Ellen Adarna on how she convinced boyfriend Filo Cucueco to join her in Survivor Philippines: "Sabi ko, ’Pag hindi ka sasali, maghahanap ako ng proxy boyfriend! Humanda ka!’"

Businessman Filo Cucueco on girlfriend Ellen Adarna: "To be honest with you, for me, if she cheats, it’s her loss, no matter what. I know naman the type of man that I am, e. I know I’m a good guy, so if she cheats, her loss talaga."


Ang sexy star na si Ellen Adarna at ang non-showbiz boyfriend niyang si Filo Cucueco ang magka-partner sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magkasintahang castaways sa Excess Superclub sa Timog Ave., Quezon City noong pilot airing ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown, noong nakaraang Lunes, Nobyembre 14.

Ang hindi nila makakalimutang experiences sa reality show ng GMA-7 ang una naming inusisa sa kanila.

Ayon kay Ellen, "Yung mga tulog.

"Ang tagal, parang feeling mo, mga three days, kasi walang time, tapos ang lamig!

"Ang kati, ang hirap ng night...sobrang hirap nung gabi."

Para naman kay Filo, "The nights, napakasaya.

"Kasi I was only sleeping mga one hour, the rest of the night I was awake.

"It was fun, yung mga challenges were fun."

Ano naman ang magandang karanasan ng dalawang castaways na kabilang sa Tala tribe?

Sabi ni Ellen, "Yung mga challenges, yung mga bonding namin ng tribe namin, yung pagtutulungan namin.

"Iyon, hindi ko talaga makakalimutan yun."


LOVERS IN THE ISLAND. Si Ellen ay isang FHM cover girl at Bubble Gang mainstay, samantalang isa namang businessman si Filo.

Isa si Filo sa may-ari ng construction at publishing business ng kanilang pamilya.

Advantage ba nila over other castaways na magkarelasyon sila at magka-tandem sa Survivor?

Tugon ni Filo, "Yeah, yeah! Because compared to the rest, our bond is the strongest."

Ayon kay Ellen, walang disadvantage na magkarelasyon silang sumali sa Survivor.


"Wala, so far, wala, kasi para na rin kaming best friends na magdyowa.

"So, wala talaga, wala kaming problema sa island, wala kaming away, walang drama sa aming dalawa sa island."

Mas tumibay pa nga raw ang relasyon nila.

"Yeah, of course," sabay na sabi ng dalawa.

One year and one month na ang itinatagal ng relasyon nina Ellen at Filo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano sila nagkakilala?

"Common friends lang," sagot ni Ellen.

May plano na ba silang magpakasal?

Sabi ni Ellen, "Hindi pa, wala pa. Mga three years from now.

"Alam na niya, three years from now."

Bakit three years pa?

Paliwanag ni Ellen, "Pag twenty-five ko, ayun, three years."

Si Ellen daw ang may gusto na three years pa bago sila ikasal.

SEXY GIRLFRIEND. Number 10 si Ellen sa Sexiest Women list ng FHM this year.

Ano ang feeling ni Filo na nagkaroon ng isang napakaseksing girlfriend?

Hindi ba siya nagagalit o nagseselos kapag tinitingnan ng ibang mga lalaki si Ellen?

Sabi ng businessman, "If anything naman, I’ve always been proud of her, e.

"So whatever she does, I am proud of her.

"I don’t stop her, I’m always supportive.

"I knew naman she was an artista before we got together, so I expected everything."

Hindi ba mahirap magkaroon ng seksing girlfriend, na marami ang nagkakagusto?

"Okay lang.

"To be honest with you, for me, if she cheats, it’s her loss, no matter what," sabi ni Filo.

Tumatawang sagot naman ni Ellen, "Confident, confident!"

Dagdag ni Filo, "I know naman the type of man that I am, e.

"I know I’m a good guy, so if she cheats, her loss talaga."

CONVINCING FILO. Paano na-convince si Ellen na sumali sa Survivor?

Aniya, "Gusto ko, ginusto ko.

"Kasi, fan ako ng show. I watch the mga U.S. episodes before, before pa.

"So, I’m a fan of the show."

Si Filo naman kaya sumali ay dahil kay Ellen: "She asked me to, e. I really didn’t wanna join."

Mga four months daw bago na-convince ni Ellen si Filo.

Paano siya napapayag finally?

Pambubuking ni Filo, "Kasi she told me, if I didn’t go, she’s gonna find a proxy boyfriend, someone to pretend like he’s her boyfriend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumatawang sabi naman ni Ellen, "Sabi ko, ’Pag hindi ka sasali, maghahanap ako ng proxy boyfriend! Humanda ka! Maghahanap talaga ako ng proxy boyfriend.’"

Ano ang unang ginawa ni Ellen pagkabalik nila sa Maynila from San Vicente, Palawan, kung saan ginawa ang Survivor?

"Kumain ako nang todo. Talagang tumaba ako nang todo! Nabawi ko."

Ano ang una niyang kinain?

"Pizza, tapos liempo...basta lahat, lahat talaga.

"Nabawi ko lahat yung ipinayat ko.

"Wala, kain talaga. Iyon yung na-miss ko—kain talaga.

"Gutom ka talaga dun, wala kang pagkain."

Si Filo naman ay iba ang na-miss...

"My pillow!" sambit niya.

"Kasi, I always travel with a pillow, e, since I was mga six months old.

"E, bawal sa island, so I packed it in my luggage.

"And when I came back, I got it first."

Sa pagkain naman daw ay liempo at friend chicken ang unang kinain ni Filo.

Kung si Ellen ang tatanungin, sino sa tingin niya ang dapat manalo ng three million cash prize ng Survivor Philippines?

"Si Betong o si Gino," sagot niya.

Hindi si Filo?

"Hindi, kasi siya, sumali lang siya kasi I forced him, kasi kailangan ko ng partner.

"And he doesn’t need the money, e.

"Yun talagang deserving na kailangan yung pera, si Betong, tsaka si Gino, yung mga good people, magandang ugali.

"If ever na may gusto akong manalo, sila."

Sino naman ang choice ni Filo na manalo?

"For me, Gino," tugon niya.

"He has a very nice aura, e. He has a good heart.

"He is such a very good person, you can tell from the moment you meet him.

"So, parang for me, he’s deserving."

Kapag si Ellen o si Filo ang manalo sa Survivor Philippines, pareho ang gagawin nila sa tatlong milyong piso: "Save."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN