Ogie Alcasid finally finishes song for Baby Nathaniel; set to perform the song in Party Pilipinas

Ogie Alcasid on being a father again: "Masarap, masarap! Masarap talaga pag may baby sa bahay, di ba? Lahat ay aligaga, lahat giliw na giliw, halos lahat bumabati."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang award-winning singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa 40th anniversary concert ng Kundirana noong Sabado, November 11.

Ginanap ang reunion concert na ito ng Kundirana—ang all-boys choir ng De La Salle University—sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Dito ay inusisa ng PEP si Ogie tungkol sa kanyang bagong silang na anak na si Nathaniel James, at ang kalagayan ng kanyang misis na si Regine Velasquez.

"Good!" bulalas ni Ogie nang kumustahin namin ang kanyang mag-ina.

Kuwento pa niya, "Nakauwi na ang mag-ina ko last night [November 11].

"Okay na siya [Baby Nathaniel].

"Si Regine ay tuluy-tuloy naman ang pag-breastfeed, and si Baby Nathaniel is responding well to the breastmilk of Regine."

Kumusta na si Regine after undergoing a caesarean operation?

"Siyempre, recovering.

"Medyo yung hiwa niya masakit pa, pero she seems to recover very well.

"At yung kanyang devotion sa pag-aalaga sa baby, talagang nakaka-proud."

Hands-on ba sila ni Regine kay Baby Nathaniel?

"Yes, kaya ganito hitsura ko, medyo mukhang puyat lagi.

"Siyempre yung first few months talaga, mag-a-adjust ka pa talaga dahil iba-iba yung oras, di ba?

"Kung kailan ka tulog, dun sila [babies] gising... Basta baliktad yun, e.

"Pero okay lang, alam mo yun, kahit wala kang tulog, okay lang yun para sa baby mo."

Nagpapa-burp at nagpapalit din ba sila ng diaper ni Baby Nathaniel?

"Oo naman! Ginagawa naman namin yun," sambit ni Ogie.

Ano ang pakiramdam ng pagiging ama muli, lalo na’t first baby boy niya?

"Masarap, masarap!" sagot niya.

"Masarap talaga pag may baby sa bahay, di ba?

"Lahat ay aligaga, lahat giliw na giliw, halos lahat bumabati."

Sino sa palagay ni Ogie ang kamukha ni Baby Nathaniel?

"Sa ngayon, sa tingin ko, kamukha ng asawa ko, e.

"Sabi naman ni Regine, kamukha ko daw... hindi ko alam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil wala pang lumalabas na lirato ni Baby Nathaniel, ipinalarawan namin kay Ogie ang hitsura ng anak nila ni Regine.

"Hindi siya mataba, maliit lang siya.

"Maputi, mana dun sa kaputian ng nanay niya.

"Pogi daw, pero sa akin...pogi siya!" sabay tawa niya.

Nakausap na rin daw ni Ogie ang kanyang ex-wife na si Michelle Van Eimeren at ang dalawa nilang anak na sina Leila at Sarah—na nakatira na sa Australia.

"Yes, nakausap ko na sila. Very, very excited yung mga bata to see their younger brother," sabi niya.

May plano na ba sila para sa binyag ni Baby Nathaniel?

"Wala pa, hindi pa namin napapag-usapan. Puyatan muna bago binyagan!" tawa ni Ogie.

Ang darating na Kapaskuhan ay isa raw sa pinakamasayang Pasko sa buhay nina Ogie dahil kapiling na nila si Baby Nathaniel.

"One of the happiest Christmases in a long time.

"Of course, last year masaya din, nung kinasal kami [ni Regine], pero ngayon, iba naman."

Natapos na rin daw ni Ogie ang kantang isinulat niya para kay Baby Nathaniel—ang "Aking Anak."

"Yes, actually kanina ko lang siya natapos nung nasa bahay ako.

"Pagkatapos ko sa bahay, medyo ni-record ko siya ng kaunti at pinasa ko na dun sa arranger ko."

Unang maririnig ang komposisyong ito ni Ogie sa Party Pilipinas sa susunod na Linggo, November 20.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN