Joseph Bitangcol surprised by unexpected financial help from colleagues in showbiz

Joseph Bitangcol describes the changes in his life after the accident: "Parang mas nag-mature na [ako] sa decision-making. Inaalam ko muna ang mga priority ko sa buhay. Hindi lang sa showbiz, kung hindi sa personal na buhay, sa family. More focused ako sa kung ano ang goal ko at hindi sa kung anu-ano pa... Siyempre, hindi na rin bumabata at hindi natin alam kung kailan kukuhanin ang buhay natin dahil pinahiram lang."


Tatlong buwan na rin ang nakalilipas mula nang maaksidente ang young actor na si Joseph Bitangcol.

Ang mukha niya ang napuruhan nang husto sa nangyaring aksidente sa kanila ng kanyang mga kaibigan noong August 10, 2011 sa Antipolo, Rizal.

(CLICK HERE to read related story.)

Nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joseph sa press conference ng indie film na Crossroads, sa Max’s restaurant sa Scout Tuason, Quezon City, noong Nobyemre 24.

Kung hindi sisipatin nang mabuti ang naging tahi sa mukha niya, hindi agad mapapansin ang grabeng pinsalang inabot nito.

Ayon kay Joseph, okay naman siya ngayon at nagpapasalamat din siya dahil nakakapagtrabaho na siyang muli.

"Three months na rin po since naaksidente ako.

"Pero nagpapasalamat din po ako dahil kahit paano, kahit pakonti-konti, nakakapagtrabaho na rin pong muli."

MGA OPERASYON SA MUKHA AT KAMAY. Ano ba ang ginawang operasyon sa kanya pagkatapos ng aksidente?

Lahad ni Joseph, "Ito pong baba ko, nahati.

"Kaya hindi po masyadong pansin, kasi wala po siyang tahi dito sa labas, sa loob po.

"Bale noong umangat ang panga ko, sa loob po nila binuksan, hinatak nila para ibalik ang panga.

"Tapos, may titanium na letter T sa baba ko para masakop niya ang tatlong parts na nahati ng buto ko.

"Kasi, parang naghiwa-hiwalay siya sa tatlong piraso.

"Then, dito po sa right face ko, binuksan."

Dalawang buwan ding na-confine sa hospital si Joseph. Doon daw naoperahan ang kamay niya.

Pero sa mukha niya, ang sponsor na raw niyang Faces and Curves ang pinili niyang mag-opera nito.

MORE THAN HALF A MILLION PESOS. Ayon pa kay Joseph, more than half a million pesos daw ang nagastos niya sa kanyang pagpapagamot.

Pero nagpapasalamat siya dahil alam daw niyang marami rin ang tumulong sa kanya, lalo na sa mga kasamahan niyang artista.

Pahayag ni Joseph, "Naririnig ko kahit noong nasa hospital ’ko yung mga tumutulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo nare-relax na rin ako noon at wala na akong masyadong alalahanin.

"Hindi kagaya noong first two days, three days, parang sabi ko, ’Ma, paopera n’yo na ako. Huwag n’yo na akong patagalin dito para hindi na lumaki ang gastos.’ Gumagano’n talaga ako.

"Kasi, lalaki ang gastos. E, hindi naman ganoon kalaki ang hawak namin, sakto lang.

"Kapag tumagal ako sa hospital, mahihirapan talaga kami."

THE PEOPLE WHO HELPED. Tinanong namin kay Joseph kung sino sa mga kaibigan niya sa showbiz ang nagbigay ng tulong sa kanya.

Aniya, "Sa showbiz friends, marami po talaga.

"Yung SCQ [Star Circle Quest], like sa mga benefit shows, sila ang mga unang nakaisip.

"Yung family ko sa Lokomoko [gag show sa TV5], lahat ’yan dumalaw, lahat ng staff.

"Tapos, bumuo rin sila ng benefit shows.

"Pati mga unexpected na tao... Si Piolo [Pascual], nagulat ako, bakit tutulong kahit hindi ko naman siya ganoon ka-close.

"Si Willie Revillame, Eat Bulaga! family...Parang nakakatuwa kasi iba-ibang istasyon pa.

"Si Senator Bong Revilla, si Mayor Herbert Bautista...nakakatuwa."

Patuloy ni Joseph, "Noong time na yun, parang gusto kong umiyak. Parang ang daming nagpakita ng concern nila.

"Parang naramdaman ko na maraming nagmamahal sa akin at, yun nga, makikilala mo rin siyempre kung sino yung totoo, kung sino ang hindi.

"Yung iba, nakakatuwa, pupunta doon kahit konti lang ang iaabot nila.

"Actually, kahit dumalaw lang, kahit hindi mag-abot, e. Pero alam mo na wala siya, pero nagbigay.

"Thankful ako dahil doon ko nalaman na marami palang nagmamahal sa akin."

May kasamang limang kaibigan si Joseph sa loob ng kotse, pero sa kanilang lahat siya ang pinaka-grabe ang inabot na pinsala.

Nagdemanda rin daw sila sa may-ari ng truck na nakabangga sa kanila.

Nakulong daw ang driver ng truck, pero nakalabas din ito tatlong araw pagkatapos makapagpiyansa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pagkatapos nito ay hindi na nila na-pursue pa ang kaso.

CHANGES IN OUTLOOK. Dahil daw sa nangyaring aksidente, may mga nabago sa kanya, lalo na sa outlook niya sa buhay.

Sambit ni Joseph, "Second life.

"Parang mas nag-mature na [ako] sa decision-making.

"Inaalam ko muna ang mga priority ko sa buhay. Hindi lang sa showbiz, kung hindi sa personal na buhay, sa family.

"More focused ako sa kung ano ang goal ko at hindi sa kung anu-ano pa.

"Mas nag-mature na lang talaga sa decision-making.

"Siyempre, hindi na rin bumabata at hindi natin alam kung kailan kukuhanin ang buhay natin dahil pinahiram lang."

SANDARA PARK. Kinumusta rin ng PEP kay Joseph ang ex-girlfriend niya na si Sandara Park, na isa na ngayong sikat na pop star bilang member ng grupong 2NE1 sa Korea.

May communication pa ba sila at dinalaw ba siya nito noong huling umuwi dahil sa pagka-aksidente niya?

Paglilinaw ni Joseph, mas nauna raw ang concert ni Sandara at ng grupo nito sa Araneta Coliseum bago siya naaksidente.

Kuwento niya, "Binigyan naman kami ng tickets, kaming Star Circle na magkaka-batch.

"Tapos, binigyan din niya ng tickets ang mga kapatid ko, mommy ko.

"So, yun, parang inimbitahan niya ang family ko. Pumunta rin ako.

"Nagkaka-text naman kami dati, kaya lang, nagpalit ng number. Sa Facebook lang."

May panghihinayang ba siya na hindi natuloy ang relasyon nila?

"Okay lang," sabi ni Joseph.

"Actually, hindi naman natin alam ang mangyayari.

"Actually, isa siya sa pinaka-okay na naging ex ko.

"Sobrang grabe ang nangyari sa career niya. Sobrang happy ako sa kanya.

"Pero yung time na yun, bata pa kami, medyo immature pa.

"Malay natin. Parang hindi naman tayo sigurado kung ano ang mangyayari, pero proud ako sa kanya."

CROSSROADS. Ang indie film na Crossroads—kunsaan kasama rin sa cast sina Mercedes Cabral at Felix Roco—ang nagsisilbing comeback film ni Joseph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumatalakay ito sa RH Bill kaya suportado ito ng Population Commission (Popcom) ng gobyerno.

Hindi pa raw alam ni Joseph kung mailalabas ang Crossroads sa mga commercial theaters.

Ang sigurado raw, iikot ito sa iba’t ibang eskuwelahan at magkakaroon din ng premiere sa ilang sinehan.

Ang role niya rito ay isang lalaking nakabuntis matapos ng isang one-night stand.

"Ako rito si Alex, happy-go-lucky guy. Nakabuntis.

"Ayaw ng obligasyon. Parang gusto niya puro pasarap, enjoy.

"So, noong...yun nga, nakabuntis siya, hiniwalayan niya.

"Parang nabigla. Gusto niya, mga bagong girls ulit.

"Parang ganoon din ang nangyari, gusto niyang magpaka-mature, ayusin ang buhay niya."

Biro namin kay Joseph, para palang real life.

Kuwento kasi niya, noon daw ay may dalawang babae rin na nag-claim na anak niya ang mga dinadala nito.

Natawa si Joseph.

Ayon sa young actor, hindi na rin naman tumawag o kumontak pang muli ang mga ito sa kanya.

"Parang nawala rin naman po.

"Ako naman, confident naman ako na hindi.

"Noong time kasi na yun, bata pa. Party-party.

"Parang porke’t hindi lang ako magpapakita, ite-text nila ako.

"Parang, ’delayed ako...’ mga ganoon.

"Sabi ko, ’Alam ko ang ginawa ko that day.’"

Kung sakaling may mag-claim naman daw muli na siya ang ama ng dinadala nito, hindi raw niya itatanggi.

Pero ipapa-DNA test muna raw siguro niya ang bata para sigurado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN