Boy Abunda on KC Concepcion-Piolo Pascual breakup: "Lahat sabihin pa natin na meron tayong alam, but we will never know. We will never know all the details."

Boy Abunda on being elevated to the Hall of Fame at the Star Awards for TV: "You know, it’s not something like I’m going to retire after the 15 trophies for 15 consecutive years. It’s exciting. Pero nakaka...of course it’s flattering. Na parang kapag tinitingnan mo, when you look back, parang...with humility, parang ’Did I do it? Paano ko ba nagawa iyon?’"


Si Boy Abunda ang nagsagawa ng tell-all interview kay KC Concepcion na umere sa The Buzz noong Linggo, Nobyembre 27.

Sa naturang interview inamin ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na break na sila ni Piolo Pascual.

Pero lalong nakapagpaapoy ng kontrobresiya sa hiwalayan nina KC at Piolo ang hindi pagsabi ng young actress-TV host ng tunay na dahilan ng kanilang split up.

Dahil dito, maraming naiwang katanungan, katulad ng kung ano ang ibig ipahiwatig ni KC sa kanyang mga pahayag.

(CLICK HERE to read related story.)

HONORING THEIR PAIN. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Boy, tinanong namin kung ano ang naging pakiramdam niya habang isinasagawa ang interview kay KC.

Saad ng veteran TV host, "Ako, kapag nag-i-interview ako, nagre-reasearch ako [before] I ask my questions.

"And...nalulungkot ako. Any kind of separation is malungkot.

"Any kind of separation, ’ika nga, in quotes, is bloody.

"There is no separation that is a smiling goodbye.

"Although there are separations like, a...halimbawa ’yong kay Demi Moore [at Ashton Kutcher] na napakadisente nila.

"They announced the separation nang magkatabi. Ang galing, ’no?

"Uhm...pero masakit pa rin. Masakit pa rin.

"And it takes two to tango..."

Dagdag pa ni Boy, "I’ve heard the side of KC...Mahal na mahal ko si KC Concepcion.

"Uhm...sila lang ni Piolo ang nakakaalam ng lahat ng detalye.

"Lahat sabihin pa natin na meron tayong alam, but we will never know.

"We will never know all the details.

"Kaya I honor the pain of both.

"At hindi tayo nasa isang lugar para sabihin, ’Ay, sa timbangan ng kasalanan, mas marami ang kasalanan ni...’

"Ayoko.

"I wanna listen. I wanna honor the pain of both."

Pakikinggan lang niya kung ano ang sasabihin nina KC at Piolo?

"Oo. That’ my job as an interviewer," sagot ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sinisiguro ko na karamihan, kung hindi man lahat ng aking mga interviews sa mga ganyang delikadong interviews, itinatanong ko ang lahat ng tanong ng dapat itanong."

Kukunin din ba niya ang panig ni Piolo?

"That’s Piolo’s decision...I don’t know."

Pero susubukan niyang kunin ang panig ni Piolo?

"Oo naman. Bukas kami [sa The Buzz]. Bukas kami sa side ni Piolo.

"But, you know, hindi lang naman ako ang interviewer.

"But, bukas kami para kay PJ [palayaw ni Piolo]," diin ni Boy.

HALL OF FAME. Sa 25th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ay ginawaran na ng Hall Of Fame Award si Boy.

Ito ay kaugnay ng 15 consecutive years ng pagkapanalo niya as Best Showbiz Talk Show Host.

Siyempre pa, nag-uumapaw ang kaligayahan niya dahil dito.

Ani Boy, "Sabi ko nga, the best is yet to come.

"You know, it’s not something like I’m going to retire after the 15 trophies for 15 consecutive years.

"It’s exciting. Pero nakaka...of course it’s flattering.

"Na parang kapag tinitingnan mo, when you look back, parang...with humility, parang ’Did I do it? Paano ko ba nagawa iyon?’

"Kasi hindi ka naman nagbibilang na...Last year actually, do’n ko lang naramdaman na, ’Ay, naka-15 [trophies na ako]!’

"This is the best about Star Awards.

"Kasi ang kanilang Hall of Fame is hard. You have to win it 15...consecutive years!

"Kapag naputol, magbibilang ka na naman ng 15.

"Di ba, nakaka-excite?

"Pero no’ng nasa entablado na ako, sabi ko, ’Ano ba ito? Hindi na ako manu-nominate.’

"But I’ve realized that I have other shows, like Bottom Line.

"Excited talaga ako kasi aside from that victory, parang, ’Wow, it’s nominated.’

"At isa sa dalawang shows ng ABS-CBN na nominated sa Singapore...sa Asian Television Awards [for Best talk Show].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na nagba-validate do’n sa pagkakapanalo sa Star Awards.

"Tapos, nominated din si Angel Aquino for Best Supporting Actress para sa Magkaribal. So, nakakatuwa."

Patuloy ni Boy, "Hindi na ako mananalo for Best Male Showbiz Talk Show Host.

"Pero the idea there, kumbaga sa prinsipyo ng marketing, you create a different landscape where you can play again.

"Ang tawag diyan ngayon is the blue ocean strategy.

"So you do public affairs. You do other things, which I’m doing now.

"Kaya nga sabi ko at the end of my speech, ’The best is yet to come.’"

Kung Hall of Fame awardee na si Boy sa Star Awards bilang Best Male Showbiz Talk Show Host, sa Golden Screen TV Awards naman ng Entertainment Press Society (Enpress) ay nagwagi siyang muli para sa The Buzz.

NORANIAN. Ang iniidolo ni Boy na si Nora Aunor ang naatasang magbigay ng Hall of Fame Award niya sa Star Awards.

Kitang-kita sa mukha ng veteran TV host ang pagka-shock dahil hindi pala siya nasabihan na ang Superstar ang magpi-present ng parangal sa kanya.

Bigla ay hindi mo makikita sa King of Talk, kundi ang kanyang pagiging fan ni Nora.

Hindi naman niya ikinahihiyang aminin na mula pa sa pagkabata niya ay true-blue Noranian na siya.

"Fan talaga ako!" natatawang sabi ni Boy.

"Siya [Nora] lang ang...one of the very few na artista na nakaka-unsettle sa akin.

"Siya ’yong isa na parang, sa tinagal-tagal na ba nating...I mean, the years that I’ve spent in the industry have not diminished my being a fan.

"So, parang kapag pina-i-interview ako sa isang Nora Aunor, kahit na handang-handa ka, ’Saan ba ako mag-uumpisa?’" tawa niya.

Dagdag pa ni Boy, "Kulang na lang sagutin mo ’yong sarili mong tanong para sa kanya. Para hindi na siya mahirapan.

"That’s how much I have remained an avid fan of Nora Aunor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

YEARS OF HOSTING. Marami raw natutunan si Boy sa panahong ginugol niya sa larangan ng TV hosting.

Ani Boy, "Una, natutunan kong magsabi ng salamat sa lahat, pati sa aking mga boss sa ABS-CBN, sa mga artista at advertisers, at sa lahat ng mga nagtitiwala sa akin.

"Nag-umpisa ako sa negosyong ito na wala akong alam. Hindi ako marunong mag-host.

"Dahil wala naman talagang libro na nagtuturo o eskuwelahan kung paano mag-host.

"Kaya inaral ko ito. Nagbasa ako. Nagtanong.

"And I discovered na nobody really does it alone. Nobody does it alone.

"Not everybody is nice in the industry. Pero naniniwala ako na mas marami ang mabuting tao kesa sa hindi.

"And it takes a lot of courage to listen to the voices of people who don’t like you.

"But even more courage to be grateful to those who are kind to you at all times.

"I promise, I will continue to listen, to learn, and to search, and thank God."

NEXT IN LINE. Sino ang nakikita niyang puwedeng sumunod sa yapak niya as the King of Talk?

"Wala naman, e," sambit ni Boy.

"Alam mo ’yong konsepto kasi ng susunod is parang...hindi na akma ngayon.

"Because you can only be...like there’s only one Joey de Leon.

"There’s only one Kris Aquino.

"But you can be...like Luis [Manzano] can be the next best Luis.

"You know, Tim Yap can be the next best Tim Yap.

"Because it’s hard to be...Alam mo, natutunan ko ’yan, ’yong mga libro halimbawa ni Oprah Winfrey.

"Na for the longest time of her life, she wanted to be Barbara Walters.

"Ginagaya niya ang posture. Ginagaya niya ang pagsasalita.

"Until she realized that ’I can’t be Barbara Walters. But I can be a better me. I can be the best of me by being inspired by Barbara Walters.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi ko alam. Pero maraming magagaling.

"At saka there are so many surprises in this business. Many, many surprises.

"I’m sure ’yong mga nakasabayan ko never expected that I would go into the talk-show business.

"Kahit ako, hindi ko inakala, e.

"Kahit kayo, hindi n’yo inasahan. Hindi talaga natin inakala.

"So, there are a lot of surprises that could happen along the way.

"Hindi lahat ’yong...what seems logical happens. Hindi, e.

"This is a business that doesn’t follow formulas, di ba?

"Meron naman na...bigla ka na lang ipinasok, ito pala ’yong gusto mo.

"I never dreamed of becoming a talk show host.

"I didn’t know what it was to be a talk show host."

DREAMS. As a multi-awarded TV host, meron pa ba siyang masasabing dream TV show?

"Marami. Marami pa," sabi ni Boy.

"I’d like to be able to do content for talk shows. I’d like to be able to attack the region.

"I mean not just...The other night nga, I was interviewing Rico Hizon of BBC. ’Yong Pinoy? Kaibigan natin ’yan.

"Wala lang. Nakakatuwa siya.

"Kasi, sabi nga ni Rico, parang...he didn’t spend much time, he didn’t become a superstar halimbawa in the Philippines, but he’s an Asian superstar.

"He’s a financial journalist for the British Broadcasting Corporation [BBC]."

PLANS FOR CHRISTMAS. Christmas is fast-approaching. Ano ang plano niya this holiday season?

"Kung saan ang Nanay," sagot ni Boy.

"Ang aming buhay nina Bong [Quintana, his partner], ang buhay ng aming pamilya, umiikot sa buhay ng Nanay.

"Kung halimbawa sabihin ng Nanay, sa bahay lang kami, sa bahay lang kami.

"I cannot ask for anything more. Nanay is doing the best. She’s doing well.

"Masaya ako na maganda ang kundisyon ng Nanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero araw-araw pa rin, 24 hours, binabantayan. A...ibang alaga dahil matanda na ang aking ina.

"Uhm...ini-enjoy namin siya ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN