Former teen actress Kim delos Santos in town for vacation; has long cut communication with ex-husband Dino Guevarra

Kim delos Santos on losing weight: "Happy naman ako sa itsura ko. Hindi ako nahihiya. But if I can at least lose a few pounds, then things will be a lot better for me... I cannot promise, but I will try to make that change. I will do it para sa sarili ko."


Nasa Pilipinas ngayon ang ’90s teen star na si Kim delos Santos.

Dumating si Kim noong Sabado, November 19, para dumalo sa kasal ni Aya Dantes, ang kapatid na babae ni Dingdong Dantes.

Ginanap ang kasal noong Lunes, November 21.

Pitong taon na ang nakararaan nang magdesisyon si Kim na manirahan sa New Jersey, U.S.A.

Ito ay matapos niyang talikuran ang kanyang showbiz career at nang magkahiwalay sila ng asawang si Dino Guevarra.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kim, nalaman namin na nagtatrabaho siya ngayon bilang junior nurse sa isang dialysis clinic sa New Jersey.

Nag-aaral pa raw siya para maging isang registered nurse at nang makapagtrabaho siya sa malalaking ospital doon.

Inamin ni Kim na nami-miss niya ang buhay sa showbiz kaya excited siyang magbakasyon para muli niyang makita ang mga dating kaibigan.

Aniya, "I also wanted to take this vacation.

"I’ve been working so hard and I feel that I deserve to rest kahit na three weeks lang.

"It just so happens that it’s my best friend’s wedding and I promised her na darating ako.

"Kahit na hindi ako naging part ng entourage niya, okey lang.

"I came two days before her wedding, kaya guest lang talaga ako.

"I want to reconnect with my old friends. Sa Facebook ko lang sila nakakausap at nakikita.

"Hopefully, maging maayos itong bakasyon ko before I go back sa trabaho ko sa States."

NO COMMUNICATION WITH DINO. Since na-annul ang kasal ni Kim kay Dino last year, wala na raw silang communication nito.

Wala raw din alam si Kim sa mga nangyayari sa buhay ng kanyang ex-husband.

Kuwento niya, "Since I left naman in 2004, wala na kaming communication.

"I stopped talking to him already. Wala naman nang dapat pang pag-usapan kasi.

"I wanted to start a new life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkaroon lang kami ng pag-uusap in regards sa annulment papers.

"Other than that, wala na kaming ibang pinag-usapan pa."

NEW MAN IN HER LIFE. Sa parte ni Kim, naikuwento niya sa PEP na may karelasyon siya for the past five years. Isa rin daw itong Pinoy.

Ayon sa dating teen star, "What’s funny is that he’s my neighbor in New Jersey.

"Naging close kami hanggang sa magkaroon kami ng relationship.

"That’s another reason why I took this vacation.

"I want to make sure kung siya na ba talaga ang taong gusto kong makasama sa buhay ko.

"I am waiting for signs kung siya nga ba talaga.

"After my last relationship, natakot na ako. I was heartbroken and I got so burned from it.

"Pinagdaanan ko na ang lahat ng sakit and I don’t want to go through that again.

"I don’t want to do the whole nine yards again.

"Hopefully, I will have the answer when I get back [to the States]."

LIFE IN THE STATES. Hindi raw naging madali ang buhay ni Kim sa Amerika.

Malayung-malayo raw ito sa nakagisnan niyang buhay bilang isang artista.

Aniya, "I went through a lot. Hindi madaling mabuhay sa Amerika.

"I don’t have a college degree.

"Kapag wala kang college degree doon, you have no choice but to work sa pinakamababang posisyon.

"Nagtrabaho ako sa pinagtatrabahuan ng dad ko.

"Binigyan nila ako ng iba’t ibang trabaho. Pinagtrabaho nila ako sa kitchen.

"Wala akong alam sa paghiwa ng mga gulay. Natatakot sila na baka maputol ko ang mga daliri ko.

"I mopped the floor and I threw out the trash."

Dagdag ni Kim, "Noong nagma-mop na nga ako ng sahig, naawa ako sa sarili ko.

"Sa Pilipinas, artista ako.

"Marami kang puwedeng utusan na gawin ang iba’t ibang bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I didn’t need to lift a finger.

"Sa showbiz kasi, madali lang kumita ng pera.

"Kakanta ka lang, sasayaw at kakaway ka, kikita ka na ng malaki.

"Those were the days na akala mo hindi na mag-e-end, di ba?

"That’s when I realized na iba na ang buhay ko. Wala na ako sa Pilipinas at hindi na ako artista.

"I gave my best sa anumang trabaho na gawin ko.

"The best thing I got out of it is that natutuwa sila sa trabaho ko.

"Yung boss nga ng dad ko, sinabi niya na sobrang masipag ako at happy siya sa performance ko.

"It’s a humbling experience for me. It taught me a lot about life.

"Kung noon nasa taas ka, ngayon nasa baba ka.

"I thank God for letting me experience it all.

"Noong mag-resign ako sa trabaho ko para mag-aral ako ng Nursing, dalawang tao ang ipinalit nila sa akin.

"Pang-dalawang tao ang ginagawa kong work but I never complained.

"Nakaipon naman ako at tinulungan ako ng dad ko para makapag-aral ako."

May mga nakakakilala pa rin daw kay Kim sa Amerika kahit na malaki na ang ipinagbago ng itsura niya.

Kuwento niya, "Marami akong mga co-workers sa clinic na mga Pinoy.

"Yung iba, naaalala pa nila ang mga TV shows at movies na ginawa ko.

"Hindi ko alam kung mahihiya ba ako kasi nga ibang-iba na ang itsura ko from before.

"But I appreciate it na meron pa ring nakakakilala sa akin.

"It only means na nasubaybayan nila ako noong active pa ako sa showbiz.

"Napapangiti ako kapag may mga taong nare-recognize pa ako."

KIM’S SHOWBIZ CAREER. Sa mga hindi nakakilala kay Kim, nagsimula siya bilang child actress sa 1989 dramatic film na Rosenda.

Dahil sa pagganap niya sa pelikulang ito, nanalo siyang best child performer sa Film Academy of the Philippines (FAP) noong 1990.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong magdalaga si Kim, isa siya sa mga kinontrata ng Viva Films para magbida sa drama series ng GMA-7 na Anna Karenina.

Nakasama niya rito sina Sunshine Dizon at Antoinette Taus.

Nagkasama rin sila sa teen series sa teen-oriented show na T.G.I.S. ng GMA-7.

Naging ka-loveteam ni Kim si Dino Guevarra.

Ilan sa mga pelikulng ginawa nila ay ang mga sumusunod: Honey My Love So Sweet, My Pledge Of Love, Kiss Mo ’Ko, Dahil May Isang Ikaw, at Ikaw Lamang.

Ginawa rin ni Kim ang mga pelikulang Wanted: Perfect Mother, Ang Lahat Ng Ito’y Para Sa ’Yo, Laging Naroon Ka, at TGIS: The Movie.

TO LOSE WEIGHT. Goal ngayon ni Kim ang magpapayat.

Inamin niya na nahihirapan siyang magpapayat dahil panay ang kain niya, lalo na kapag pagod siya sa trabaho.

"Ang sarap kasi kumain, di ba?" tawa niya.

"I tried so many times na mag-diet, pero laging nasisira.

"My friends are really encouraging me to lose weight. Gusto nilang makita ulit ang dati kong figure.

"Happy naman ako sa itsura ko. Hindi ako nahihiya.

"But if I can at least lose a few pounds, then things will be a lot better for me.

"I am willing to undergo liposuction.

"But I have to go on a diet first just to lose a few pounds.

"Since I’ve started my life all over again and I’ve gained back my confidence, it would be better daw to see a lot of changes in me physically.

"I cannot promise, but I will try to make that change.

"I will do it para sa sarili ko," sabi ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN