Jackie Forster admits issue with fellow Survivor castaway Maria Isabel Lopez; okay to play with ex-husband Benjie Paras

Jackie Forster on what she’ll do with the P3-M cash prize in case she wins Survivor Philippines: "Well, ten percent already goes to my church. And I’ve been wanting to help a foundation or put up one myself to help others, and siguro maglagay ng konti sa negosyo. Although I can do that with my husband, iba pa rin yung sarili kong pera."


Ang akala pala noong una ni Jackie Forster ay ang dati niyang asawa na si Benjie Paras ang ka-tandem niya sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Kuwento ni Jackie, "Nung dinala nila sa akin ito, when they approached me for it, unang sinabi sa akin, ang keywords were ’Do it with your ex... would you want to do it with your ex?’

"’Yeah, I could,’" sagot naman daw niya.

"And then with GMA, I was assuming that makakausap nila si Benjie. Kasi sino pa nga ba, di ba?

"But over the course of time, hindi yata siya puwede for his own reasons.

"And then GMA said, ’Well, if you can commit, then you can look for another partner mo,’ kung approved nila," balik-tanaw ni Jackie.

Ang naging partner ni Jackie sa Survivor Philippines ay ang radio DJ na si Angeli Copter.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie noong Lunes ng gabi, November 14, sa Excess Superclub sa Timog Ave., Quezon City, sa pilot airing ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Hindi pa rin ba sila magkaibigan ni Benjie?

"We’re not talking. I’m praying for that, but right now we’re not talking," sagot ni Jackie.

Sa tingin ba niya ay tumanggi si Benjie dahil sa kanya?

"Well, kasi si Benjie, may asawa na yun, so maraming factors...

"May ibang factors yun—either professionally, puwedeng personal.

"Baka hindi kumportable ang asawa niya, which we have to respect," seryoso niyang saad.

ISSUE WITH MARIA ISABEL LOPEZ. Isa rin sa castaway ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ay ang former beauty queen at aktres na si Maria Isabel Lopez, na katuwang naman ng anak nitong si Mara Yokohama.

Totoo nga bang galit si Jackie kay Maria Isabel?

Paglilinaw ni Jackie, "Hindi ako galit, may sama lang ako ng loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami kasi siyang ginawa na hindi maganda."

Tulad ng?

"Ang dami niyang sinasabing hindi maganda.

"For me, nawala ako ng apat na taon sa showbiz, inayos ko talaga yung buhay ko kasi gusto ko...

"Alam ko malapit na yung panahon na makikita ko uli yung mga anak ko, pinagdadasal ko yun, e.

"So, inayos ko yung sarili ko.

"Ngayon na sa tingin ko... sabi rin ng asawa ko ngayon, mabuti akong ina.

"Pag nakakakita ka ng ganun, na yung nanay, hindi ganun kabait at kaganda ang ugali, alam mo yun, parang nakakapanghinayang tsaka nakakawala ng gana," paliwanag niya.

Nagkaroon ba sila ng confrontation ni Isabel habang nasa isla sila ng San Vicente, Palawan?

"Hindi ko siya kinonfront.

"Makikita ninyo yung mga nangyari, makikita ninyo, mapapanood ninyo.

"The thing is, it’s a reality show.

"When GMA got us, as ourselves. Hindi kami nagpo-portray ng characters, di ba? Hindi as in actresses.

"And she really... hindi ko ma-explain, e.

"Parang kikilabutan ka, e. Kasi feeling mo, ’Ha? Bakit siya ganun? Bakit niya sinabi yun?’

"Hindi naman kailangan," inis niyang saad.

Nagkita ba sila ni Maria Isabel noong pilot airing ng Survivor Philippines?

"Yeah."

Nagpansinan sila?

"Hindi masyado.

"I mean, I’m okay with her, but para isipin niya na okay lang yung mga ginawa niya?

"It’s not just with me, it’s with everyone else.

"Ayokong magkaroon kami ng isyu para pag-usapan siya because...hindi, e, iyon ang gusto niya, e," sabi ni Jackie.

Ano ang posibleng gawin ni Isabel para mawala ang sama ng loob niya?

Aniya, "At this point, hindi ko pa alam, kailangan muna makita ko kung ano yung lumabas.

"Kasi sa ngayon, binabase ko sa lahat ng nakita ko tsaka usap-usapan."

Sa tingin niya, bakit ginawa ni Isabel ang mga bagay na iyon na ikinasama ng loob ni Jackie at ng iba pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pa alam," sagot ni Jackie.

"Iyon ang gusto niya, e.

"Iyon ang gusto niya, so hindi ko alam kung dapat ba ibigay natin.

"E, di parang kinukunsinti natin yung ugali niya."

Kuwento pa ni Jackie, "Nung day one namin, bago kami isalpak sa isla, sabi sa amin ni Direk Rico, ’Survivors, we got you here because of your individual character, okay? So, please be true to who you are.’

"In short... Rico’s my friend... So in short, what he’s saying, huwag tayong magkukunwari, huwag nating baguhin yung ugali natin para lang dito.

"Kung sino tayo, iyon ang ilaro natin.

"Pero no... I don’t know why she did the things that she did.

"If she can’t explain it, everybody else can’t figure it out."

THE PRIZE MONEY. Kapag si Jackie ang nanalo ng three million pesos, ano ang gagawin niya sa prize money?

"Well, ten percent already goes to my church," estima ni Jackie.

"And I’ve been wanting to help a foundation or put up one myself to help others, and siguro maglagay ng konti sa negosyo.

"Although I can do that with my husband, iba pa rin yung sarili kong pera."

DUTCH HUSBAND. Ang asawa niya ay isang Dutch national na businessman. Ayaw banggitin ni Jackie ang pangalan nito.

"No huwag na, ayaw niya, he’s not showbiz.

"Nakatira kami sa Singapore," ani Jackie.

Paano siya pinayagan?

Paliwanag ng mestizang aktres, "Sinabi ko sa kanya...

"Sinabi ko rin na, ’Okay ka lang kung asawa ko dati [ang kapareha]?’

"And he asked me why. Hindi siya galit ha, parang he asked ’What’s your motive?’

"And I said, ’Well, you know, if it brings me a step closer to my children...’

"And he said, ’Okay, do it.’

"Wholeheartedly he said, ’I trust you, do it, and I know why you’re doing it.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIFE AS A CASTAWAY. Ano ang pinakamami-miss niya sa island ngayong nakabalik na sila sa sibilisasyon.

"Bukod sa partner ko, siguro si Betong tsaka si Maey, ang saya nila kasama, e.

"No dull moment, and honest sila, may takot din sila sa Diyos.

"So, parang feeling mo, safe ka pag kasama mo sila.

"Kasi dito sa larong ito, hindi mo maiiwasan, mararamdaman mo talaga parang may demonyo, e, di ba?

"Kahit na walang nangyayari, feeling mo baka may nangyayari.

"Iba talaga ang Survivor, sobrang... Ang dami kong napagdaanan sa buhay ko, ha. Yung Survivor, winner!" bulalas ni Jackie.

THE WINNER FOR JACKIE. Ang iba pang castaways ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ay sina KC Montero at Geneva Cruz; Ellen Adarna at Filo Cucueco; Chuckie Dreyfuss at Isabel Granada; Stef Prescott at Gino dela Peña; Maria Isabel Lopez at Mara Yokohama; Arthur Solinap at Carlo Gonzalez; ang Philippine Volcanoes members na sina Arnold Aninion and John Odulio; at sina Aifha Medina at Alyssa Alano.

Para kay Jackie, sino ang deserving manalo?

"Si Betong or si Maey... isa sa kanila," sagot ni Jackie.

"Kasi underdog sila, e. Silang pareho, underdog.

"Hindi mo akalain, e, tsaka pumasok ’yan [Betong] sa Survivor, ang laki ng tiyan, tapos nagpapatawa lagi, kengkoy.

"Pero pagdating dun sa mga challenges, grabe siya!

"Grabe siya and then ano pa, ambait niyang tao.

"Recently, di ba, ninakawan siya ng cell phone? Kawawa naman, wala na ngang kotse.

"Parang feeling ko, if it’s Betong or Maey, deserving sila, e, makabili ng bahay, kotse, bagong cell phone, di ba?"

Pagkatapos ng promo ng Survivor ay uuwi muna raw si Jackie sa Singapore.

"Sa November 22... kasi 23, birthday ko, dun ako sa asawa ko," patapos niyang banggit.

Sa December na raw siya babalik dito para harapin muli ang kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN