Garrie Concepcion joins showbiz; admits she’s closer to half-sister KC than their dad Gabby

Garrie Concepcion (in photo) about sister KC’s breakup with Piolo Pascual: "Di ba, she did say no’ng Sunday na hindi niya masabi kahit kanino [ang reason], totoo yun. Ako kasi, I’m the type na hangga’t hindi nagsasalita ang ate ko, hindi ako magtatanong. So, I wait for her na magsalita."


Tuluyan nang pinasok ng isa pang anak ni Gabby Concepcion na si Garrie Concepcion ang mundo ng showbiz.

Si Garrie ay anak ni Gabby sa dati nitong karelasyon na si Grace Ibuna.

Ang pagkanta ang gustong tahaking career ni Garrie sa showbiz.

Kaugnay nito, lalabas na ang self-titled album ni Garrie sa Star Records, kung saan nakapaloob ang carrier single niyang "Relaks Lang Tayo."

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napag-alaman naming nagtapos muna siya ng kursong Hotel, Restaurant, and Institution Management sa La Salle College of St. Benilde.

Ito raw kasi ang pangako niya sa kanyang ina.

Bagamat nag-guest na rin noon si Garrie sa ilang showbiz-oriented talk shows at gumawa ng production numbers sa dating musical show ng GMA-7 na SOP, wala raw talaga sa priority nito ang mag-full time sa showbiz noon.

Paliwanag ni Garrie, "Dahil sa school talaga.

"Siguro iniisip namin no’ng time na yun na hindi pa in God’s time for me na mag-showbiz.

"Hinintay lang talaga namin na maka-graduate. Saka timing lang talaga.

"Singing ang matagal ko nang gustong gawin."

Bakit pagkanta ang pinasukan niya at hindi pag-arte?

"Three years old pa lang ako kumakanta na ako, hilig ko talaga," sabi niya.

RELATIONSHIP WITH HER DAD. Suportado naman daw ng Papa Gabby niya ang pagpasok ni Garrie sa showbiz. Pero noong una ayaw raw ng kanyang ama na pasukin niya ang mundong ito.

Ayon kay Garrie, "Honestly po kasi si Papa, as much as possible, ayaw niyang mag-join yung mga anak niya sa showbiz. He has reasons.

"Pero sabi naman niya, kung ’yan ang gusto ninyong gawin, wala raw siyang magagawa."

Hindi itinatanggi ni Garrie na hindi pa sila malapit sa isa’t isa ng ama niya.

"We’re building a relationship right now, we’re in the process," pagtatapat niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Garrie, "Na-meet ko kasi si Papa, 14 years old lang ako. First time yun.

"I met him 2003, and I’m 22 now. Na-meet ko siya sa States.

"Napaka-coincidence nga no’ng nangyari.

"Kasi nag-meet kami or nag-usap kami uli through Tita Sandy.

"Kasi si Tita Sandy, yung youngest sister niya [Gabby] and my mom’s youngest sister, nagkita sa isang salon.

"No’ng nagkita sila, nag-exchange numbers sila.

"Then yung tita ko sa mother side, ibinigay niya yung number ko, yung e-mail ko kay Tita Sandy.

"Kami muna ni Tita Sandy ang nag-usap.

"Tapos, nagkataon na si Mommy, may convention noon sa States. Ipinakiusap niya ako kay Papa.

"She said, ’It’s about time na mag-usap kayo ng Papa mo. Get to know each other.’

"Naisip ko rin na time na rin siguro. Malaki na rin po ako.

"May mga tanong din ako sa kanya na siya lang ang makakasagot.

"Yun, sumama po ako kay Mommy noon.

"Two weeks kaming magkasama ni Papa, nag-leave siya sa work.

"Araw-araw naman po kaming magkasama.

"Kulang po yung two weeks para mag-build yung relationship namin.

"Kasi po, 14 years kaming no communication at all.

"I know of him, alam kong si Papa siya. Daddy ko siya.

"Pinalaki naman po ako ni Mommy na kilala ko siya."

Bakit ngayon lang nila binubuo ng Papa Gabby niya ang father-daughter relationship nila?

"Siyempre, it’s also not an easy process," sagot ni Garrie.

"I didn’t grow with him. Marami kaming getting to know each other.

"Saka busy siya, e, and I’m also busy with school.

"Now, I’m starting my career.

"So, pag may time talaga, we see each other often."

Three months ago pa raw nang huli silang magkita ng Papa Gabby niya.

"Birthday pa po yun ng lola ko, Mommy-La.

"Actually, magkasunod ng birthday yung lola ko at ang Papa ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga "catching up" naman daw na nangyayari sa kanilang mag-ama kapag nagkakasama sila nito.

Sabi ni Garrie, "Minsan po pag nagpapasama siya sa Batangas, sinasamahan ko siya.

"Kasi yung time alone, yung travel nakakapag-usap kami."

Naiilang pa rin ba siya hanggang ngayon sa ama niya?

"Hindi na po kasing-ilang gaya ng dati.

"Kasi po, medyo nangangapa ka pa rin, e.

"Alam mong nandiyan si Papa. Pero you would want to know a person more bago ka mag-all out sa emotions mo.

"Yung pagiging open...masasabi kong hindi pa ako gano’n ka-open."

CLOSE TO HER ATE KC. Kumpara sa Papa Gabby niya, maituturing ni Garrie na mas close siya sa half-sister niyang si KC Concepcion.

Si KC ay anak ni Gabby sa Megastar na si Sharon Cuneta.

Ayon kay Garrie, may bonding moments sila palagi ng Ate KC niya.

" [A] few days ago, magkasama lang kami," masaya niyang banggit.

"I think, it has something to do yung [maliit] lang yung age gap namin.

"So, madami kaming nagagawa together. Kumbaga, we’re on the same page when it comes to things."

Ano bang advice sa kanya ni KC ngayong pumasok na siya sa showbiz?

"Si Ate naman, lagi niyang sinasabi na she’s always there for me, support siya sa akin all the way.

"Natutuwa nga ako dahil sinasabi niyang she’s very proud of me. She likes my song.

"Basta, sinasabi lang niya sa akin na, ’You just enjoy and you do what you love. You love singing and just do it. Kailangan you have to be strong.’"

Generous ba si KC?

"Sobra!" mabilis niyang sagot.

"Everytime na umaalis siya ng bansa or may tour siya.

"She always has something for me, yung mga little things.

"Kahit naman ako, ganun din sa kanya.

"Last trip niya sa States, binigyan niya ako ng shades."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas open daw si Garrie sa Ate KC niya kaysa sa Papa Gabby niya.

"Medyo po," sambit niya.

"Siguro dahil ate ko siya. Kasi po ate rin ako e.

"I love the fact na meron akong ate rin.

"Yun pa, yung age gap namin. Pareho kami.

"There are things na puwede naming gawin together."

KC’S BREAKUP. Napanood daw ni Garrie ang maemosyunal na interview ni KC sa The Buzz nong nakaraang Linggo, November 27.

Dito isiniwalat ni KC ang breakup nila ni Piolo Pascual. (CLICK HERE to read related story.)

Saad ni Garrie, "Alam n’yo po, I think Ate has already said everything she has to say.

"Ayoko na pong mag-comment."

Anong suporta ang ibinibigay niya sa kanyang ate?

"She knows what [she has] to do and she knows I’m there for her.

"Pag kailangan naman niya ako, nandoon ako.

"Kunwari po, she’ll text me if she wants to go out.

"I’ll drop everything for her."

Inamin ni Garrie sa PEP na kasama siya ni KC nang magpa-interview ang kapatid sa The Buzz.

Kuwento ni Garrie, "She texted me po that day.

"I cancelled everything to be with here that day.

"I had plans with my friends pero I cancelled it for her."

Wala raw kaalam-alam si Garrie sa laman ng interview ni KC.

"Di ba, she did say no’ng Sunday na hindi niya masabi kahit kanino [ang reason], totoo yun.

"Ako kasi, I’m the type na hangga’t hindi nagsasalita ang ate ko, hindi ako magtatanong.

"So, I wait for her na magsalita."

Anong naramdaman niya habang isinisiwalat ni KC ang kanyang saloobin sa hiwalayan nila ni Piolo?

"Siyempre, I feel for my sister.

"I hate anyone na member ng pamilya namin na nasasaktan nang gano’n.

"She’s a strong woman naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naiyak din ba siya habang pinanonood si KC?

"Nasasaktan ako for her. Siyempre, kapatid ko siya.

"Kahit yung iba kong mga kapatid, yung Mommy ko, nasasaktan ako pag nasasaktan sila."

Nagulat ba siya sa revelations ni KC?

"Si Ate po kasi, pag nagmahal, talagang buung-buo. Talagang ipinapakita niya.

"Even with me, sobrang maglambing si Ate.

"Kunwari, magkatabi lang kami, bigla niya akong iha-hug.

"Bigla na lang niyang sasabihin sa akin na, ’I love you, sis!’ Bigla na lang siyang gano’n."

Sumang-ayon din si Garrie sa nalamang pahayag ng ina ni KC na si Sharon Cuneta na may mabait na puso ang anak.

"Sobra! Sobrang mapagbigay!" bulalas ni Garrie.

Kuwento pa ni Garrie, ipinakilala raw sa kanya ni KC si Piolo noong magkasintahan pa lang sila.

Base sa naobserbahan ni Garrie, mabait ang aktor at hindi ito masyadong nagsasalita.

Pero tumanggi si Garrie na magbigay pa ng kanyang deskripsyon kay Piolo dahil kaswal lang daw ang pag-uusap nila nito.

Hindi man diretsahang sabihin ni Garrie, pero nagbago ang tingin niya kay Piolo dahil sa kanyang Ate KC.

"Let’s put it this way, the fact na nasaktan ang ate ko, it makes a difference."

Paano kaya kung magkita sila ni Piolo sa anumang okasyon at pagkakataon?

Sagot ni Garrie, "I’ll be civil. Hindi naman po ako bastos.

"We were civil from the beginning.

"Hindi naman kami naging close. Hi, hello lang."

Hindi pa raw siya binibigyan ng advice ng Ate KC niya pagdating sa lovelife dahil wala pa siyang isi-share.

Wala raw kasing boyfriend ngayon si Garrie.


INTERVIEW WITH KC. Nakini-kinita na rin ni Garrie ang posibilidad na pagsalang niya sa The Buzz para sa isang interview, at ang Ate KC niya ang magtatanong sa kanya.

"Ay, bongga yun! Maganda yun, gusto ko yun.

"Kasi alam ko namang Ate will protect me," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating naman sa ina ni KC na si Sharon, hindi pa raw sila nagkikita nito ayon kay Garrie.

Pero inaasam din niyang magkita sila ng Megastar.

Ani Garrie, "Siyempre, I would also want to meet the important people in my sister’s life.

"And alam ko na close na close siya sa Mama niya.

"One day, in time naman po."

Hindi pa rin daw nagkakakilala nang personal si KC at ang ina ni Garrie na si Grace Ibuna.

Pero nagkausap na raw sila nito, nagbatian ng hi, hello.

THE OTHER SISTER. Nakilala na rin daw ni Garrie ang isa pang kapatid niya sa ama na si Cloie, na anak ni Gabby sa dating commercial model at aktres na si Jenny Syquia.

Ayon kay Garrie, "Hindi ko pa nakikita personally si Cloie, pero we chat sa Facebook.

"She’s now 16. And she’s in Sweden."

Paano niya nahanap ang kapatid?

"In-add niya po ako sa Facebook.

"Hindi ko pa sure noong una kung siya ba talaga yun.

"Tsinek ko yung mga common friends namin.

"E, yung mga common friends namin at saka yung mga titos, titas sa States, sinasabi siya nga raw. So, in-accept ko na.

"Minsan mini-message niya ako, minsan ako yung nauuna."

Matagal na raw alam ni Garrie ang tungkol kay Cloie.

"I grew up knowing po, e—si Papa, may ate ako, tapos may sumunod pa sa akin.

"Kumbaga, maliit pa lang ako, bini-brief na ako ng nanay ko."

Anong hitsura ni Cloie?

"Uhm...kamukha raw po namin."

May talent din daw ba si Cloie gaya nila ng Ate KC niya?

"She said she loves singing din. I think she plays...I forgot if it’s piano or guitar.

"Yung interest sa showbiz, hindi ko pa siya natatanong."

Wish ni Garrie na magkita-kita silang magkakapatid sa ama at mag-bonding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Garrie, "Siguro pag malaki na si Sam, Samantha.

"May baby pa kami, e. Paglaki na lang niya siguro."

Si Sam ang anak ni Gabby sa asawa nito ngayong si Genevieve Yatco.

Apat na silang mga babaeng magkakapatid, bagay na ikinatutuwa naman daw ni Gabby.

Ayon kay Garrie, "Sabi nga ni Papa, okey lang sa kanya na all girls kasi malambing daw ang mga babae."

Nagkasama na raw sila ng Papa niya, si KC, pati na si Sam, sa birthday ng kanilang lola.

"Si Cloie na lang nga ang kulang," sambit ni Garrie.

Dalawa ang kapatid ni Garrie sa ina. Ang lalake ay turning 15 na sa susunod na buwan, at yung babae naman ay turning 13 sa susunod na taon.

Magtu-twenty three na si Garrie ngayong December.

Wala siyang ibang hiling kundi ang magkaroon ng maayos na samahan sa mga mahal niya sa buhay at tanggapin siya ng tao bilang isang singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN