Andi Eigenmann on being a single mother: "I don’t see any reason why I should feel incomplete."

"Lahat ng mga pinagdaanan ko dati, kahit na nasaktan man ako, worth it lahat yun. Kasi, kahit nangyari yun sa akin, ang dami pa rin nandiyan na nagparamdam na hindi naman ako masamang tao," says new mom Andi Eigenmann.


Karga-karga ni Andi Eigenmann ang anak na si Adrianna Gabriellie sa kanyang hospital room nang makapanayam siya ng The Buzz kahapon, November 27.

Ikinuwento ni Andi ang kanyang panganganak at kung bakit siya kinailangang sumailalim sa Caesarean operation.

Ayon kay Andi, "My doctor said I have to deliver my baby through a Caesarean [delivery] because I might not have enough time to go [into] labor.

"Tapos, true enough, I was told na meron siyang cord coil kaya ayaw niyang bumaba.

"Luckily, I said yes."

Eksaktong 5:02 p.m. noong November 23 isinilang ni Andi si Adrianna Gabriellie na may timbang na 7.8 lbs.

Dahil naka-general anesthesia siya, hindi raw namalayan ni Andi na inilalabas na pala ang baby niya sa kanyang sinapupunan.

Kuwento niya, "Nakapikit lang ako. Tapos numb yung feeling.

"Akala ko, nagpi-prepare pa lang sila. Nararamdaman ko pa ang pag-touch nila sa tiyan ko.

"Tapos, maya-maya, lumabas na yung baby.

"Yun pala, yun na yun. Wala akong na-feel.

"Tapos noong ipinatong siya sa akin, yun, naiyak na ako."

Nakikita ba niya ang mukha niya sa anak? Ang mukha ng Eigenmann?

"Oo naman," mabilis na sagot ng young actress.

"Face ko lang, ’no? Walang iba. Sa side ko lang ’yan."

Dugtong pa ni Andi, "I don’t see any reason why I should feel incomplete.

"Ngayon wala pa siyang ginagawa, palagi pa lang siyang natutulog. Sobrang bait niya.

"Umiiyak lang siya kapag umaga. But most of the time, she’s always sleeping.

"So, masaya ako, hindi ako nai-stress.

"Kasi, kapag umiiyak siya, kinakabahan ako, e.

"I don’t have to give a message pa for her to know that I love her."

Naging emosyunal naman si Andi at hindi maiwasang maluha habang nagpapasalamat, lalo na sa kanyang mga magulang at pamilya na sumusuporta at palaging nasa tabi niya.

Pahayag niya: "I’m so happy and thankful [to] my family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They are all here for me. They are also excited.

"I’ve been here for four days...I don’t care if I don’t get enough sleep.

"It’s so overwhelming that I never run out of visitors, [it’s] nice to know that a lot of people are there for me.

"They are just supporting me, no matter what.

"Lahat ng mga pinagdaanan ko dati, kahit na nasaktan man ako, worth it lahat yun.

"Kasi, kahit nangyari yun sa akin, ang dami pa rin nandiyan na nagparamdam na hindi naman ako masamang tao.

"Mommy, Dad, thank you so much for supporting me always.

"Most of all, for showing that you love me and for not making me doubt that you’re going to be there for me and that I can run to you guys, no matter what, for anything."

Kahapon din, November 27, ay nakauwi na sa kanilang bahay si Andi at ang kanyang baby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN