Aljur Abrenica on status of relationship with Kylie Padilla: "Ganoon pa rin naman kami, magkaibigan pa rin."

"Sa ngayon, pareho naman kami ni Kylie na ang priority talaga namin is our career. Pero siyempre, tao lang din naman tayo, kailangan may inspirasyon ka rin, nagpapasaya sa ’yo. Pero kung priority talaga ang pag-uusapan, trabaho," says Aljur Abrenica.


Ayaw pang magbigay ng kumpirmasyon ni Aljur Abrenica kung tuloy na ang nabalitang pagsasamahan nilang pelikula ni Rhian Ramos.

Sabi ni Aljur sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Gusto ko mang angkinin na, e... Di ba, palagi namang maraming beses na nangyari sa akin ’yan?

"Although, sabi naman ng GMA Films, tuloy na raw.

"Baka posible raw na maging Valentine’s movie kung aabot siya.

"Wala pa rin kasing storycon kaya mahirap pa rin i-claim.

"Although, excited ako at ang sabi lang nila, love story siya, hindi typical na nangyayari."

PANDAY 2. Nanghinayang naman si Aljur na hindi siya natuloy sa Panday 2, na entry ng GMA Films at Imus Productions, Inc. sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this year.

Si Alden Richards ang pumalit sa kanya.

"Nanghinayang ako, sobra!" sambit ni Aljur.

Bakit nga ba hindi siya natuloy sa Panday 2?

Paliwanag ng young actor, "Ang nangyari kasi sa Panday, 20 days ako sa States. E, mas nauna yun.

"Marami kaming artista sa Panday.

"Nakapag-shoot na ako. Pagbalik ko, magsu-shoot ulit.

"Nakapag-shoot pa lang ako, one day.

"E, nagkaroon ng time na nasa States ako, kailangan na kailangan ako.

"Sinabi ko noon na nandito na ako, sinabi ko na lang na palitan na ako. Nagkasira ang schedules.

"At sila na rin ang nag-request na palitan na ako, kasi naiipit na sila.

"Bukod pa sa MMFF yun. Ayoko namang maging sagabal para makasali sila do’n."

Ito pa naman daw sana ang unang beses na magkakaroon siya ng entry sa taunang film festival.

KYLIE PADILLA. Samantala, sa usaping pag-ibig naman, tulad pa rin ng dati ang sagot ni Aljur kapag tinatanong kung ano na ang estado ng relasyon nila ngayon ni Kylie Padilla.

Aniya, "Ganoon pa rin naman kami, magkaibigan pa rin.

"Hindi nga lang kami madalas magkita ngayon kasi sa schedules din.

"Pero kapag Party Pilipinas, nagkikita kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas malalim na ba ang closeness nila ngayon?

Sagot ni Aljur, "Hindi ko masabi, e.

"Para sa akin, kung ano noon, ganoon pa rin ngayon.

"Hindi rin kasi talaga kami masyadong nagkikita ngayon.

"Kumbaga, nami-miss lang din namin ang company ng isa’t isa.

"At saka sa ngayon," patuloy niya, "pareho naman kami ni Kylie na ang priority talaga namin is our career.

"Pero siyempre, tao lang din naman tayo, kailangan may inspirasyon ka rin, nagpapasaya sa ’yo.

"Pero kung priority talaga ang pag-uusapan, trabaho."

Si Kylie ba ang inspirasyon niya ngayon?

"Hindi lang naman siya. Pati pamilya ko. Pati mga taong sumusuporta sa akin," tugon ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN