Ogie Diaz confirms Vice Ganda is no longer his talent; Deo Endrinal is Vice’s new manager

"Officially today, hindi na po ako ang manager ni Vice. Ang ABS na po," announces Ogie Diaz (main photo) on his online show Vibes Tayo today, confirming the rumors that he is no longer Vice Ganda’s (inset) manager. The box-office comedian is now handled by Deo Endrinal, ABS-CBN business unit head.


Kinumpirma ng komedyante, TV-radio personality, showbiz columnist, at talent manager na si Ogie Diaz ngayong araw, November 22, sa kanyang online show na Vibes Tayo, ang usap-usapang wala na sa poder niya ang comedian na si Vice Ganda.

Sinimulan ni Ogie ang pagpapahayag ng paghingi muna ng paumanhin sa hindi niya pagsagot sa mga nagtanong tungkol sa usap-usapang wala na sa kaniyang poder ang mainit na komedyanteng si Vice Ganda.

SORRY FIRST. Kasama sa mga pinagpaumanhinan ni Ogie ay ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagtanong sa kanya kahapon, November 21, through text and call, ngunit wala ngang sagot na nakuha mula sa kanya.

"Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot, e," paliwanag ni Ogie.

Pagkatapos ay nagkuwento na siya kung paano sila naghiwalay ni Vice Ganda, na naging talent din niya ng apat na taon.

"Kanina nga ay nagkita kami ni Vice Ganda sa opisina ni Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN channel head].

"At sa harap ni Tita Cory kami ay nagkapaliwanagan, nagkapalitan ng panig ni Vice Ganda..."

MUTUALLY AGREED. Hindi na raw idedetalye pa ni Ogie sa kanyang show kung ano ang nangyari at kung ano ang pinag-usapan nilang tatlo, dahil nakakahiya naman daw kay Vice at kay Cory.

"So, nag-come up kami sa isang desisyon.

"And we have mutually agreed, kami ni Vice, na mag-separate na. Maghiwalay na.

"At siya ngayon ay being managed by ABS-CBN management.

"Hindi po Star Magic. ABS-CBN po.

"At ang hahawak kay Vice Ganda ay si Deo Endrinal for the network. For ABS-CBN.

"Si Deo Endrinal ay business unit head ng mga programang teleserye.

"Yung Ikaw Ay Pag-ibig, Budoy ni Gerald Anderson... Marami, yun ang mga hawak ni Deo.

"Si Kris Aquino rin, siya rin ang manager ni Kris Aquino.

"Si Kris Aquino na kaibigan din ni Vice," saad pa ni Ogie.

Desisyon daw talaga nilang dalawa ni Vice na maghiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Officially today, hindi na po ako ang manager ni Vice. Ang ABS na po," deklara ni Ogie.

Paliwanag naman ni Ogie kung bakit sila naghiwalay ng kanyang talent, "Kasi po, yun po ang tamang gawin, at yun po ang dapat at nararapat na maganap sa sitwasyon namin."

GOING BACK TO ACTING. Pagkatapos ay ibinalita ni Ogie na may gagawin siyang teleserye sa Kapamilya network na sa susunod na linggo na ang simula ng taping.

Nami-miss na rin daw kasi niya ang pag-arte.

Ang huling acting job niya ay noon pang sa Mutya, na nagtapos nung Mayo ng taong ito.

Si Deo pa nga raw ang nagbalita sa kanya ng gagawin niyang teleserye at nae-excite na nga raw siyang bumalik sa pag-arte.

BOTH HAPPY. Hindi na nagbigay pa ng detalye si Ogie sa kung ano ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng landas ni Vice.

Basta ang prinsipyo niya raw sa buhay, "Ang importante, masaya ako, masaya siya. Gano’n."

Kaya mula raw sa araw na ito, lahat ng darating na inquiries tungkol kay Vice ay ipo-forward na niya sa ABS-CBN at kay Deo Endrinal.

Pahayag pa ni Ogie, "Wish ko kay Vice, sana mas lumaki pa siyang artista.

"Sana matupad pa niya kung ano ang minimithi niya sa buhay.

"Habang ako rin, e, patuloy pa rin ang buhay."

AT LEAST NOT LIKE RAMGEN. Nakuha pang magbiro ng dating stand-up comedian tungkol sa kinauwian ng apat na taong pagsasama nila ni Vice bilang manager at talent.

"Kung ako magrereklamo pa dahil sa nangyari sa amin ni Vice Ganda, e, parang nakakahiya naman kina Genelyn Magsaysay, kay Ramgen, tsaka kay RJ, at kay Ramona.

"Mas gusto ko nang ito ang nangyari sa akin kesa dun sa Ramgen case, di ba?" natatawang biro ni Ogie.

"Hindi naman sa pinagkukumpara ko.

"Ibig sabihin, I’m still blessed. Vice is still blessed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ganun lang yun.

"Na kahit siya ay ima-manage ng ABS, go!

"Okey lang po sa akin. Walang problema.

"Hindi ho ako yung tipong nanghihinayang na, ’Shit, wala akong kontrata.’

"Hindi ho ganun, e.

"Ako ay naniniwala na kahit may kontrata ka, e, hindi rin naman masarap na magtrabaho na kahit may kontrata ka—pero yung talent, e, kunwari, hindi naman masaya.

"Nagtatrabaho, pero hindi masaya. ’Yon.

"Yung akin, mas makabubuti itong desisyon naming pareho.

"Para sa ikabubuti namin itong pareho."

Pakiusap ni Ogie sa mga nakatutok sa kanyang podcast, dapat intindihin na mutual agreement nila ni Vice ang kanilang paghihiwalay at hindi dapat kainisan ang dati niyang alaga.

Patuloy pa rin naman daw silang magtatrabaho ni Vice, dahil hanggang February ang mga trabahong tinanggap ng Showtime host/permanent judge sa kanya.

Makakatanggap pa rin daw siya ng mga porsiyento mula sa mga trabahong ibinigay niya kay Vice, pero hindi na raw siya tatanggap ng higit pa sa buwan na iyon.

"Ibibigay ko na lang po sa ABS yung mga yun," ani Ogie.

FRIENDSHIP NOT AFFECTED? Sinabi rin ni Ogie na hindi naman siguro maaapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Vice dahil sa nangyaring ito.

"Pero siyempre, kahit konti, meron na kami nung...kahit konti meron nang...nakakahiya.

"Na hihingi ako ng advice sa kanya o hihingi siya ng advice sa akin. Medyo may ano na yun.

"Hindi na rin kami madalas na magkikita."

May nagtanong daw sa kanya kung mag-aalaga pa rin ba siya ng talent na bakla.

"Oo naman. Kasi ang gusto kong ipakita, talented ang mga bakla," sagot ni Ogie.

Patuloy pa rin daw siya sa pagdiskubre ng magagaling na talents na hindi lang sa comedy bars makikita.

"Puwedeng sa mga school plays, kahit saan," aniya pa.

Patuloy pa rin daw siyang magma-manage ng talents na tulad nina Marissa Sanchez, Boom Labrusca, Lloyd Zaragoza, at Paolo Serrano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang bilin niya rin sa mga ito, since hindi nga raw uso sa kanila ang written contract: "Hoy kayo, ha. Wala tayong kontrata lahat.

"Basta kung maisipan n’yong magpaalam na sa akin, just let me know and I will let you go.’"

Basta ang importante raw para sa kanya ay masaya ang mga ito, kesa masaya siya, pero nasasakal naman sila as kanya.

HE IS JUST A GUIDE. Nagbigay rin ng kanyang huling "unsolicited advise" si Ogie kay Vice.

"Huwag lalaki ang ulo. Huwag aangat ang paa sa lupa.

"Kapag itinataas ka, mas lalo ka dapat magpakumbaba," saad niya.

May mga nagpapadala ng mensahe kay Ogie sa kanyang online show sa pamamagitan ng chatbox.

Ilan sa mga ito ay tila nanunumbat kay Vice, dahil kung hindi raw kay Ogie ay wala ito.

Kinontra naman ito ni Ogie.

"Hindi ko po masyadong i-credit sa akin lang, yung kung wala si Ogie Diaz, wala ring Vice Ganda. Hindi po.

"Ako po ay laging naniniwala na kahit nandiyan ako, kung wala kang talent, hindi ka talented, kung wala kang dating sa tao, kahit na nandiyan pa si Ogie Diaz, hindi ka nila tatangkilikin.

"Tinangkilik po si Vice dahil sa talent niya.

"Ako po ay nagsilbing guide lang," pahayag ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN