Richard Gomez: "Kami yung mga type na mga controversial na mga artista...ako, si Kris Aquino. Yung may masabi lang kami, malaking news na."

Richard Gomez on being an actor: "You know, this is a beautiful business and ang hirap umalis sa business na ito dahil talagang hinahanap-hanap mo. And I’ve been here for quite a long time. Yung mga fans ko, tumanda na rin kasama ko. And they’re still there."


Pagkatapos ng sampung taon, muling nagbabalik si Richard Gomez sa ABS-CBN.

Pero paglilinaw nga ng aktor, per project basis ito dahil may ibang show pa siyang ginagawa sa TV5.

Balik-Kapamilya si Richard sa upcoming soap na Walang Hanggan.

Dito ay reunited sila ni Dawn Zulueta, and kapartner niya sa blockbuster films niya sa Reyna Films ni Armida Siguion-Reyna.

Kasama rin sa cast sina Coco Martin, Julia Montes, Melissa Ricks, at Paulo Avelino.

Kagabi, November 14, live na humarap si Richard sa one-on-one inteview kay Boy Abunda para sa "Ikaw Na" segment ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila.

"THE PRODIGAL SON IS BACK." Ang tungkol nga sa pagbabalik ni Goma (palayaw ni Richard) sa Kapamilya Network ang una nilang pinag-usapan.

Pagkatapos daw kasi ng contract signing ng aktor, sa isang television interview ay sinabi nitong "The prodigal son is back."

Ano ang ibig sabihin niya nito?

Pahayag ni Richard, "Alam mo, Boy, at times I can be very controversial.

"May masabi lang ako minsan, nagiging malaking news na.

"Well, I’m proud that I’m back with ABS-CBN.

"I entered ABS in 1986 when I was just starting. I worked for 14 years here.

"After ten years, I’m back with ABS again."

May trivia pa si Boy. Ayon sa kanya, ang dressing room daw na ginamit ni Richard during his guesting sa Bandila ay ang parehong dressing room na ginamit ng aktor noong nasa ABS pa siya.

Si Goma raw ang first occupant nito.

"Yes, when I was doing Palibhasa Lalake," pagsang-ayon naman ng aktor.

Sa tagal na niya sa industriya, what has he become—as a person and as an actor?

"Siguro as a person, I’ve matured more. As an actor, ganun din.

"You know, this is a beautiful business and ang hirap umalis sa business na ito dahil talagang hinahanap-hanap mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I’ve been here for quite a long time.

"Yung mga fans ko, tumanda na rin kasama ko. And they’re still there."

CONTROVERSIAL GOMA. Aware ba siya na siya ay kontrobersiyal?

"I am," sagot ng aktor.

Does it make you more cautious, careful, or you just let it go?

"Sometimes.

"Kami yung mga type na mga controversial na mga artista, mga celebrities... ako, si Kris Aquino.

"Yung may masabi lang kami, malaking news na.

"Ang kailangan naming gawin, before we speak our mind, kailangan dinedepensa mo na kaagad ang sinasabi mo.

"Para pag sinabi ko, ’Boy, ang guwapo mo.’ Ang sasabihin ko, ’Ang galing mo magdala ng damit. Ang talino mo. Ang guwapo mo.’

"Pag sinabi mo kasing ang guwapo mo lang, sasabihin nila, ’Loko-loko ito.’"

Sinang-ayunan din ito ni Boy, at sinabing hindi na nga naman siya si Richard Gomez kung magiging careful lang siya sa pagsasalita.

Nasaan na siya ngayon sa buhay niya?

Ayon kay Goma, "Ako, I’m a very happy person. I’m more relaxed now.

"I’m happy with my family, with Lucy [Torres-Gomez] and my daughter [Juliana]."

Nagbabalik siya sa drama. Ano ang baon niya?

"My years of experience as an actor. I’ve done drama for a long time.

"Siguro kasama na rin sa baon ko yung marami na rin akong acting awards.

"And that comes as a part of your credibility as an actor," saad ni Richard.

ON BEING GORGEOUS & GROWING OLD. Napapagod ba siya kapag laging sinasabi ng mga tao sa kanya na siya ay gorgeous?

"A... I have no words to say," ani Richard.

How important is it to be goodlooking in this industry?

"Very important, especially kung gusto mong tumagal sa negosyong ito.

"Maganda yung start mo pag guwapo ka, goodlooking, maganda yung katawan mo.

"Pero siyempre, kailangan suportado ka rin ng talent, marunong kang mag-isip. You know how to take care of yourself."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatakot ba siyang tumanda?

"Me, no. Kasi that’s really part of life, e, and you have to accept that.

"Yung dapat every step of the way, dapat meron kang natututunan."

FAITHFUL HUSBAND. Kumusta siya bilang ama?

"I’m a very happy father to Juliana."

Kumusta siya bilang asawa?

"I’m a happier husband."

Isa ba siyang faithful husband?

"Am I a faithful husband? If I tell you the truth baka hindi ka maniwala."

Sabi naman ni Boy, anuman ang sabihin ni Goma ay paniniwalaan niya.

Hirit pa ni Richard, "If I say ’Yes, I am faithful,’ people will react.

"If I say I’m not faithful, more people will react.

"So, I’d rather say na ’Will you believe me if I tell you the truth?’"

Sabi naman ni Boy, naniniwala siyang faithful husband si Richard.

"I am," positibong sabi ni Goma.

Naitanong daw ito ni Boy dahil sa guesting ni Lucy sa Kris TV, may naikuwento ito tungkol sa isang text message ng isang babae kay Richard.

Depensa naman ni Goma, "Marami lang nali-link."

Pero hanggang sa pagli-link lang ba?

"Puwede ka namang tumingin at tumanaw, e. Pero hanggang doon lang."

Selosa ba si Lucy?

"Hindi," sagot ni Goma.

"One thing I like about her, I can tell her na, kunwari magkasama kami [at may dumaan na babae], ’Ang ganda niya. Ang sexy niya.’

"And she doesn’t get offended."

POLITICS. What fascinates you about politics?

"It’s the ability to help people and to help them improve their lives."

Sa 2013 ba ay makikita siyang tatakbo para sa public office?

Hindi ito direktang sinagot ni Richard at sa halip ay sinabing, "Si Lucy will continue as a congresswoman."

And you’ll find something else?

"Where life leads," simpleng tugon ng aktor.

FEMALE CELEBRITIES. Ilang mga pangalan naman ng mga female celebrities ang sunod na binanggit ni Boy. Kailangang ilarawan ni Richard ang mga ito sa ilang salitang una niyang maiisip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga artistang ito ay nakatrabaho na ni Goma at ang iba’y na-link pa sa kanya.

Dawn Zulueta: "Dawn Zulueta is beautiful."

Gretchen Barretto: "Elegant and stylish."

Sharon Cuneta: "Sensitive."

Vilma Santos: "’Yan ang star."

Janice de Belen: "Motherly."

Maricel Soriano: "A good friend."

Kris Aquino: "It’s either you like her or you don’t. And I like her."

Sa lahat ng mga young leading ladies ngayon, kung pamimiliin siya kung sino ang gusto niyang makasama, sino ang mga ito?

"Given the chance, I’d like to work with Anne Curtis, Angel Locsin, or Bea Alonzo."

Muling inilabas ni Boy ang kanyang imaginary mirror at tinanong si Richard kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanyang sarili.

"Be good and continue helping other people.

"Enjoy your work. Enjoy your life.

"Life is a journey. Enjoy the ride."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN