Showbiz insiders notice continuing rift between Nora Aunor and Charo Santos-Concio

Naiulat sa Facebook posts ng Nora fans ang umano’y "isnabang" naganap sa pagitan nina Nora and Charo, nang magkasabay silang dumalo sa Philippine Advertising Congress sa Camarines Sur noong November 17.


Nababalitang matindi pa rin daw ang iringan sa pagitan ng TV5 talent at superstar na si Nora Aunor at ang ABS-CBN president and host-actress na si Charo Santos-Concio.

Nag-ugat daw ito sa naging paglahad ni Nora ng kanyang mga saloobin laban sa pinuno ng Kapamilya Station at sa kapatid nitong si Ms. Malou Santos dahil sa "unpleasant working experiences" niya diumano, noong siya’y Kapamilya talent noong dekada ’90.

Nalathala ang mga pahayag ni Nora sa October 2011 issue ng Yes! Magazine. May kaukulang sagot din ang Dos, sa pamamagitan ng isa pang ABS-CBN executive, si Ms. Linggit Tan, sa nabanggit na issue.

Ngunit wala pang pahayag sa media, bilang sagot, ang magkapatid na Charo Santos-Concio at Malou Santos.

Tila wala ring anumang effort ang sinuman sa industriya na magkaroon ng dialogue sa pagitan nina Nora at ng kanyang mga kinasasamaan ng loob.

Bagama’t malayang nakikipag-usap si German Moreno, na tumatayong manager-adviser ni Nora, sa mga pinuno ng ABS-CBN station, walang pagbanggit si Kuya Germs hinggil sa anumang posibleng pagkakabati.

Para naman kay Boy Palma, ang tumatayong personal manager at schedule master ng superstar, ang damdamin ni Nora ang kanyang pinahahalagahan.

"I can’t insist nor dictate on her, on what to do, bilang pag-respeto din," banggit ni Boy Palma.

PHILIPPINE ADVERTISING CONGRESS SNUB. Samantala, naiulat daw sa Facebook posts ng Nora fans ang umano’y "isnabang" naganap sa pagitan nina Nora at Charo nang magkasabay silang dumalo sa Philippine Advertising Congress sa Camarines Sur noong November 17.

Si Boy Palma ang nag-kumpirma ng ginawang pag-iwas ni Ate Guy na magkaharap at aksidenteng magkabatian sila ni Charo sa domestic airport.

Ibig sabihin, hindi pa rin gusto ni Nora ang makipagbati sa mga pinuno ng ABS-CBN, kahit na ito’y hindi papunta sa pakikipag-trabaho o pagge-guest sa anumang programa ng ABS-CBN at ito’y papunta lang sa cordial relations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panig naman ni Charo Santos, naiulat sa PEP Alerts noong Nobyembre 23 ang obserbasyon na, diumano, hindi tumayo si Charo Santos kasabay ng kanyang mga katabi bilang pagpugay kay Nora Aunor sa parangal sa kanya ng 25th Star Awards for TV.

Pero may mga obserbasyon din, na sa mga pagkakataong nagpapalakpakan ang audience sa ilang punto ng acceptance speech ni Ate Guy, ay pumapalakpak din sa kanyang kinauupuan si Ma’am Charo at matamang nakikinig sa mahabang talumpati ng aktres.

Gayunpaman, hindi pa rin nagkaroon ng pagkakataon na magkalapit sina Charo at Nora kagabi, bagama’t pareho silang special awardees.

Nasa first row sina Charo Santos at Cory Vidanes, katabi nina Susan Roces at Kuya Germs.

Si Nora—at mga kasamang sina Boy Palma, Manay Glenda Kennedy, Albert Sunga—ay nasa backstage dressing room naman.

Lumabas lang ng entablado si Nora bilang presentor ng Hall of Fame award ng kaibigang TV host na si Boy Abunda ( Male Showbiz-Oriented Talk Show Host).

Ayon sa mga organizers ng nasabing awards night, ang ganoong "set-up" ay hindi raw kagustuhan ni Nora.

Bagkus ay desisyon ng produksiyon ni Ms. Tess Celestino, bilang "pag-sorpresa" kay Boy Abunda na si Ate Guy ang naatasan at buong-lugod na nag-present ng parangal ng kaibigang TV host.

Iniluklok din noong gabing iyon sa Hall of Fame, sa kategoryang Best Drama Anthology, ang Maalaala Mo Kaya? (MMK) ng ABS-CBN 2.

Ang parangal ay personal na tinanggap ng ABS-CBN president bilang host ng programa.

Hindi naman nagkaroon ng pagkakataong "ma-intriga" si Ate Guy sa acceptance speech ni Ma’am Charo, dahil tapos na ang parangal kay Nora at nakaalis na ang grupo nito nang parangalan si Charo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN