Iza Calzado on her father’s death: "I guess God has a grand production number in heaven and He needs Lito Calzado up there to work his magic on heaven’s stage."

On Twitter, Iza Calzado posted her heartfelt gratitude to all those who symphatized with their family after the passing of her dad, director and choreographer Lito Calzado.


Ngayon lamang nagkaroon ng pagkakataon si Iza Calzado na magpasalamat sa lahat ng nakiramay sa kanilang pamilya nang pumanaw ang kanyang amang si Lito Calzado.

Pumanaw si Direk Lito noong Nobyembre 11, sa edad na 65, dahil sa liver cancer. (CLICK HERE to read related article.)

Sa mga tweets ni Iza ngayong araw, Nobyembre 17, bandang alas-tres ng hapon, sinabi niya kung gaano sila kasaya na makitang madami ang nagmamahal sa kanyang ama.

Ayon sa aktres, si Direk Lito ay "Well loved by so many people whose hearts have been touched by my father’s heart."

Gayundin, pinasalamatan ni Iza ang mga taong sinamahan siya sa kalagitnaan ng kanyang pagluluksa sa pagkawala ni Direk Lito.

Aniya, "Thank you so much for all the love and support you’ve given me through this difficult time in my life."

Malungkot man, positibo pa rin ang pananaw ni Iza sa naging pagpanaw ng kanyang ama.

Sabi ng aktres, "I guess God has a grand production number in heaven and he needs Lito Calzado up there to work his magic on heaven’s stage :)"

Inihatid sa kanyang huling hantungan si Direk Lito noong November 14 sa Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, Quezon City.

IZA’S TWEETS. Narito ang tatlong sunud-sunod na tweets ni Iza nitong hapon:

"Hello Everyone! :) it’s been an emotional week for me. Thank you so much for all the love and support you’ve given me through this difficult."

"Time in my life. My family and I appreciate every tweet posted extending sympathies and prayers for my father. He was a good man. Well loved."

"Well loved by so many people whose hearts have been touched by my father’s heart. I am really humbled by all the support. Maraming Salamat!"

"Like I said, I guess God has a grand production number in heaven and he needs Lito Calzado up there to work his magic on heaven’s stage :)"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN