German Moreno honors 33 stars in his yearly Walk of Fame; Ali Sotto meets up with her late son Miko’s former girlfriend, Angel Locsin

Nuong Disyembre 1, may 33 celebrities ang binigyan ni Kuya Germs (above) ng star sa kanyang 6th Walk of Fame sa Eastwood City Gardens sa Libis, Quezon City. Ilan sa mga dumalo ay sina Ai-Ai delas Alas, Eugene Domingo, Angel Locsin, Anne Curtis, Carmina Villarroel, Iza Calzado, Carla Abellana, Lovi Poe, Rhian Ramos, Marvin Agustin, Sam Milby at Heart Evangelista.


Naging matagumpay ang pag-celebrate ng ika-6th Walk of Fame ni German "Kuya Germs" Moreno noong nakaraang Disyembre 1 sa Eastwood City Gardens sa Libis, Quezon City.

Dumating ang maraming celebrities na bibigyan ngayong taon ni Kuya Germs ng sarili nilang mga bituin sa naturang Walk of Fame.

Masaya si Kuya Germs na kahit medyo sumama ang panahon noong araw na iyon, hindi naman umulan nang dumating ang takdang oras para sa pagdating ng mga artista.

"Nagpapasalamat tayo sa Panginoon dahil pinagbigyan Niya tayo ulit sa pagkakataong ito para maging maayos ang pagbigay natin ng star sa mga napili nating celebrities this year," ang sabi ni Kuya Germs sa media at sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"As always, natutuwa ako at dumarating ang mga napili naming mga artista at talagang nagtitiyaga sila na tumayo roon hanggang sa matapos ang buong ceremony.

"Patunay lang na nandiyan ang suporta nila sa Walk of Fame at lagi kong wish sa mga susunod pang taon na patuloy lang ang pagtangkilik nila sa ginagawa naming ito.

"Para rin ito sa mga fans nila na gustong makita ang mga pangalan nila dito sa Eastwood City Garden."

Ngayong taon ay may 33 celebrities ang binigyan ni Kuya Germs ng star sa Walk of Fame.

May mga veteran stars tulad nila Luz Valdez, Marita Zobel, Liberty Ilagan, Robert Arevalo, Rustica Carpio, Caridad Sanchez, Elizabeth Ramsey, Coney Reyes, Gloria Sevilla at Pilar Pilapil who made her first public appearance after ng ilang buwang pamamahinga dahil sa nangyari sa kanyang near-death experience last April ng taong ito.

Sinamahan din ng mga sikat na mga artista ngayon tulad nila Ai-Ai delas Alas, Eugene Domingo, Angel Locsin, Anne Curtis, Carmina Villarroel, Iza Calzado, Carla Abellana, Lovi Poe, Rhian Ramos, Marvin Agustin, Sam Milby at Heart Evangelista.

Sa mga singers ay binigyan ng star sila Joey Albert, Celeste Legaspi at Cocoy Laurel. Sa larangan naman ng news at broadcasting, binigyan ng kanilang bituin sila Jessica Soho at Tina Monzon-Palma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binigyan din ni Kuya Germs ng star ang mga yumaong celebrities na kinakatawan ng kanilang family members.

Tulad na lang ni Paquito Diaz na represented ng kanyang anak na si Joko Diaz; Inday Badiday na represented ng kanyang mga anak na sila Dolly Ann at Klang-Klang Carvajal at ng apo na si IC Mendoza; Helen Vela na represented ng kanyang anak na si Paolo Punzalan; Ike Lozada na represented ng kanyang mga kamag-anak; AJ Perez na represented ng kanyang parents at mga kapatid; Miko Sotto na represented ng kanyang inang si Ali Sotto.

Halos lahat ng artistang present sa Walk of Fame event ay masayang-masaya at naging bahagi sila ng pamosong landmark ng Eastwood City.

Tulad na lang ni Ali Sotto na naging emotional sa kanyang pagtapat sa star ng kanyang yumaong anak na si Miko Sotto.

"Every Christmas kasi, hindi kami naglalagay ng decorations. It only makes me sad because I always think of Miko.

"Tapos December din ay birthday niya. Kaya for the past years, hindi kami naglalagay talaga ng anumang decorations for Christmas.

"But this year, maglalagay na ako and I feel it’s time that we celebrate.

"Tamang-tama nga itong pagbigay ni Kuya Germs ng star kay Miko.

"This is the year to once again be happy this Christmas.

"I know that Miko would want me to celebrate Christmas na maligaya ako," ngiti pa ni Ali.

Nagkita pala sila ni Angel [Locsin] sa naturang event at nagyakapan sila.

"Lagi ko naman nakakausap si Angel.

"Pero dahil sobra kaming busy, we only text once in a while. I am happy na sabay pa sila ng anak ko na nabigyan ng star dito sa Walk of Fame," pahayag niya.

Si Carmina Villaroel naman ay dala-dala ang kanyang kambal na sila Maverick at Cassandra sa naturang event. At siyempre, hindi rin mawawala ang kanyang partner na si Zoren Legaspi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang family event nga ito para sa amin, e. Ngayon ko lang napi-feel na I am a star!" tawa pa ni Mina.

"Masaya ako because I have Zoren and kids to witness this event. Every Christmas ay pumupunta kami rito para makita ang aking name na nakaukit dito sa Walk of Fame.

"It makes me feel so blessed na ang mga years na pinagtrabahuan ko sa showbiz ay worth it. Heto ay star na nga ako talaga!"

Si Eugene Domingo naman ay natutuwa at nakasabay niya ang mga veteran stars na napapanood lamang niya sa TV at pelikula noon.

Ngayon ay kasama pa niya na nabigyan ng mga bituin sa Walk of Fame.

"Humahanga ako kay Kuya Germs dahil siya lang ang nakakagawa nito.

"Na mapagsama-sama niya ang mga bagong artista with the veteran stars na hinahangaan ko noon.

"Pakiramdam ko ay magkabarkada lang kami ni Ms. Elizabeth Ramsey!" malakas na tawa niya.

Si Jessica Soho naman ay sobra ang pasasalamat kay Kuya Germs dahil sa pagbibigay ng kakaibang parangal sa kanya.

"Sa mga recognition na natanggap ko as a broadcast journalist, ito ang kakaiba because my name will be seen here sa Walk of Fame.

"May reason para puntahan mo ang lugar na ito every Christmas, ’di ba?" ani Jessica Soho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN