Zaijian Jaranilla, Louise Abuel and Mutya Orquia share holiday cheer in new drama series; recall humble beginnings

Despite their humble beginnings, Zaijian Jaranilla (right), Louise Abuel (left), and Mutya Orquia (center) have given themselves and their families reason to be proud and thankful this coming Christmas season.

The three will be starring in a pre-Christmas drama series on ABS-CBN, Ikaw Ay Pag-Ibig, together with Xyriel Manabat.


Ang mga child wonders ng Kapamilya network na sina Zaijian Jaranilla, Louise Abuel, Mutya Orquia, at Xyriel Manabat ay pinagsama-sama ng ABS-CBN para sa isang primetime series na napapanahon ngayong Kapaskuhan, ang Ikaw Ay Pag-Ibig.

Sa The Buzz noong Linggo, Nobyembre 20, live na nag-guest at nakapanayam ni Charlene Gonzalez sina Zaijian, Louise, at Mutya.

Pero bago ang kanilang live interview, ipinakita muna ang VTR message ng kani-kanilang mga nanay, kung saan ikinuwento ng mga ito ang mga pinagdaanang hirap ng kanilang mga anak bago sila pumasok sa showbiz.

THREE PESOS FOR FAMILY’S LUNCH. Ayon kay Mommy Bernadette Abuel, mommy ni Louise: "May time na kakain na kami ng tanghalian. So, wala talaga akong pera.

"Ang pera ko is P3. Binili niya ng chichiria at nilagyan niya ng suka. ’Yun ang kinain namin. Habang kinakain namin, umiiyak ako."

Ngayon ay pinangingiti ni Louise ang ina: "Super, super proud ako sa kanya dahil binigyan ako ng karangalan ng anak ko, na kapag lumalabas ako, tinitingnan nila ako na, ’Uy, nanay ni Louise ’yan!’"

BABY’S MILK IS WATER WITH SUGAR. Ang kuwento naman ng mommy ni Mutya, na si Mommy Carmelita Orquia: "Dumarating po talaga ang araw na wala na akong pambili ng gatas.

"Pinapa-dede ko po siya ng tubig na may asukal."

ZAIJIAN WANTS ALL SIBLINGS TO FINISH SCHOOLING. Para kay Zaijian naman, ikinuwento ng mommy nito, si Mommy Glendaline Jaranilla, ang mga pangarap ng anak.

"Pangarap niya na magkabahay, magka-sasakyan, at mapagtapos ng pag-aaral ang mga kapatid niya," banggit niya.

Kaya naman nang humarap na sa camera ang tatlong ina, naging emosyunal agad si Mutya at iyak na ito ng iyak.

Nang tanungin ito ni Charlene kung bakit ito umiiyak, sinabi ni Mutya na, "Kasi po noong baby ako, sobra akong naawa sa sarili ko."

Ayon kay Charlene, alam daw niyang mahirap ang pinagdaanan nito at sobrang mahal ni Mutya ang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero gaano nga ba nito kamahal ang nanay niya?

"Sobra-sobra ko po siyang mahal kasi, lahat po ng hinihingi ko po sa kanya, binibili po niya," patuloy ni Mutya.

Tinanong din ni Charlene kung ano ang gusto nitong sabihin sa ina.

Tugon naman ni Mutya, "Mommy, maraming-maraming salamat kahit na makulit ako, inaalagaan niyo pa rin po ako.

"At saka, Mommy, sa taping, kahit makulit ako, inaalagaan mo pa rin ako."

Ang naging pahayag naman ni Zaijian para sa mommy niya: "Mahal na mahal ko rin po siya. Kahit makulit po ako, inaalagaan niya rin po ako."

At ang mensahe naman ni Louise para sa kanyang mommy: "Mahal na mahal ko po siya. Kahit makulit po ako, inaalagaan niya po ako."

At dahil malapit na nga ang Kapaskuhan, sabay-sabay na sumagot ng "opo" ang tatlo nang tanungin kung sabik na sabik ang mga ito sa darating na Pasko.

SANTA CLAUS. Sabi rin ni Charlene, kung ang iba raw ay hindi naniniwala sa Santa Claus, alam daw niya na si Mutya ay naniniwala rito.

"Opo, naniniwala po ako kasi kapag birthday ko po, marami po sa akin ang nagbibigay ng regalo," paliwanag ni Mutya.

Tinanong naman ni Charlene si Zaijian kung bakit daw ito hindi naniniwala sa Santa Claus.

Natatawang sabi naman ni Zaijian, "Dati po, naniniwala po ako. Pero ngayon po, hindi na.

"Kasi po, noong naglagay po ako ng medyas doon sa may pintuan namin, nakita ko po si Papa naglagay ng chocolates at saka ng pera."

Si Louise ay hindi rin daw naniniwala sa Santa Claus.

Aniya, "Kasi po, sabi po ng daddy ko, totoo raw po si Santa. E, naghintay po ako buong gabi, wala naman pong dumating."

Ngayon daw, marami na silang pera dahil sa sunod-sunod na projects nila.

CHRISTMAS BEFORE SHOWBIZ DAYS. Inudyok din ni Charlene na ikuwento naman nila kung paano sila nagdiriwang ng Pasko bago sila maging artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Louise: "Dati po, bumibili lang po kami ng pagkain. Tapos po, magsisimba po kami, mamamasyal po."

Pero ngayon daw, gusto ni Louise na ibahin ang pagse-celebrate nila ng Pasko at gusto nitong tumulong din sa mga batang nangangailangan.

"Kasi po, nakakaawa po sila, eh."

Ang kuwento naman ni Mutya sa kanyang Pasko bago siya mag-artista: "Dati po, naghahanda lang po kami ng konting handa—spaghetti."

Humihiram lang din daw sila dati ng pera sa Tita ni Mutya para lang makapag-celebrate kahit paano ng Pasko.

Pero ngayon, ayon kay Mutya, "Marami na po kaming nahahanda."

Ang pasko naman para kay Zaijian, "Katulad po ng dati, naghahanda po kami ng pagkain at nagsisimba po kami.

"At saka po, pagkatapos po naming magsimba, namamasyal at binubuksan na po namin ang mga gifts namin."

NOTHING BUT THE TOOTH. Muli namang umiyak si Mutya nang tanungin ni Charlene kung ano raw ang nangyari sa dressing room bago sila sumalang sa The Buzz.

Si Zaijian ang nagkuwento: "Wala po. Sinabi lang po namin na may train diyan na lalabas sa ngipin niya.

"E, hindi naman po kasya ang train sa ngipin niya."

Natanggal daw kasi ang ngipin ni Mutya habang kumakain ng mais.

Iyak naman ng iyak si Mutya at hindi na halos maintindihan ang sinasabi nito.

Ginawa naman nina Zaijian at Louise, nag-sorry ang mga ito at niyakap at hinalikan si Mutya.

Pareho namang sinabi nina Zaijian at Louise kay Mutya na, "Sorry na, hindi ka na namin aasarin."

Na-forgive naman agad ni Mutya ang dalawang kasamang bida.

CHRISTMAS WISHES. Tinanong din ni Charlene kung ano ang Christmas wish ng mga ito.

Ayon kay Zaijian, "Sana po more blessing pa po, at saka sana po, tumaas po ang rating ng show namin."

Wish daw ni Zaijian na makabili ng Hummer na sasakyan katulad ng sa Kuya Piolo Pascual niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sinagot naman ni Zaijian nang "sana po," ang tanong ni Charlene kung matutupad daw ba ang pangarap niyang ’yun.

Ang wish naman ni Louise ngayong Pasko, "Sana po, tumaas po ang rating namin. More blessings."

Emotional pa rin na sinabi naman ni Mutya ang wish niya ngayong Pasko.

Ayon kay Mutya, "Ang wish ko po ngayong Pasko, regalo po sa akin ni Mama, iPad."

Pero sinurpresa naman si Mutya ni Charlene nang sabihin nitong siya na lang daw ang magre-regalo ng iPad kay Mutya.

Ayon pa kay Charlene, ang teleserye ngang Ikaw Ay Pag-Ibig naman ang regalo ng ABS-CBN sa mga ito.

Bilang pangwakas, tinanong din ni Charlene ang tatlo kung ano ang kanilang naramdaman nang binigyan sila ng ABS-CBN ng ganitong palabas kung saan pinagsama-sama silang tatlo, kabilang na rin si Xyriel Manabat.

Ayon kay Louise, "Masaya po kasi nakasama ko po ang magagaling na artista. Sina Tito Bembol [Roco] po, ’yun po."

Kuwento naman ni Zaijian, "Minsan po naglalaro po kami at nagtutulungan po kami kapag nasa eksena po kami. Hindi po kami naglilikot."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN