Alyssa Alano on her Survivor Philippines experience: "Ang hirap palang magutom! Kumakalam na yung sikmura mo."

Alyssa Alano on joining Survivor: "Naku, ang pinakamaganda kong experience, naging matapang lalo! Siyempre nadagdagan yung confidence ko. Pangalawa, ang dami kong naging kaibigan. Iyon yung pinakamagandang nangyari sa akin sa isla."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alyssa Alano noong Lunes, November 14, sa Excess Superclub sa Timog Avenue, Quezon City.

Naroon si Alyssa at ang iba pang castaways ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown para panoorin ang pilot episode ng reality show na ito ng GMA-7.

Ang una naming itinanong kay Alyssa ay kung ano ang una niyang ginawa pagkagaling sa isla ng San Vicente, Palawan kung saan ginawa ang fourth season ng Survivor Philippines.

"Siyempre, kumain!" bulalas ng sexy comedienne.

Ano ang una niyang kinain?

"Marami! Kumain ako ng steak, kumain ako ng lechon, kumain ako ng favorite kong adobo...

"Pagkagaling ko dun, nanaba ako ng konti. Nag-gain ako ng weight talaga," dagdag niya.

Ano pa ang ginawa niya bukod sa kumain?

"Tsaka mag-scrub! Di ba?

"Kasi siyempre, libagin ka na dun, puro ka libag, dahil sa hindi mo pagligo," natatawa niyang kuwento.

MISSING YOU. Sino ang pinaka na-miss niya ngayong wala na sila sa isla?

"Si Maribel Lopez.

"Na-miss ko yung mga kalukahan niya, yung mga [pagiging] pasaway niya," saad ni Alyssa.

Ang dating SexBomb dancer na si Aifha Medina ang partner ni Alyssa sa Survvior, pero bakit si Maria Isabel Lopez ang na-miss niya?

"A, panoorin ninyo po kasi para malaman ninyo kung bakit ko siya nami-miss.

"Abangan ninyo po!" at tumawa muli si Alyssa.

Habang nasa isla siya, sino naman ang na-miss niya?

Aniya, "Siyempre, unang-una yung pamilya ko. Tsaka yung dog ko, si Bianca, Chow Chow siya.

"So, iyon ang pinaka na-miss ko siguro. Tsaka yung magsimba sa church."

Isa si Alyssa sa mga regular hosts ng showbiz talk show ng GMA-7 na Startalk TX. Na-miss din ba niya ang show at ang mga kasama niya rito?

"Opo! Na-miss ko sina Nanay Lolit, si Tito Joey, si Tito Butch, si Tito Ricky," banggit ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO BOYFRIEND. Wala raw boyfriend na na-miss si Alyssa dahil loveless siya ngayon.

Bakit hanggang ngayon ay wala siyang boyfriend?

Sabi niya, "May mga nanliligaw, hindi mo naman maiiwasan na may manligaw.

"Kaya lang kasi, ayoko pa talaga, e, sobrang ayoko pa."

May taga-showbiz raw na nanligaw sa kanya dati, pero ayaw nang banggitin ni Alyssa ang pangalan nito.

Binasted niya?

"Hindi naman, hindi ko lang pinansin, hindi ko in-entertain," saad niya.

UNFORGETTABLE. Ano naman ang hindi niya makakalimutang experience sa Survivor Philippines?

"Siyempre magutom!" tumatawang sabi ni Alyssa.

"Ang hirap palang magutom! Kumakalam na yung sikmura mo.

"Lalo na yung mauhaw, kasi ako yung taong matubig. Uhawin ako.

"Tsaka dun kasi, sobrang limited lang yung tubig, tapos minsan yung tubig, makikita mo, madumi.

"So, titipirin mo talaga yung tubig."

Ano ang pinakamaganda niyang experience sa isla?

"Naku, ang pinakamaganda kong experience, naging matapang lalo! Siyempre nadagdagan yung confidence ko.

"Pangalawa, ang dami kong naging kaibigan. Iyon yung pinakamagandang nangyari sa akin sa isla," balik-tanaw niya.

THE CASTAWAYS. Sino ang maituturing niyang pinakamahigpit niyang kalaban sa Survivor?

"Siguro, Volcanoes," sagot ni Alyssa.

Ang tinutukoy niya ay ang mga miyembro ng rugby team na sina Arnold Aninion at John Odulio.

"Kasi ang lalakas ng katawan, di ba?

"Pangalawa sa nakikita ko sa kanila, parang madiskarte sila, magaling maglaro," seryoso niyang saad.

Hindi naman daw naramdaman na lugi sila ni Aifha dahil sa pareho silang babae, kumpara sa ibang magka-partner na parehong lalaki, tulad nga ng Volcanoes at ng magpinsang sina Arthur Solinap at Carlo Gonzalez.

Ayon kay Alyssa, "A, hindi! Di ba... kasi naalala mo ba yung Season 2 kung sino nanalo? Di ba babae, tama ba?"

Si Amanda Colley Van Cooll ang tinutukoy ni Alyssa.

"So, sa tingin ko, hindi dapat katakutan.

"Wala siguro dapat katakutan sa mga lalaki, kasi kung ano ang kaya ng lalaki, kaya rin ng babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwera na lang kung pabubuhatin ka ng batong malalaki. So, siguro yun, kahinaan ng babae.

"Bukod dun, wala akong nakikitang dapat katakutan sa lalaki," diin ni Alyssa.

WHAT IF... Three million pesos ang prize money ng mananalong Sole Survivor. Halimbawang si Alyssa ang manalo, ano ang gagawin niya sa pera?

"Babayaran ko yung bahay ko! Konti na lang, sobra-sobra pa yung three million," estima niya.

Halimbawang hindi siya manalo?

"Okay lang kasi ano naman yun, e, part ng experience.

"Pangalawa, ang dami mong natutunan, ang dami mong matatandaan, e.

"Unang-una yung magugutom ka, so ang dami mong matututunan kasi mahirap palang magutom!

"Di ba? E, kawawa naman yung ibang tao na nagugutom din.

"Akalain mo... iyon hindi mo in-expect na, ’Shit, wala talagang pagkain dito!’

"At mauuhaw ka talaga e, iyon. Ngayon nararamdaman mo na yung mga nagugutom, di ba?

"So, naa-appreciate ko talaga.

"Napakasuwerte pa rin natin kumpara sa ibang halos walang makain. Napakasuwerte ko pa rin," tugon ni Alyssa.

SURVIVOR FAN. Pumayag ba siya agad nang alukin siya na sumali sa Survivor?

"Fan ako ng show e, gusto ko talaga yung show," sagot niya.

Hindi ba siya natakot sa mga challenges at sa pagtira sa isang islang malayo sa kabihasnan?

"Matapang ako, sobrang tapang ko. Kaya lang takot ako sa ahas!" at muling tumawa si Alyssa.

Mabuti at hindi siya nakagat ng ahas tulad ni Stef Prescott?

"Buti na lang! Buti na lang talaga!

"Kinatatakutan ko talaga ang ahas," tili niya.

Hindi siya nagdalawang-isip sumali?

"A, hindi, hindi... Kasi alam ko naman na Survivor iyon, na sinecure naman ng Survivor staff na magiging safe ang lahat ng castaways, although alam nilang challenges ang mga iyon," sabi ng magandang komedyana.

Hindi ba siya nanghinayang na sa Pilipinas sila nag-shoot, at hindi tulad ng ibang editions ng Survivor Philippines na sa ibang bansa pumunta?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi," sagot ni Alyssa.

"Sobrang proud kami, napakaganda po ng isla!

"Kung makikita ninyo, panoorin ninyo, napakaganda!

"Hindi ko naman sinasabing mas maganda yung pinuntahan namin...

"Sa tingin ko po ha, para sa akin, sobrang blessed namin dahil napuntahan namin yung isla na yun.

"Ang ganda ng Palawan, napakaganda po talaga ng Pilipinas, at maging proud po tayo dun!" todo-todo niyang pagmamalaki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN