Former Viva Hot Babes member Jaycee Parker gets second chance at showbiz career

After an absence of three years, former Viva Hot Babes member Jaycee Parker joins the cast of the TV5 soap, P.S. I Love You, topbilled by Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Gabby Concepcion, and Dina Bonnevie.

"Maganda po ang role ko rito—[I play], excuse me for the term, a scheming bitch," Jaycee says.


Maganda pa rin bagama’t medyo tumaba ang dating Viva Hot Babes na si Jaycee Parker.

Isa si Jaycee sa cast ng bagong serye ng TV5, ang P.S. I Love You.

After an absence of three years, she joins the cast of the TV soap topbilled by Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Gabby Concepcion, and Dina Bonnevie.

Ayon kay Jaycee, "Actually, noong nawala po ako, nag-produce ako ng mga fashion show, kung ano-ano rin.

"Pero mostly sa Davao kasi may best friend ako sa Davao."

She became a producer because she was not getting any offers. She even produced a show of the Streetboys.

"Hindi naman po ako nag-decide na mawala. Wala lang din po talagang offers. I’ve done rin po some indie films."

Nawala rin ang grupo nila.

"Opo, nawala rin po ang Viva Hot Babes. Nagkaroon din po ng kanya-kanyang raket.

"Pero may mga communication po kami. Like si Katya [Santos] si Gwen [Garcia], si Andrea [del Rosario] kakarating lang po. Si Jennifer Lee.

NEW GROUP. "Actually, may binubuo kami, ako, si Katya at saka si Gwen na Hot Babes Unlimited.

"Tatlo lang kami, sing and dance na parang Eurasia ang dating."

She has been under contract with Viva for eight years; her contract will expire in 2013.

"Actually, happy po ako kasi, binigyan po ulit ako ng second chance.

"Like sa P.S. I Love You, maganda po ang role ko rito—[I play], excuse me for the term, a scheming bitch."

Pero bakit ba niya hinayaang tumaba siya? Di ba kaseksihan ang puhunan ng Viva Hot Babes?

"Bakit nga ba ako tumaba? Siguro masyadong naging kumportable.

"At saka, kasi siyempre, at that time, medyo nagkaroon kami ng konting ipon ni Dan [Danilo Barrios].

"Pareho lang kaming nag-enjoy. Sa bahay lang, kain. Tapos, mahilig akong magluto. Yun...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang buhay married life na ang ginawa namin. Ngayong naubos na ang mga ipon, kailangan na naming magtrabaho."

Ayon kay Jaycee, malaki na raw ang pinayat niya dahil umabot siya ng 149 pounds.

SEVEN YEARS. Pitong taon na rin daw silang nagli-live in ni Danilo Barrios.

"Seven years na po," may pagmamalaki pa niyang sabi.

Hindi pa sila nagpapakasal?

"Actually, may plano na po next year kapag nakaipon."

Hindi pa rin sila nagkakaroon ng anak dahil siya mismo, hindi pa raw siya handa.

"Ayoko pa pong magka-anak kasi, hindi pa po ako stable. Siya po, may anak na siya."

Sa mundong ginagalawan nila, masasabing mahaba na ang walong taon. Paano ba niya mailalarawan ang walong taon na yun?

Ayon kay Jaycee, "Okay naman. We’ve been through a lot na e. Parang napagdaanan na namin ang heaven and hell.

"Tapos na kami ro’n and we’re still together. Sabi nga nila, nalagpasan na namin ang 3-year-itch, 7-year-itch, so, we’re planning a wedding na rin."

Kung sakali, kasal muna raw sila bago magka anak.

"Si Danilo, hindi naman nagkukulang sa anak niya na para ko na rin anak.

"Seven years old na yung anak niya. Four months pa lang ang bata noong magkabalikan kami."

LESSONS LEARNED. Maraming nagne-nega sa relasyon nila nuong umpisa pa lang. May mga nagsasabi na naging sagabal ang love life nila sa kani-kanilang career.

Tanggap naman daw lahat ito ni Jaycee.

"Aware po ako roon. At saka, sabi rin nila martyr nga raw ako.

"Papatayuan na raw nila ako ng rebulto. Joke lang!"

Dugtong din niya, "Siguro nakita ko rin naman ang pagbabago niya. From playboy to talagang okay.

"At saka, naghiwalay rin naman kami sa seven years.

"Siguro mga three months lang na grabe talaga ang naging panliligaw at pagsusuyo niya sa akin, ibang klase. Nakita ko naman yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin naman nito na kahit paano, napag-uusapan din daw nila kung ano ang naging epekto sa career nila nang maging sila na.

"May regrets din, lalo na ako.

"Kasi nga, wala pa nga ako ro’n, wala na agad.

"Nandoon talaga ang regrets. Pero, wala. Nandoon na ’yun, e.

"We have to face the reality. Wala ng time para magmukmok and feel sorry for ourselves.

"Gagawin na lang namin ito nang mabuti and at least, ngayon pa lang, alam na namin, hindi na namin gagawin.

"Bata pa lang kami, natutunan na namin ’yan. We’ve passed that.

"I think, we’re more mature now and [we’re] brave to face the future.

"Mas okay na kami na harapin ang mga bagay-bagay."

Pareho naman daw sila ni Danilo ngayon na may kanya-kanyang serye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN