Caitlin Taluban sheds tears as she reveals how a reality show has changed her life

Caitlin Taluban is one of the 12 finalists competing for the P1 million cash prize and a culinary scholarship in the Junior MasterChef Pinoy Edition.


Ipinakilala sa media ang Super 12 finalists ng Junior MasterChef Pinoy Edition noong November 16, sa Treston International College sa Bonifacio Global City, Taguig.

Sa "Meet-and-Eat" presscon, nagluto ang mga bata ng iba’t-ibang putahe na ipinatikim sa press.

Ang mga batang kusinero na naglalaban-laban para sa P1 million cash prize at culinary scholarship ay sina Acee Salangsang, Bianca Dimapilis, Emman Buquid, Jobim Jalbuena, Ianin Johnston, Kyle Imao, Caitlin Taluban, Mika Tanaka, Miko Manzano, Patrick Baldosano, Philip Amarillo, at Tricia Baylosis.



(CLICK HERE to learn more about the Super 12 of Junior Master Chef Pinoy Edition)

Matapos ang presscon ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga Super 12 na si Caitlin, bunso sa tatlong magkakapatid.

Ang tatay nila ay isang engineer sa Abu Dhabi.



Medyo naiyak ang 11-year-old contestant nang sagutin niya ang tanong kung ano ang mga pagbabago sa buhay niya nang sumali siya sa Junior MasterChef.



Bakit siya naging emosyunal?

"Kasi po lalo po kaming naging close ng mommy ko dahil sa [show], saka medyo naalala ko rin yung daddy ko kasi po nasa abroad po siya at hindi po kami nagkikita, tumatawag lang po siya."

Anong sabi ng daddy niya nang nalaman niyang pumasok si Caitlin sa Top 12?

"Sobrang saya niya po, kasi po nung nag-audition po kami hindi po namin sinasabi sa kanya [daddy], pero nung nakapasok na po ako sa Top 20, saka namin sinabi sa kanya.

"Sobrang saya niya po."

Anong age siya nag-umpisa magluto?

"Nung 7 years old po ako.

"Nag start po yun, kasi po yung mommy at daddy ko po may work po sila, tapos parang wala pong magluluto kaya sinanay ko po yung sarili ko.

"Saka mahilig rin po talaga ako magluto ng pagkain at nanonood po ako sa TV ng mga cooking shows."

Ano ang paborito niyang lutuin?

"Yung ampalaya sinugpo, kasi po may lahi po kaming diabetic kaya yun po niluluto ko, yung ampalaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto ba niyang-artista? Sino ang gusto niyang maka-trabaho?

"Opo, gusto ko pong makatrabaho si Ms. Judy Ann Santos."

Kung bibigyan siya ng pagkakataon na magluto para sa mga kilalang personalidad, sino ang ipagluluto niya?

"Para sa akin po si Oprah at si Ellen [DeGeneres], kasi po sikat po sila, saka sigurado pong marami rin silang maibibigay na tips sa akin tungkol sa mga health care, kaya gusto ko rin po i-share yung healthy food ko."

Sino sa palagay niya ang matindi niyang kalaban sa Super 12?

"Sa palagay ko po si Miko, Kyle or Patrick po.

"Magaling po talaga kasi sila. Saka napaka-artistic po nila sa mga ginagawa nila, [at] hindi nagagawa nung mga bata yung mga niluluto nila."

Kung manalo siya, anong gagawin niya sa mapapanalunan niyang premyo na P1 million?

"Tatapusin ko yung pag-aaral ko, kukuha po ako ng Culinary Arts."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN