PEP EXCLUSIVE Rhian Ramos on being friends again with Mo Twister: "I was open to it in my brain before. Pero parang these days it’s hard to picture."

Rhian Ramos recently visited ex-boyfriend Mo Twister when he was confined in the hospital. Are they friends again?

"May concern ako and that’s on my part. Ganun akong klaseng tao. That doesn’t mean it’s mutual," she says.


Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian Ramos sa holding area ng cast ng pelikulang The Road, bago sila tuluyang lumabas para sa red carpet premiere nito.

Ang GMA Films movie ay nag-premiere sa SM Megamall Cinema 3 kagabi, November 25.

Inusisa ng PEP si Rhian tungkol sa kontrobersiyal na pahayag ni Mo Twister sa Juicy, gayundin sa mga kakaibang pahiwatig ng TV host-actor sa recent Twitter at Tumblr posts nito.

(CLICK HERE to read related story.)

Paano niya hina-handle ang muling pag-init ng isyu tungkol sa kanila ni Mo?

"I don’t know. Ako kasi I try to think the way the person thinks.

"Parang iniintindi ko kung anong klaseng tao ba siya o ano kaya yung iniisip niya kung bakit kailangan niyang gawin yung mga bagay na feeling niya kailangan niyang gawin.

"Tapos iniintindi ko na lang imbes na magalit pa ako. Kasi dati madali akong magalit sa mga ganun.

"Parang medyo may pikon factor ako.

"Pero these days parang I realize nga na ginagawa ko rin yun sa sarili ko na parang pag nadi-disappoint ako or nagagalit ako, kasalanan ko rin kasi dapat hindi ako mag-expect sa tao ng more than what they can do.

"Kung ganitong tao lang sila, ganitong tao lang sila. Hindi ako kailangan mag-expect ng ganitong klaseng tao," paliwanag ni Rhian.

STILL NOT FRIENDS. Ayon kay Mo, nung magkasakit siya at ma-ospital kamakailan ay dinalaw siya ni Rhian. Totoo ba ito?

"Oo pinuntahan ko siya. Kasi naman, siyempre, hindi naman mawawala yung concern ko.

"And I wanted to see lang kung okay siya, mukhang okay na at healthy pa."

Sa pagdalaw niya kay Mo, masasabi ba niya na magkaibigan na sila ngayon?

"No. I mean...hindi ko alam."

Ano ang ibig sabihin ng pagdalaw niya kay Mo? Hindi pa ba ito senyas ng pagiging magkaibigan ulit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May concern ako and that’s on my part. Ganun akong klaseng tao. That doesn’t mean it’s mutual."

Kung ganun ang sinasabi niya, paano niya ilalarawan ang relationship nila ni Mo ngayon?

"Wala, I don’t know. We’re not even friends nga. Kasi hindi rin kami nag-uusap e. Nag-uusap kami if necessary, ganun."

Kung hindi sila madalas mag-usap, paano niya nalaman na nasa ospital si Mo?

"E, kasi tweet siya nang tweet na may sakit daw siya, na ganito yung nangyayari sa kanya.

"Hindi ko naman siya pina-follow sa Twitter, pero most of the time pino-forward sa akin ng ibang followers ko.

"Ita-tag nila ako sa ibang tweet niya, so nababasa ko rin.

"Parang kahit hindi mo sinasadya dumarating pa rin. So, parang naisip ko, why not visit him to see if he’s okay?

"E, pumayag naman siya. After ng presscon ng The Road last week dumalaw ako.

"Kasi doon ako nagka-free time. Yun ang araw na nagkaroon ng arresting order kay GMA (Representative Gloria Macapagal Arroyo).

"So, pagkatapos ng presscon doon ako dumalaw."

Pero nakikita ba niyang pagdating ng araw ay pwede silang maging magkaibigan ni Mo?

"I don’t know. I was open to it in my brain before.

"Pero parang these days it’s hard to picture. Parang hindi ko ma-picture."

MO QUITTING SHOWBIZ? May pahayag si Mo sa Juicy tungkol sa naging buhay niya pagkatapos ng breakup nila ni Rhian: "It’s been a dark existence, a very sad existence."

Ano ang masasabi ni Rhian dito?

"Nabalitaan ko nga. Yun ang sabi niya, e."

Hindi siya apektado rito?

"I don’t know. I mean, lahat ng klase ng tao pag nabasa yun, iba-iba rin yung magiging opinyon, di ba?

"Iba-iba rin yung magiging reaksyon kung they will take it how it is or hindi sila naniniwala, parang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For me, ewan ko, parang ayoko na lang makialam."

Ano ang komentaryo niya sa balitang may balak umano si Mo na iwan na ang showbiz at manirahan na lang sa abroad?

"I don’t know. Ayoko talagang makialam e.

"I don’t wanna comment on his decision right now. Not right now.

"I don’t know if there will come a day na parang...basta feeling ko it’s not necessary right now na magbigay ako ng opinyon ko tungkol sa choices niya."

DEEPER PROBLEM. Naging problema nila noon ang pagtu-tweet ni Mo tungkol sa mga nangyayari sa kanilang relasyon. Ito ba talaga ang malaking dahilan ng breakup nila?

"Actually, akala ng mga tao yun ang naging problema.

"Akala nila. Pero may mas malalim na problema doon.

"Sinabi ko yun noon pa—never kong pinag-usapan in detail. All I said is it’s the tip of the iceberg.

"Akala n’yo alam n’yo pero hindi n’yo alam. There’s more to it.

"And parang I’m not willing right now to share my side of it.

"Parang I feel like I entered something personal and I didn’t want it to become a freak show.

"Parang I didn’t do that to entertain people. I did that because I’m a sincere person.

"I have real feelings.

"So, I didn’t enter a relationship to make some kind of show or to entertain them or to make them happy or sad or to make awa with me. That’s not my purpose."

Hindi direktang nagkomento si Rhian sa tila ipinahihiwatig ni Mo sa Twitter at Tumblr posts nito tungkol sa sinasabing abortion.

Pero nagkomento naman ang aktres sa pangkalahatang kontrobersyal na posts ni Mo sa iba’t-ibang social networking sites.

"I don’t want to take it too seriously kasi I just want to understand...parang I’ve learned na rin to understand people and the kind of people they are.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ganun na lang, na ayoko na lang ma-disappoint kasi iniintindi ko na lang kung anong klaseng tao siya.

"Bakit ako mag-e-expect ng more? Bakit ako mag-e-expect na ibang tao siya kung ganun siya?

"Parang ako lang din naman ang maa-upset," makahulugang sabi ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN