Alden Richards reveals that new project in 2012 pairs him anew with Louise de los Reyes

"Pero, siyempre po, nasa GMA[7] po yun kung sino po ang ibibigay nilang ka-partner ko. Wala naman po akong karapatan na mag-demand," says Alden Richards when asked why is he being paired again with Louise de los Reyes.


Masuwerte si Alden Richards dahil napakapositibo ng datíng niya sa karamihan, lalo na sa movie press.

Marami ang nagsasabi sa entertainment reporters na he can really be the next big thing.

Sadyang mabait daw kasi ang Kapuso actor.

Sa press conference ng Ang Panday 2 sa Annabel’s Restaurant kahapon, December 1, marami ang natuwa at bumati kay Alden dahil sa pagkapanalo niya bilang Breakthrough Actor ng 2011 Golden Screen TV Awards.

Ito ay ipinamamahagi ng Entertainment Press Society, o Enpress. Ang Enpress ay isa sa dalawang malaking grupo ng local entertainment media. Ang isa pa ay ang Philippine Movie Press Club (PMPC), na nagdaos ng kanyang sariling awards night kamakailan.

BEATING MATTEO GUIDICELLI, ETC. Ayon kay Alden, ang kanyang pagkapanalo na isang bagay na hindi niya talaga inaasahan.

"Hindi ko po ine-expect kasi ang mga kalaban ko po sa category, ang bibigat at saka, ang dami po namin.

"Si Matteo Guidicelli, yung magkapatid na Elmo at Frank Magalona.

"To think na simula pa lang po ako, tapos, nakuha ko po ang award, nakakagulat pa rin po.

"Parang hindi pa rin po ako makapaniwala. Paggising ko ng umaga, tinitingnan ko ang award ko, parang, ’Akin na ba ’to?’

"Parang, ’Ako ba talaga ang napili for this?’ Talagang sobrang thankful po ako sa Enpress."

Overwhelmed daw talaga si Alden sa mga nangyayari sa kanyang career sa loob ng wala pa halos isang taon.

Tandang-tanda ni Alden ang showbiz anniversary niya na pumatak sa December 8.

"Sobrang overwhelmed po. Seven days [mula sa araw ng interview] to go po before one year, pero ’yung blessing po ni Lord na dumarating sa akin, talagang hindi ko po sasayangin.

"At saka, magbibigay pa po ako ng more effort at mas magiging responsible pa po ako sa lahat ng hahawakan kong projects."

Ano ang eksaktong naramdaman niya nang tawagin ang pangalan niya bilang winner?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Grabe, ’yung heartbeat ko po, grabe talaga. Yung speech ko po, nagkarambul-rambol na."

THANKING THE FANS. Dagdag niya, "Yun nga po, unfortunately, nakalimutan kong pasalamatan ang fans ko.

"Sobrang mali po yun. Kaya dito man lang po [sa PEP]: sa Aldenatics, thank you so much.

"Kasi, kung wala rin po ang mga fans ko, wala rin po ako rito. So, yun po.

"Yung mga pasasalamatan ko, inuna ko muna po sa malaki, then, pababa po. Of course, sa GMA[-7] network, sa GMA Films, sa Enpress."

Silang dalawa ni Derrick Monasterio ang magkasama sa Golden Screen Awards at magkatabi pa sila nang tawagin ang pangalan ni Alden bilang winner.

Si Derrick ay isa rin sa nominees.

"Si Derrick po, nanalo rin sa PMPC. Kaya sabi ko, quits na tayo, ha.

"May award siya this year, may award rin ako this year.

"So, sobrang good friends po kami ni Derrick.

"Katulad nga po noon, kaming dalawa ang magkasama sa awards night.

"Wala po talagang competition kasi we take it as a healthy competition.

"Mahirap na pepersonalin namin, wala pong mangyayari."

MAKING A PROMISE. Sa presscon pa rin ng Ang Panday 2, nagbitiw si Alden ng salita na hinding-hindi raw siya magbabago.

Kung ano raw ang ipinapakita niya ngayon at nakikita sa kanya ng tao, hinding-hindi raw niya babaguhin yun.

Sinabihan siya ng press na halos lahat ng baguhan, ganoon ang sinasabi. Halos lahat din, nagbago nang tumagal na sa showbiz at mas nakilala pa.

"Opo nga raw. Actually, yun din po ang sabi sa akin ng management ng GMA-7 noon pa.

"Na parang sabi nila, sinabi ko po since nag-start po ako na hindi po talaga ako magbabago.

"Kasi for me po, kung bakit ka nagustuhan ng mga tao, nagustuhan ka nila kung ano ka sa simula."

Paano nga ba niya mapapanindigan ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap po kasi by words, ipakita ko na lang siguro po by action.

"Kasi, yun po ang nakilala ka nila as ganoon. Nagustuhan ka nila kung paano nagsisimula ka pa lang.

"Parang yun po ang magiging basis nila na magugustuhan ka pa rin nila as the years pass."

GOOD START! For a newcomer, hindi lahat nagiging magaan ang dating sa mga nasa showbiz na. Pero sa part niya, tila nga marami ang nababaitan at nagwi-wish ng magaganda para sa kanya.

"Masaya po," nakangiti niyang sabi. "Kasi ako naman po, every day, kung ano po ang nakikita niyo sa akin, ganoon din po ako sa lahat.

"Parang masarap po ang pakiramdam na marami ang nagkakagusto."

First year pa lang ni Alden sa showbiz, pero nakaka-tatlong pelikula na siya. Nagkapelikula siya agad na kasali sa Metro Manila Film Festival.

Nagkaroon pa siya ng pagkakataon makatrabaho ang ibang aktor, lalo na ang bida ng Ang Panday 2 na si Senator Bong Revilla.

"Opo nga. No words to express how grateful I am sa GMA Films, sa Imus Productions for giving me a chance to be part of this film.

"Kasi, kinabahan po ako siyempre, kasi si Direk Mac Alejandre ’yan.

"Although si Direk Mac po, nakatrabaho ko na sa Alakdana.

"So, feeling ko po, may kinalaman din po si Direk Mac para makasama ako sa film na ito.

"So, na-pressure po ako before kasi, siyempre, Senator Bong, Marian Rivera, Eddie Garcia, Phillip Salvador.

"Mga cast po na naging haligi na ng industriya natin.

"Pero, ginawa ko po ang best ko. Ayoko pong mapahiya kasi bigatin po ang mga kasama ko.

"Tapos sina Kris Bernal, Alice Dixson, mga kaeksena ko po palagi.

"Naging maganda naman po ang outcome ng movie and proud po ako na nakasama po ako sa Panday."

Si Alden ang gumaganap na Gubli, isa sa mga Dragon na mababait daw ang character sa movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOWN ON PRIMETIME? Sa darating na 2012, may sinasabi na raw ang GMA-7 na bago niyang proyekto.

Aniya, "Hopefully, for 2012 po, magli-lead na po kami ni Louise delos Reyes sa primetime."

Si Louise pa rin ang ila-loveteam sa kanya?

"Parang, sabi po kasi ng GMA-7, parang naging okay raw po ang outcome ng Alakdana na una pong pinagsamahan namin.

"Pero, siyempre po, nasa GMA[7] po yun kung sino po ang ibibigay nilang ka-partner ko.

"Wala naman po akong karapatan na mag-demand."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN