Carmina Villarroel on network transfer rumors: "Wala pa talaga, promise."

"Wala pa talaga. Wala pa talaga, promise. May talks sa lahat [ng iba’t ibang networks]. Kaya nga naka-float pa, kasi siyempre meeting dito, meeting doon, meeting diyan. Lahat open. Kaya nahihirapan din, kaya wala pa rin akong masabi," says Carmina Villarroel about her rumored network transfer.


"Wala pa. Wala pa talaga."

Makailang ulit itong sinabi ng actress-TV host na si Carmina Villarroel nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media para sa pelikulang The Road.

Ito ay ginanap sa Executive Lounge ng GMA Network Center kahapon, Nobyembre 14.

Matatandaan na noong dumalaw ang ilang entertainment reporters sa set ng TV5 primetime series na Glamorosa, inamin ni Zoren Legaspi na "nakikipag-negotiate" na si Dolor Guevarra, talent manager ng kanyang partner na si Carmina, sa isang network.

Sabi ni Zoren noon, "Alam ko, nakikipag-negotiate na sa ngayon.

"Merong offer, pero hindi sa TV5, sa iba.

"Alam ko kasi, tapos na yung kontrata ni Carmina sa GMA-7. Kaya ngayon nagne-negotiate sila.

"Pero in fairness naman sa GMA-7, gusto nilang i-maintain si Carmina.

"Gusto nilang mag-sign ulit.

"Pero hindi na pera yung pinag-uusapan, e."

(CLICK HERE to read full article.)

Sa kabila ng mga pahayag na ito ni Zoren, paulit-ulit namang nilinaw ni Carmina na wala pa talagang desisyon tungkol sa nababalitang paglipat niya.

Pero totoong may mga pag-uusap na raw sa pagitan ng kanyang manager at ilang TV network executives.

"May talks sa lahat," sabi ni Carmina.

"Kaya nga naka-float pa, kasi siyempre meeting dito, meeting doon, meeting diyan.

"Lahat open kaya nahihirapan din, kaya wala pa rin akong masabi."

Isa pa raw sa nagpapahirap kay Carmina sa paggawa ng desisyon ay ang mga programa niya sa Kapuso network—ang Pepito Manaloto at Day Off!.

Kaya naman sa halip na magbigay ng payak na pahayag, nakangiti na lamang sinabi ni Carmina, "Ang hirap! Hindi ko alam.

"Bahala na siguro si Tita Dolor na mag-decide.

"Baka kayo, alam ninyo ang mga kasagutan."

DIFFERENT ROLE IN THE ROAD. Katulad ng pagdedesisyon sa paglipat ng network, nag-alangan din noong una si Carmina sa pagtanggap ng kanyang role sa suspense film na The Road, na ipalalabas sa Nobyembre 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kakaiba kasi ang karakter na kanyang ginampanan sa pelikula kumpara sa mga nagawa na niya noon.

Ani Carmina, "Actually, nahirapan talaga ako.

"Noong binabasa ko ’yong script, naiiyak ako at naiinis ako sa sarili ko.

"Sabi ko, ’Kaya ko kaya ito?’ Ninenerbiyos ako. Nakakapagod, ha."

Malupit na magulang ang role ni Carmina sa The Road, na baligtad sa totoong pagkatao niya bilang ina ng kambal nila ni Zoren na sina Maverick at Casey.

Pero hindi na raw niya ito iniisip sa tuwing nagsisimula nang tumakbo ang camera.

Aniya, "It’s just arole.

"’Yon nga lang, every after cut, ’Sorry, Renz.’

Si Renz Valerio ang gumaganap na anak niya sa pelikula.

"Sorry talaga ako nang sorry.

"Pero siya naman, ’Hindi po, Tita, okay lang po. Sige, saktan n’yo lang po ako.’"

Isa pang dahilan ng pagtanggap niya sa proyektong ito ay ang panibagong karanasan sa pag-arte.

"Sabi ko, para naman maiba, for a change.

"Kasi, lagi na lang akong mabait, mapagmahal na ina.

"Noong una, sabi ko, gusto ko talaga kasi it’s something new, something different.

"No doubt naman talaga na tatanggapin ko siya.

"It’s just that, parang iniisip ko, ’Kaya ko ba ito?’ Pero nakaya naman."

Hindi rin alintana ni Carmina na sandali lamang ang magiging bahagi niya sa pelikula kumpara sa iba pang cast members.

Ang rason niya, "Kasi, parang feeling ko, kung wala ako, wala ang istorya.

"Kasi, di ba, it doesn’t matter?

"Wala naman sa length ’yan, e.

"Di ba, ’yong character mismo ang laman?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN