Stef Prescott on joining Survivor Philippines: "Given na yun na gusto ko talagang sumikat. Yung career ko, lumevel-up."

"Before, gusto ko talaga bida. Yung bida ako. Pero ngayon ang ini-aim ko na lang, basta may trabaho, masaya na ako. Pero if ever na maging maganda ang effect sa akin ng Survivor, gusto kong maging bida siyempre," says Stef Prescott about her showbiz career.


Aminado si Stef Prescott na kaya siya sumali sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ay para mapansin ng home network niyang GMA-7.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Stef, inamin nitong maliban sa mapapanalunang P3 million pesos, umaasa rin siyang mas magkaroon ng linaw ang kanyang career sa showbiz, partikular na sa telebisyon o sa Kapuso network.

"Given na yun na gusto ko talagang sumikat. Yung career ko, lumevel-up," pag-amin niya.

"Every time na may show ako, lagi kong sinasabi na sana ’eto na yung big break ko.

"So, eto na naman ako—sana ’eto ang big break ko."

Ang pagsali niya sa Survivor Philippines Celebrity Doubles ang tinutukoy ni Stef.

Maliban sa hangad niyang maging popular, may isa pa rin raw rason si Stef kung bakit siya sumali sa nasabing reality show.

"Hindi lang basta for career-wise.

"On a personal note din naman, ang Survivor talaga is going to change you as a person for the better," paliwanag niya.

FIVE YEARS IN SHOWBIZ. Hindi rin naman itinatanggi ni Stef na may mga pagkakataong nawawalan na siya ng pag-asa sa kanyang career.

"Five years na ako," sambit niya.

"Sabi ko sa mother ko, ’Ma, mag-aral na lang kaya ako?’ Dumadaan ako sa gano’n.

"Pero every time na nag-iisip akong mag-quit, may dumarating namang pasundut-sundot na shows.

"So, nagpapasalamat na lang ako."

Kahit hindi nawawalan ng pag-asang sumikat si Stef, naiisip na lang niya na kung magiging mailap pa sa kanya ang tagumpay, tatanggapin na lang niya kung ano ang darating sa kanya mula sa showbiz.

"Before, gusto ko talaga bida. Yung bida ako.

"Pero ngayon ang ini-aim ko na lang, basta may trabaho, masaya na ako.

"Pero if ever na maging maganda ang effect sa akin ng Survivor, gusto kong maging bida siyempre," saad niya.

Ayaw na lang maapektuhan ni Stef sa mga nagsasabing mas naungusan pa siya ng mga mas baguhan sa kanya sa GMA-7 na mayroon nang mga launching series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sa akin, ang showbiz, parang Survivor.

"Hindi talaga siya fair, yun na lang.

"Nasa iyo na lang kung paano mo siya lalaruin," sabi ng StarStruck alumna.

"Ang sa akin lang siguro, eto ang stepping stone ko.

"Nasa akin na lang siguro kung aalagaan ko ba o hindi.

"Ang sa akin, always naman akong nagiging safe sa career ko dahil gusto kong malaki ang marating ko, di ba?

"Ang ginagawa ko na lang ngayon is taking every thing day by day.

"Parang sa isla, day by day lang. Kung ano ang dumating, tanggapin na lang."

FHM COVER GIRL. Wala ring pagsisising naramdaman si Stef sa pagpu-pose niya sa FHM para mapansin dahil nagkaroon naman daw ito ng magandang epekto sa kanyang showbiz career.

Aniya, "Nag-FHM ako no’ng June. Eto, medyo sumundot na agad. May plan talaga na sumali sa Survivor.

"Sa tingin ko, ’yan ang reason kung bakit nahinto, dahil nawala ako sa showbiz ng isang buwan at kalahati dahil naman ito sa Survivor.

"Pero sana lang talaga, after nito, magtuluy-tuloy na," asam ni Stef.

JOHN ODULIO. Samantala, natutukso ngayon si Stef kay John Odulio, member ng Philippine Volcanoes rugby team, na isa rin sa castaways sa Survivor Philippines.

Ayaw magbigay ng impormasyon ni Stef tungkol sa balitang nililigawan siya nito. Mas gusto raw niyang panoorin ang show nila para malaman kung may katotohanang niligawan siya nito.

"Mabait si John. Si John actually ang bumuhat sa akin nung nakagat ako ng ahas."

Philippine cobra ang kumagat kay Stef sa isla ng San Vicente, Palawan.

"Knight in speedo" at hindi "knight in shining armor" ang tingin ni Stef sa pagsagip sa kanya ni John.

"Nakakagutom kasi yung pandesal niyang abs. Dun kami nagugutom sa isla!" may kilig na deskripsyon uli ni Stef sa katawan ni John.

Ibig sabihin, parang gusto niyang kainin ang abs ni John?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang gusto kong tuklawin!" pabiro niyang sagot.

Noong una raw hindi siya physically attracted kay John.

"Sa Survivor, ang mga hitsura namin ang huli naming tinitignan.

"Naghahanap muna kami ng pagkain...lahat.

"Sa tingin ko, na-develop lang lahat kasi sobrang ilang araw kaming magkasama na palaging...magtitigan lang kayo.

"Sobrang wala akong masabi sa mga Volcanoes, mababait sila."

GINO DELA PEÑA. Maliban kay John, natsismis ding naging malapit kay Stef ang ka-partner niyang model-TV host na si Gino dela Peña.

Ani Stef, "May attention rin sa akin si Gino. Pero hindi siya ang bumuhat sa akin.

"Sa tingin ko, hinanap niya ang ahas!" biro pa niya.

Pero nagseryoso muli si Stef sa sumunod niyang sinabi.

"Nagpapasalamat ako kay John at binuhat niya ako. Thank you kay John—you saved my life."

Nag-alala rin si Stef sa kanyang buhay nang makagat siya ng king cobra.

"Grabe!" bulalas niya.

"Sabi ko, ’Shucks! Mamatay na ba ako? Sumali ako sa Survivor, kukunin ba ang buhay ko?’

"Pero sobrang nagpapasalamat ako sa production na naagapan naman agad...

"Sana lang, walang epekto ito sa akin sa mga darating na araw at panahon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN