Carmina Villarroel open to meeting with three networks: "Open naman kami na makipag-meet sa mga istasyon. But you know, it’s just meeting."

Isang hindi makakalimutang eksena sa pelikulang The Road ay ang pagpapakain kay Carmina Villarroel ng buhangin ng asawa niya, na ginagampanan ni Marvin Agustin. Paano siya napapayag gawin ito?

"Eww talaga," sabay tawa ni Carmina. "Pero hindi naman siya totoong buhangin. Very thankful ako kasi merong ginawa si Direk Yam [Laranas] na para siyang mixture ng oatmeal na may chocolate powder. Masarap siya."



Aminado si Carmina Villarroel na excited siya sa pelikula ng GMA Films, ang The Road, na ipapalabas na sa Nobyembre 30.

Aniya, ito kasi ang comeback movie niya matapos ang ilang taon ding hindi siya napanood sa big screen.

"Na-excite ako sa pelikulang ito. Honestly, na-miss kong gumawa ng pelikula, period.

"It doesn’t matter kung drama, horror, comedy. Excited na ako.

"Gusto ko na ngang lumabas doon, e.

"Gusto ko nang mapanood yung buong pelikula, especially ang dami kong naririnig na magagandang feedback.

"Not only sa akin, kundi sa buong pelikula.

"So, sobra akong happy, sobra akong proud na naging part ako nitong movie na ito," sabi ni Carmina.

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina sa holding area ng cast ng The Road bago sila lumabas sa red carpet premiere ng naturang horror movie.

Ginanap ang premiere sa SM Megamall Cinema 3 kagabi, Nobyembre 25.

Ayon kay Carmina, ang Mano Po 2: My Home, na 2003 pa ipinalabas, ang huling pelikulang ginawa niya.

"Di ba ang tagal na? Kasi nga there was a time na hindi ako makagawa ng pelikula dahil sunud-sunod yung shows ko sa TV.

"Pag may soap ka, tapos may daily show ka pa, at may iba ka pang show, wala ka nang maibibigay na araw.

"So, talagang nag-lay low muna ako sa paggawa ng pelikula.

"Eto, timing naman kasi GMA Films, so nakakapag-coordinate sila sa TV pagdating sa schedule ko.

"Pahiram muna, ganyan. Ilang shooting days lang naman kasi konti lang yung role ko dito pero malaman."



CHALLENGING ROLE. Ginagampanan ni Carmina sa The Road ang malupit na nanay ng batang aktor na si Renz Valerio.

"Challenging yung role kaya kahit maliit lang siya, malaman at importante.

"Kasi di ba kung wala ako, ano na, di ba? Ano na ang mangyayari sa character ng anak ko, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa raw sa hindi niya makakalimutang eksena na dapat ding abangan ng mga manonood ay ang pagpapakain sa kanya ng buhangin ng asawa niya sa pelikula.

Si Marvin Agustin ang gumaganap sa papel na asawa niya. Paano siya napapayag gawin ito?

"Eww talaga," sabay tawa ng aktres.

"Pero hindi naman siya totoong buhangin.

"Very thankful ako kasi merong ginawa si Direk Yam [Laranas] na para siyang mixture ng oatmeal na may chocolate powder.

"Masarap siya."

Pero kahit na nga raw pekeng buhangin yun, tinotoo pa rin daw ni Marvin ang eksena.

"Pag pinanood mo sa movie, talagang mapapaisip ka.

"Kasi di ba, talagang ginanun-ganun ni Marvin sa bibig ko.

"Kaya talagang parang totoong-totoo kasi talagang hindi naman naging careful si Marvin na parang kailangan dahan-dahan.

"Kumbaga si Marvin, ’Gawin na natin nang tama para tapos na.’

"Kaya nga sabi ko, very lucky din ako dahil ang mga nakatrabaho ko very professional din."

WORKING WITH DIREK YAM. Kumusta naman katrabaho si Direk Yam?

"Ay, ang galing. Alam mo yung sobrang love ko na siya.

"Kung pwede lang sa lahat ng pelikula ko lagi ko siyang makakasama.

"So professional, lahat maayos. Magaling, e, may sistema.

"Ang maganda kasi sa kanya, siya yung direktor, siya yung photographer, siya yung writer.

"So, he knows the script inside out. So, kahit nakapikit yata siya alam niya.

"He knows what he wants. At alam niya lahat ng characters.

"Kasi pag nagtanong ka, may sagot siya. Mas naiintindihan niya.

"Kaya siguro lahat kami nagawa namin nang maayos, nagawa namin nang tama kasi dahil din sa kanya yun.

"Kasi nga talagang na-e-explain niya yung istorya. And he’s very open.

"Kasi nga, halimbawa ganitong atake yung gusto ko, ’Sige, gawin mo kung ano yung napi-feel mo.’ He’s very open [to] ideas."



TRANSFERRING TO ANOTHER NETWORK? Hindi rin pinaligtas ng PEP si Carmina sa mainit na isyu ng diumano’y paglipat niya sa ibang istasyon mula sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon kasi ay tanging Pepito Manaloto ang existing show niya sa Kapuso network at Day Off naman sa sister station nitong GMA News TV.

Wala pa ba siyang susunod na projects?

"Sa ngayon wala pa. Kasi katatapos lang ng Pahiram ng Isang Ina. Sa ngayon, tuluy-tuloy lang yung Day Off at saka yung Pepito Manaloto."

So, ibig sabihin mag-stay muna siya sa GMA-7?

"Nasa kanila pa naman ako. Hanggang December 31 pa yung contract ko.

"Up to this year, sa kanila pa rin ako. Kung ano ang mangyayari next year, hindi ko pa talaga alam."

Hindi naman idine-deny ni Carmina na since patapos na ang kontrata niya sa GMA ay nakikipag-meeting din siya sa ibang TV networks—sa ABS-CBN at TV5.

"Open naman kami na makipag-meet sa mga istasyon. But you know, it’s just meeting.

"Meeting pa lang naman ang lahat.

"And I think parang entitled naman lahat na i-open ang sarili sa lahat ng possibilities.

"Tinitignan lang namin ni Tita Dolor [Guevarra, manager niya] kung ano bang pwedeng maibigay sa amin ng ibang istasyon."

Pero wala bang projects na nakalaan sa kanya ang GMA-7? Wala pa bang counter-offers ang home network niya?

"Meron naman, nag-offer na rin sila. Pero sa ngayon, iniisip pa namin ang lahat.

"Kaya ayaw muna naming pagtuunan talaga ng pansin, kasi okay naman kami sa GMA.

"So, parang bahala na."

Kailan kaya siya magiging sure sa desisyon niya?

"Hindi ko pa alam e. Pero, siyempre, malalaman n’yo rin naman yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN