Fil-Brit Iain Johnston prefers to become an actor than a chef

Iain Johnston, the half-Filipino, half-British contestant of Junior MasterChef Pinoy Edition, is one of the 12 finalists of ABS-CBN’s reality cooking competition.


Si Iain Johnston ay isa sa Super 12 ng Junior MasterChef Pinoy Edition, ang reality cooking competition na ang host ay si Judy Ann Santos.



Bukod kay Iain, ang ibang finalists ay sina Acee Salangsang, Bianca Dimapilis, Caitlin Tabulan, Emman Buquid, Jobim Jalbuena, Kyle Imao, Mika Tanaka, Miko Manzano, Patrick Baldosano, Philip Amarillo, at Tricia Baylosis.

(CLICK HERE to learn more about the Super 12 of Junior Master Chef Pinoy Edition)


Pinakita ng mga batang kusinero ang kanilang angking talento sa pagluluto sa pamamagitan ng "Meet-and-Eat" press conference noong November 16 sa Treston International College sa Bonifacio Global City, Taguig.



Si Iain, 13, ay isang half-Filipino, half-British na contestant mula sa Baguio. Noong 8 taong gulang pa lang siya, tinuruan na siyang magluto ng nanay niya, na isang professional cook sa hotel.



Kuwento pa ni Iain sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "My father is a British working in Tokyo as a computer analyst. Minsan dumadalaw po siya rito sa Philippines and my mother is here in the Philippines, she [is] retired already."



Natatandaan ng mestisong bata kung sino ang unang nagturo sa kanya ng pagluluto.

"Yung mom ko po, yung first dish na niluto ko yung normal na noodles lang tapos from there I got curious about cooking and I started asking my mom."



Kung mananalo si Iain ng P1 million cash prize ng cooking competition, inamin ng bata na gusto nitong pumunta sa ibang bansa upang magbakasyon.

Gusto rin niyang tanggapin ang culinary scholarship na siyang premyo ng ABS-CBN show.

Gusto ba niyang mag-artista pagkatapos ng Junior MasterChef?

"Opo, wala pa man po itong JMC, kaming magkapatid ay nagko-commercial na, pictorial and fashion shows so I’m used to the cam."

Ano ang special talent niya?

"Singing, drums and guitar."

Kung sakaling mag-artista siya, sino ang gusto niyang maka-trabaho?

"Si Gerald Anderson, kasi lagi kong pinapanood yung mga shows niya lalo na yung Budoy, ang galing-galing niya po dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa babae naman po, si Anne Curtis at Cristine Reyes, kasi they are famous and they made a lot of movies na."

Ano ang nagbago sa buhay niya nang pumasok siya sa Junior MasterChef?

"Pag pumupunta po ako ng mall, yung mga ibang tao dun, nagpapa-picture sila sa akin, minsan sa bahay may tao sa labas ng gate, ini-invite ko sila pumasok sa bahay tapos nagpapa-picture din po sila."

Ano ang pipiliin niya sa dalawa—ang maging artista o chef?

"Siguro po yung pag-aartista, kasi it takes long to become a very good chef."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN