Janelle Manahan and slain actor Ramgen Revilla had plans of getting married after he runs for Imus councilor in 2013, says Janelle’s mother

Rosario Quintano on daughter Janelle Manahan’s (in photo) text message after she was shot: "Nung araw na ’yon, nagte-text-an kami, nag-uusap kami. Then, all of a sudden, mga ten to fifteen minutes yata yun, biglang nag-text siya sa akin like, ’Mommy, nabaril ako.’ When I read it, ’Is this a joke?’ Nag-uusap kami, tapos biglang nabaril siya? Tapos, next text niya sa akin, ’Mommy, don’t worry. I&am


Halos nailahad na lahat ang mga panig sa pagpaslang kay Ramgen Revilla at sa pamamaril sa kasintahan nitong si Jannelle Manahan noong Oktubre 28, 2011.

Pero isa pa marahil sa inaabangang maisahimpapawid ang saloobin nito tungkol sa pangyayari ay ang ina ng biktimang si Janelle.

Kahapon, November 20, isang exclusive interview ang pinaunlakan ng ina ni Janelle na si Rosario Quintano sa segment ni Cristy Fermin na "Caught By Cristy’ sa Paparazzi Showbiz Exposed.

JANELLE, THE DAUGHTER. Ayon sa report ng Paparazzi, apat na taong gulang pa lamang si Janelle noon nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang.

Bagamat lumaki sa isang broken family, nakadama pa rin siya ng pag-aaruga at pagmamahal sa piling ng mga lolo at lola niya sa Legazpi City, Albay, habang nagtatrabaho sa Maynila ang inang si Rosario.

Nagdadalaga na si Janelle nang muli silang magkasama ng ina at tuluyang manirahan sa Maynila.

Unang inusisa ni Cristy kay Rosario—mas kilala sa tawag na "Ayong" ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak—tungkol sa kung anong klaseng anak si Janelle.

Tugon nito, "Janelle is a very jolly kid, masayahin siya. Just a typical kid na masaya at may dreams."

Dagdag pang kuwento ni Ayong, madalas silang magkaroon ng mother and daughter bonding ni Janelle. Mga simpleng bagay lang daw ito pero masaya na sila sa mga ganoong sitwasyon.

Aniya, "Yung typical na mom and daughter bonding; like sa mall, mga makeup, mga damit, makeups, tapos we share stories, mga sikreto.

"Yung typical mother-and-daughter relationship. Parang friends din."

JANELLE AND RAMGEN RELATIONSHIP. Paano ikinuwento sa kanya ni Janelle ang pagsisimula ng relasyon nila ni Ramgen?

Pahayag ni Rosario, "Before sila naging [magkasintahan] ni Ramgen, sinabi niya sa akin that time na, ’Mommy, may nanliligaw po sa akin. Ang pangalan niya, ganito.’

"Nung narinig ko yung pangalan, I asked her, ’Baby, how is he related to Senator ganito?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, ’He’s a son of Senator Ramon Revilla [Sr.].

"Sabi ko, ’Sure ka ba na gusto mo talaga siya? Kasi siyempre, everybody knows they’re playboy, baka mamaya paiyakin ka lang.’

"Sabi niya, ’Hindi, Mommy, he’s a nice guy.’

"Ako naman kasi, kung sino ang gusto ng anak ko, kung saan siya magiging masaya, okey naman ako."

Dagdag pang kuwento ni Rosario, January 7, 2007 nang opisyal na maging magkasintahan sina Janelle at Ramgen.

Ano naman ang kuwento ni Janelle sa kanya tungkol kay Ramgen nung lumalalim na ang relasyon nila?

Tugon ni Rosario, "Very protective. Kung puwede lang ay lagi kang makita.

"Typical person lang na nagmamahal sa isang tao na ayaw mawala sa paningin niya. Yung mga gano’n lang."

Lumipas ang mga taon na tila wala nang makakapigil pa sa pagmamahalan nina Ramgen at Janelle. Hanggang sa bumuo na rin sila ng pangarap.

Isa raw sa mga plano nila ay ang pagpapakasal sa taong 2013.

Sabi ni Rosario, "Naikuwento niya [Janelle] lang yun.

"Sabi niya, may plano raw si Ram na pakasalan siya pag nanalo daw by 2013.

"Ganon lang yung kuwento nya."

Nakatakda sanang tumakbo sa 2013 elections si Ram bilang konsehal ng Imus, Cavite.

Pagkatapos daw ng eleksiyon, dito na nila balak magpakasal ni Janelle.

THE TRAGEDY. Paano naman nalaman ni Rosario ang nangyaring pamamaril at pananaksak kina Ramgen at Janelle?

Kuwento ni Rosario, "Nung araw na ’yon, nagte-text-an kami [ni Janelle], nag-uusap kami.

"Then, all of a sudden, mga ten to fifteen minutes yata yun, biglang nag-text siya sa akin, like, ’Mommy, nabaril ako.’

"When I read it, ’Is this a joke?’

"Nag-uusap kami, tapos biglang nabaril siya?

"Tapos, next text niya sa akin, ’Mommy, don’t worry. I’m still alive. I love you. Please send an ambulance.’"

Dagdag pa niya, "So, tumakbo ako sa phone ko sa landline, tinawagan ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung nagkausap kami, she was crying already."

"Sabi niya, ’Mommy, nabaril ako.’

"Sabi ko, ’Saan ka?’

"Sabi niya, ’Mommy, si Ram, si Ram...’ Gumagano’n siya.

"Sabi ko, ’Anong nangyari?’ Tinatanong ko siya.

"Tapos sabi niya, ’Mommy, pa-low batt na ako.’ Basta kelangan niya daw ng ambulance."

"Ang first na ginawa ko, hindi talaga ako nakagalaw."

Dito na nagsimulang umiyak si Rosario.

Patuloy niya, "Tinawagan ko yung sister ko. Sabi ko, ’Si Janelle, gano’n-gano’n.

"Sabi niya, ’Anong nangyari?’

"’Si Janelle, nabaril.’ Hindi na talaga ako nakapagsalita nung time na ’yon."

Tila pinagsukluban daw ng langit at lupa si Rosario sa mga sandaling iyon.

Wala raw siyang magawa kundi ang umiyak nang umiyak dahil hindi magawang sumaklolo sa anak.

JANELLE’S CONDITION. Nang makahingi raw ng tulong si Rosario sa kanyang bayaw, nagpadala ang isang kakilalang konsehal sa Parañaque ng mga pulis at ambulansiya sa bahay nina Ramgen sa BF Homes.

Kaagad namang naisugod ang duguang si Janelle sa Parañaque Medical Hospital.

Kuwento pa ni Rosario, "After that, tinawagan na ako ng Parañaque Medical Hospital na nandon ang anak ko. Okey naman daw.

"E, nabaril, hindi okey ’yon. So I asked the doctor, ’Saan ba yung tama ng anak ko?’

"Sabi niya, ’Daplis sa ilong. Okey naman siya. Naglalakad-lakad siya.’"

Bahagyang nahimasmasan daw si Rosario sa sinabi ng doktor sa kanya, subalit tila muli siyang kinabahan nang malamang kailangan ng operasyon ni Janelle.

Dagdag ni Rosario, habang patuloy na umiiyak, "Tapos ’yon, kailangan daw pirmahan ng waiver, pero paano ’yan, wala ako diyan, nandito ako.

"So, doon ko na [naisip na] napaka-helpless ko kasi nasa Bicol ako.

"So, I called my sister-in-law, kasi yun lang yung alam kong tawagan.

"Sabi ko, ’Di ba, nandiyan sa Parañaque yung mga cousins n’yo? Puwede sila na lang ang pumirma sa waiver?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, paano si Janelle kung walang relative do’n?

"So, tinray nilang makontak ’yon and, thank God, yun na yung nag-asikaso hanggang sa Asian Hospital."

FIRST TIME TO SEE JANNELLE AFTER THE INCIDENT. The next day, October 29, first flight from Legazpi ang sinakyan ni Rosario papuntang Maynila upang makita na ang anak.

Tulirong-tuliro raw si Rosario noong mga panahong yun dahil sa pag-aalala sa anak.

Dugtong pa niya, "Kasi, wala akong tulog mula nung gabing ’yon.

"It was really a sleepless night hanggang sa pagdating ko dito, lutang na lutang. Wala talaga.

"Hindi ko alam kung paano ko titingnan yung anak ko, kasi hindi ko alam yung hitsura niya.

"Kasi yung imagination ko, iba siyempre, kasi baril yun, e.

"Imagination mo, wasak yung mukha."

Nasa Intensive Care Unit (ICU) na raw si Janelle noong datnan niya ito sa ospital.

Sabi ni Rosario, habang patuloy pa rin ang pag-iyak, "Nasa ICU siya, pero nung time na ’yon, nagsi-CT scan [Computerized Axial Tomography] siya that time.

"Tapos nung ilalabas na siya from CT scan, hindi ko alam kung paano siya titingnan kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"So, nung nakita ko siya, yung right side niya, sabi ko, ’A, okey naman.’

"Pagdating namin sa room, nakita ko na yung sugat niya dito [kaliwang pisngi], yun, I started crying again.

"Sabi ko, kawawa naman yung anak ko.

"Tapos nakita ko dito [ilalim ng kanang tenga], lumabas yung bala.

"I thought, dito lang. Hindi ko alam yung dito sa shoulder.

"So, yun pala, meron pa pala dito sa shoulder. Dalawa ang tama.

"Dito, lumabas siya [bala] dito. Yun yung first.

"Then, yung second, dito, tapos lumabas siya dito."

Ano ang ginawa niya nung una niyang makita si Janelle?

Ani Rosario, "Nung nakita ko yun, umiyak ako talaga. Di ko talaga na-control yung emotions ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya lang, ang sabi niya sa akin, ’Mommy, don’t cry.’

"So, tumalikod ako, kinuha ako ng nephew ko, tapos kinontrol ko na lang yung iyak ko para makabalik ako agad sa kanya."

BEING STRONG. Kahit daw awang-awa siya sa sinapit ng anak, hindi niya pinaramdam dito ang totoong laman ng kanyang puso.

Gusto niyang ipakita ang katatagan ng kanyang damdamin alang-alang sa anak.

Sabi ni Rosario, "Tinitingnan ko siya as if okey na ako, pero deep inside, grabe talaga.

"Ang sakit-sakit ng loob ko. Gusto ko talaga umiyak.

"Tapos sabi ko, ’Baby, kumusta ka na? Are you okay?’

"Lumuluha siya. Alam ko, masakit. Lumuluha siya.

"Physical at, siyempre, sa loob niya.

"’Kung anumang pain ang nararamdaman mo ngayon, just leave it to the Lord, kasi yun lang ang puwede mong gawin ngayon. Magdasal ka.’"

Mula noong dumating daw si Rosario sa Maynila, hindi na siya umalis sa piling ng anak.

Saad niya, "Never, never ko siyang iniiwanan.

"Lumuluha siya every time.

"Hindi ko alam kung ano yung luha na ’yon, tapos lagi ko lang wina-wipe yung luha niya."

NEWS ABOUT RAMGEN’S DEATH. Ano ang isinasagot niya kapag tinatanong siya noon ni Janelle kung nasan si Ramgen?

Tugon ni Rosario, "Nung time na ’yon na hindi pa niya alam, sabi ko sa kanya, ’Hindi ko pa alam. Hindi ko pa nakakausap. Okey.’

"Tapos nagtanong siya, ’Lahat naman ng sinasabi n’yo, hindi n’yo alam.’

"Hindi na lang ako umiimik kasi wala akong masabi, e."

Sa tindi daw ng kanilang takot na labis na maapektuhan ang pisikal at emosyonal na pagpapagaling ni Janelle bunsod ng madugong insidente, inilihim nila ang pagkamatay ni Ramgen.

Hindi pinayagan si Janelle na makapagbasa ng diyaryo o makapanood man lang ng telebisyon noon hanggang lumipas ang mahigit isang linggo.

Patuloy na pagkukuwento ng ina ni Janelle, "Hanggang one day, nagtanong siya, ’Mommy, nasaan si Ramgen?’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang nagpaabot ng mensahe kay Janelle na sumakabilang buhay na ang boyfriend nito?

Sagot ni Rosario, "Actually, nung time na ’yon, may visitor kami, and yung visitor namin, hindi naman niya alam na hindi dapat malaman ni Janelle.

"Siguro, yun na lang siguro yun way para malaman niya, kasi nahihirapan rin kasi kaming sabihin sa kanya.

"Naiyak siya [Janelle]. Umiyak siya, pero kinokontrol niya.

"Sabi niya, ’A, kaya pala..."

Na ang ibig sabihin ng dalaga ay kung bakit hindi siya sinasagot tuwing kinukumusta niya si Ramgen.

THE TATTOO. Pagkatapos nito ay napag-usapan din ang tungkol sa tattoo sa may tagiliran ni Janelle na may nakasulat na "Ram Revilla 4ever."

Paliwanag ni Rosario, "Yung significance no’n, kasi yung jaw niya, fractured ’yon.

"Instead of lalagyan ng titanium, kinuha na lang ng doctor dito sa rib niya.

"So, after the operation, sabi niya, ’A, yun pala ang significance no’n, yung Ram 4ever kasi ilalagay siya dito."

Umiyak daw nang umiyak si Janelle kapag nababanggit ang tattoo niya.

Nang pinayagan na raw si Janelle na makapag-computer, nagbukas daw siya ng kanyang Facebook account.

Umiyak na naman daw ang dalaga dahil narinig niya ang theme song nila ni Ramgen na "The Way I Do," na kinanta ng singer na si Marcos Hernandez.

FLASHBACK. Inusisa rin ni Cristy kay Rosario tungkol sa mga ikinuwento ni Janelle sa mga imbestigador kung ano ang totoong nangyari noong gabi ng October 28.

"Kung ano yung statement na ibinigay niya sa pulis, yun na po yung lahat," diin ni Rosario.

Ayon sa isinumiteng salaysay ni Janelle sa mga imbestigador, inilahad niya na may kumatok sa pintuan, binuksan niya ito, at saka pumasok ang kapatid ni Ramgen na si Ramona.

Biglaan daw na may sumunod sa kanyang dalawang lalakeng nakamaskara at doon ay pinaputukan na sila ni Ramgen na kagagalinglang sa banyo noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Rosario, "Nakaupo kasi siya [Janelle] sa parang office chair. Nakaupo siya.

"Akala niya nga lang daw kung ano lang, tapos nung lumingon nga siya, binaril siya.

"Wala lang. Wala. Basta gano’n na lang.

"Kung hindi siya lumingon, sa brain na yun [tama], e."

Sa ngayon daw ay marami silang takot na nararamdaman para sa anak.

Ani Rosario, "Marami, siyempre like paglabas sa ospital, hindi mo alam ang gagawin namin, kasi may mga follow-up check-ups pa siya.

"Hindi mo alam kung paano yung security niya, yung safety niya.

"Siyempre, yun ang iniisip ko lagi."

Bagamat may mga nadakip na suspek at lumulutang na mga pangalan, hindi pa rin matukoy sa ngayon ang tunay na utak at mga salarin sa pagpatay kay Ramgen at pagbaril kay Janelle.

Tila hindi naman maipaliwanang ni Rosario ang nararamdaman sa pagkakadawit ng mga kapatid ni Ramgen na sina Ramon Joseph at Ramona sa krimeng ito.

Aniya, "Hindi ko po alam. Although nung tinanong siya [Janelle] kung si RJ ’yon [bumaril], nagdalawang-isip talaga siya.

"Pero hindi talaga siya makapaniwala, kasi close naman daw talaga yung mga magkakapatid."

Papayagan kaya niya ang kanyang anak na tumayo bilang "state witness" sa murder case ni Ramgen?

"Right now, ang concern ko kasi ay yung gumaling muna si Janelle.

"So, siguro pagdating ng...hindi ko pa alam talaga.

"Basta this time kasi, ang focus naming lahat ay yung recovery niya."

Papasalamat naman ang ipinaabot ni Rosario sa buong pamilya ni Senator Bong Revilla, Jr. at sa ama ni Ramgen na si Ramon Revilla, Sr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN