Cristina Decena on rumored split with Ariel Villasanta: "Hindi naman muntik na kaming maghiwalay...Nagtampuhan lang."

Ano ba ang naging dahilan ng tampuhan nina Cristina Decena (right) at Ariel Villasanta (left)?

"E, kasi hindi niya ako pinapansin no’ng nasa ospital siya, e," Cristina says. "Ayaw niyang magpaalaga. Ayaw niyang magpapunas. Gusto niya siya lang mag-isa. Kaya sabi ko...kung gusto mong mag-isa, sige iiwanan kita." And she went to Hong Kong for a few days.


Naudlot ang kasal nina Cristina Decena at TV host-comedian Ariel Villasanta na gaganapin sana sa Amerika.

Ikaapat na beses na sana ito matapos silang pakasal, una sa Hongkong, sunod sa Thailand, at ikatlo sa Japan.

Kuwento ni Cristina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)...

"Kasi ’yong U.S. visa ni Ariel, di ba na-Ondoy? Parang nag-blurred ’yong picture niya.

"So ang ginawa ko muna, pina-check ko sa U.S. Embassy kung tatanggapin. E, hindi na pala puwede kapag gano’n.

"Mabuti at naipa-check ko kundi mai-airport to airport siya," ang sabi ni Cristina.

"So inaayos namin ngayon ang visa niya. Ang interview niya, December 23.

"’Pag nagkaroon na siya ng visa, aalis kami bago mag-bagong taon. Sa Las Vegas kami magpapakasal."

Dapat sana ay tatanggap din siya ng parangal na Best In Business at Best In Financing sa Gawad-Amerika Awards na in-organize ng isang Filipino Community sa U.S. para sa mga matatagumpay na negosyanteng Pinoy.

Hindi nga natuloy ang pagbiyahe nila ni Ariel kaya isang representative na lang niya ang nag-accept nito on her behalf.

Palapit na ang holiday season. Ano ang plano nila ni Ariel?

"Kung magkaka-visa nga siya, sa U.S. kami mag-spend ng holiday season. Kung hindi naman, baka pumunta kami sa Japan."

JUST A TIFF. May intrigang nag-away daw sila ni Ariel kamakailan na muntik nang humantong sa hiwalayan. Pahayag ni Cristina tungkol dito...

"Sa buhay ng mag-asawa laging may kasamang tampuhan, di ba?

"Nagkatampuhan kami ng limang araw. Pumunta ako ng Hongkong. Pero nagkaayos naman kami agad.

"Nag-usap kami pagbalik ko ng Pilipinas.

"Na-hospitalized kasi si Ariel no’ng All Saints’ Day dahil bumaba ang kanyang potassium.

"Tapos sa kakainom ng gamot, nagkulang siya ng tubig sa katawan.

"Tapos nag-check out siyang mag-isa. Kasi nilayasan ko nga at nagpunta ako sa Hongkong.

"Tapos pagbalik ko dito, do’n na siya sa Provident Village [kung saan naroon ang bahay ni Ariel] nakatira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then sabi ko, pupunta ako ng Amerika, kung gusto niya, kumuha siya ng mga damit sa bahay [nila ni Ariel].

"Tapos nang kukuha na siya ng damit sa bahay kasi kahit daw isang brief wala siya, ’yon... nag-usap kami.

"No’ng nag-usap kami, nagkaintindihan naman kami.

"Hindi naman muntik na kaming maghiwalay. Wala namang gano’n!" mariing paglilinaw ni Cristina.

"Nagtampuhan lang."

ARIEL WANTED TO BE ALONE. Ano ba ang naging dahilan ng tampuhan nilang ’yon?

"E, kasi hindi niya ako pinapansin no’ng nasa ospital siya, e.

"Ayaw niyang magpaalaga. Ayaw niyang magpapunas. Gusto niya siya lang mag-isa," Cristina says.

"Kaya sabi ko...kung gusto mong mag-isa, sige iiwanan kita.

"Diyan kang mag-isa mo. Kaya umalis ako.

"Napikon ako. Na...maysakit siya, ayaw niyang nando’n ako sa tabi niya.

"Katwiran niya, mabaho raw siya. Hindi raw siya nagtu-toothbrush. Hindi siya naliligo. Kaya ayaw raw niyang nando’n ako sa tabi niya.

"Nilayasan ko siya para ma-realize niya kung papaano kung wala ako.

"Kasi ang isang tao, kapag nawala sa ’yo, do’n mo lang mari-realize kung gaano ka-importante, di ba?

"Nang magkabati kami, mas naging sweet naman kami sa isa’t isa.

"Kaya lang, parang ngayon pa lang kami nagkakakilala, e.

"Kasi di ba...nagpakasal kami agad? So ngayon pa lang namin napag-aaralan ang ugali ng isa’t isa.


"Pero ideal man naman si Ariel. Kasi wala siyang bisyo.

"Hindi siya umiinom. Hindi naninigarilyo. Walang barkada.

"Ako lang din ang mundo niya.

"Kaya lang minsan, nagkakaroon ng tampuhan. Hindi mawawala sa mag-asawa iyon, e."

LIKE TEENAGERS. Si Ariel, nangingiti nang siya naman ang matanong hinggil sa naging tampuhan nila ni Cristina na ipinang-iintrigang muntk na raw naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

"Alam mo ganito, ha... mahirap palang magtampo ’yong Baby Love [tawag niya kay Cristina] ko.

"’Pag nagtatampo pala ’yan, bumibili ng Rolex!" natawang biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para tuloy gusto kong buwan-buwan, magtampuhan kami!" sabay tawa ni Ariel.

Ano naman ang ibinigay niyang peace offering?

"Ako naman, ang laging ibinibigay ko...love. At saka binigyan ko siya ng Hermes scarf.

"And siguro maganda rin ’yong minsan e nagkakatampuhan kayo para mas lalo kayong magkakilalang mabuti.

"Kaya naman umabot ng ilang araw bago kami nagkabati, kasi pumunta siya ng Hongkong, e."

E, bakit nga pala sa Provident Village siya umuwi at hindi sa bahay nila ni Cristina pagkalabas niya ng ospital?

"Kasi kapag wala siya roon, ayokong umuwi roon. Basta gano’n.

"Na kapag wala siya roon, wala rin ako roon.

"Hindi lang kasi kami nagkaintindihan no’ng time na nasa hospital ako," ang sabi ni Ariel.

"Siyempre kapag may sakit ka, medyo irritable ka.

"Pero hindi ako aware na nami-misinterpret niya at nagtatampo na pala siya.

"Hindi ko alam na sumasama na ang loob niya.

"Kapag may sakit kasi ako, gusto ko pumikit lang ako at matulog o magpahinga.

"Tapos akala niya ipinasara ko ’yong pinto ng kuwarto sa ospital habang nasa parang sala siya.

"Hindi niya alam, naisara lang no’ng driver ko.


"Gano’n kababaw lang. Na...hindi lang nga kasi kami nagkaintindihan.

"Para kaming mga teenager, di ba?" natatawang sabi pa ni Ariel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN