Derrick Monasterio shifts his attention from Bea Binene to Sarah Lahbati

Dating niligawan ni Derrick Monasterio (above) ang tween star na si Bea Binene. Niregaluhan pa niya ito ng Lacoste bag. Ngayon ay si Sarah Lahbati naman ang kanyang binibigyan ng atensyon. Ano na ang naibigay na niya dito?

"Pagmamahal ko po," Derrick says, laughing. "O di ba? Mas mahal yun! Mas mahal yun, di ba po?"


"Ako po rito si Bryan, ako po yung boyfriend ni Lexi [Fernandez]. Ako po yung dahilan kung bakit kami mapapasok sa the road," umpisang kuwento ni Derrick Monasterio sa PEP.ph (Philippine Entertainment Poral) nuong Biyernes, Nobyembre 18, sa presscon ng GMA Films offering na The Road.

Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA TV Complex.

May pagka-bad boy si Derrick sa pelikula; bakit madalas siyang ma-cast bilang bad boy?

"Iyon po yung bagay sa akin e," ang natatawang sagot ni Derrick.

Diretsong tinanong namin si Derrick, sila na ba ni Sarah Lahbati?

"Hindi, hindi po."

Pero inamin ni Derick na nanliligaw siya sa Kokak female lead star.

Gaano katagal na siyang nanliligaw kay Sarah?

"Ah hindi pa naman po ganung katagal. Ampangit din po kasi kung ngayon ko itotodo-todo ngayong busy kami.

"Mawawalan po kami ng time sa isa’t-isa, ganun. Siguro po pagkatapos nung show niya."

September daw siya nagsimulang manligaw kay Sarah.

Si Bea Binene na na-link sa kanya dati ay binigyan niya ng Lacoste bag; kay Sarah ano ang naibigay na niya?

"Pagmamahal ko po," ang tawa nang tawang sinabi ni Derrick.

"O di ba? Mas mahal yun! Mas mahal yun, di ba po?"

CONCERN. Paano niya binibigyan ng pagmamahal si Sarah?

"Ano po, concern, pinakamahalaga yun kasi halimbawa po may nangyari sa kanya na ano tulad nga po nung isang araw parang nagasgas siya dito sa legs niya sa taping [ng Kokak].

"Nakita ko po sa FaceBook yung picture na yun, pinost niya.

"Sabi ko, ’O anong nangyari sa yo, okay ka lang?’ Ganun.

"Kailangan po talaga concerned ka ganun."

May naibigay pa siya kay Sarah...

"Ano po, pagkain."

Pagkain lang, kay Bea, Lacoste?

"E hindi pa nga po ngayon yung time na ibubuhos ko po yung lahat kasi po... siguro after nung show baka dun ako dumiskarte ng bongga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal pa matatapos ang Kokak, baka maunahan siya ng iba?

"Hindi po, kung para po sa akin, para sa akin talaga," at muling tumawa si Derrick.

Paano ba siya magpakita ng concern kay Sarah?

"Tine-text ko po siya araw-araw tapos tinatanong ko kung ano ang gusto niyang kainin or something, dinadalhan ko siya.

"Puro desserts po, e. Iba-iba po."

JABEA FANS. Ano ang nangyari at biglang "tinalikuran" niya si Bea?

"Yung mga fans po kasi niya, yung JaBea.

Inaway siya?

"Opo, kasi po pag JaBea nakatali po yung pangalan ni Bea kay Jhake [Vargas], so sila po talaga.

"Pag Sarah yung fans club niya parang siya lang talaga ang sinusuportahan."

May Derrick at Bea fans rin naman.

"E mas marami po ang JaBea e, kung magrarambulan, talo po yung sa akin!"

So hindi niya ganun kamahal si Bea dahil sumuko na siya?

"Hindi kasi nga po tulad ng sinabi niya [Bea], na sinabi ko rin po, career muna kaya kung ano ang makakabuti sa career, kung iyon ang makakabuti sa career, okay lang."

Ang pagmamahal niya dati kay Bea, nalipat na kay Sarah?

"Hindi ko naman po naging mahal si Bea, crush ko lang po siya, parang napapasaya lang po niya ako, iyon.

"Hindi po umabot sa point na minahal."

Pero niligawan niya si Bea; hindi ba kapag niligawan ay mahal?

"Hindi, basta... crush, inspiration, ganun."

Si Sarah, mahal niya?

"Wala pa rin po sa ganung level kasi siyempre po hindi pa po kami masyadong nakakalabas, hindi pa nga po kami nakakalabas kahit minsan."

WHAT ABOUT LEXI? Hindi ba siya nade-develop kay Lexi na ka-loveteam niya?

"Kami ni Lexi wala e, kasi si Lexi yung tipong best friend material po siya, e.

"Tipong halimbawa may problema po ako sasabihin ko po sa kanya, tutulungan niya ako, ganu’n."

Nominated si Derrick sa 25th Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na gaganapin sa November 22, Martes, sa Resorts World bilang Best New Male TV Personality.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ang mga kalaban ni Derrick ay sina Diego Loyzaga, Hiro Magalona, Teejay Marquez, Luigi Revilla at Alden Richards.

Ano ang naramdaman ni Derrick nung nalaman niya na nominee siya?

"Natuwa po ako, natuwa kasi siyempre bihira lang po yung ma-nominate, mahirap nga pong ma-nominate sa ganun, kaya nakakatuwa po, nakakataba ng puso."

Ang ilan sa mga kalaban niya ay kaibigan niya.

"Siguro po may the best man win na lang."

Ano sa tingin niya ang edge niya para siya ang manalo?

"Siguro po yung edge ko po yung pagiging singer/actor. Tsaka yung personality ko po.

Sino sa tingin niya ang pinakamahigpit niyang kalaban?

"Si Alden."

Singer siya; kung may kanta siyang kakantahin para lay Lexi, ano yun?

"Thank you, for teaching me how to feel," ang kumakantang sagot ni Derrick sa amin.

"Basta puro thank you po. Kasi ano siya po yung parang pinaka-una ko pong naging close na babae.

"Lahat po talaga ng problema ko, nasasabi ko sa kanya.

"Best friend ko po talaga siya."

Para kay Sarah, kumanta si Derrick sa amin ng isang linya mula sa kantang "Sana Ngayong Pasko," sabay-sabing...

"Hindi, joke lang! Siguro ano, ’Bakit Ngayon Ka Lang?’

"Kasi po ano e, dati po kasi parang hindi po kami masyadong nag-uusap, parang ganun. Wala, pag nagkikita po kami, wala beso lang.

"Ngayon ano na, may konting tsika na po, iyon na, alam ninyo na po iyon."

Kay Bea...

"Paalam na..." sabay tawa ni Derrick.

"Hindi, joke lang po, joke lang po iyon, joke lang, joke lang po.

"Wala... kanta? Wala lang."

FEARS. Horror movie ang The Road; saan takot si Derrick?

"Sa ipis! Opo, pag nakakakita ako ng ipis, tumitili po talaga ako, tiling-bading po," at muling tumawa ang male tween star.

"Nakakadiri po yung itsura, e."

Nadapuan na daw siya ng ipis.

"Opo! Pagkuha ko ng tuwalya, dinapuan ako, napasigaw talaga ako. Kadiri po ambaho, at ang kulit humawak."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Takot din daw si Derrick na...

"Mawalan ng career."

Bida sa The Road sina Carmina Villarroel, Marvin Agustin, Rhian Ramos, TJ Trinidad at Barbie Forteza, together with Alden Richards, Louise delos Reyes, Ynna Asistio and Renz Valerio.

Kasama sa cast sina John Regala, Lloyd Samartino, Gerald Madrid, Allan Paule, Dex Quindoza, Ana Abad Santos at si Ms. Jaclyn Jose.

Ito ay sa direksyon ni Yam Laranas at ipapalabas na sa mga sinehan sa November 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN