicated enough.

"I’d rather teach than enter politics," sabi ni Sheryl nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA-7 afternoon drama series, Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Bihira ang nakakaalam na naging college tutor si Sheryl noong pansamantala siyang nag-lie low sa showbusiness at nanirahan sa U.S.

Doon siya nakapangasawa at nagkaroon ng isang supling—si Ashley, 10-anyos.

Nakahiwalayan na niya ang pinakasalang si Norman Bustos, at na-annul na ang kanilang kasal.

Doon din niya sa U.S. nadiskubre ang kanyang angking kakayahan bilang isang educator.

"That was what I was doing before, tutoring in college, in the States," sabi ni Sheryl.

Nakatapos si Sheryl ng Marketing sa kolehiyo, pero dahil nga sa kanyang pagpupursigi sa pag-aaral, hindi katagalan ay nadiskubre niya na natural din para sa kanya na magturo o mag-tutor.

Aniya, "I never even thought that I was until I got into the Dean’s List.

"I have to thank my mom [Rosemarie Sonora] and my aunt, Mama Inday [Susan Roces] for this."

COUSIN MARY GRACE. Kung hindi niya iniisip para sa sarili ang pagpasok sa pulitika, ito naman ang napipintong direksiyon ng first cousin ni Sheryl na si Mary Grace Poe Llamanzares, kasalukuyang Chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Si Mary Grace ang unica hija nina Susan Roces at ng yumaong King of Action Movies at National Artist for Film na si Fernando Poe, Jr.

Nakaisang taon na, kamakailan, sa kanyang posisyon ang kasalukuyang MTRCB Chair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Sheryl, "I’m very proud of her. She’s really doing a good job [in MTRCB].

"Siyempre naman, may dugong artista din ’yon, e.

"Kailangan malaman din niya kung ano yung mga idinadaing ng lahat ng mga taga-industry.

"And that’s what we’re praying for, if ever she would actually get into government.

"It would be something near to her heart, na talagang maiintindihan niya."

ON MOM, ROSEMARIE SONORA. Pangalawang anak si Sheryl ng dating Stars ’66 na si Rosemarie Sonora at yumaong aktor na si Ricky Belmonte.

Kapwa sila produkto ng Sampaguita-VP Pictures, ang mainstream movie studio noon na pag-aari nina Mrs. Azucena Vera-Perez at starbuilder Dr. Jose R. Perez.

Malaon nang hindi aktibo sa showbusiness si Rosemarie, na ngayon ay naninirahan na sa U.S.

Sabi ni Sheryl, "My mom... she’s okay.

"She comes here every two years. I am so happy to say na she can drive the car na!" tawa pa niya.

"Di ba? At least, better late than never.

"Because what really impresses me about my biological mother is that, ano siya, e, pag written ang [driving] test, napi-perfect niya, like one hundred percent, walang mistake.

"Pero yung actual na... practical na, medyo may fear siya.

"Pero right now, she was able to overcome it, so I’m very happy for her.

"Ito yung ibinalita niya. And I’m very happy because yung [instuctor] ko, siya rin yung nagturo sa kanya," patapos niyang banggit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN